Chapter 22: Team of Dark Magical Academy

1751 Words
Nicole Dark POV Andito na kami sa lugar ng aming paligsahan. Pagkahinto ng pagkahinto agad kaming bumaba ni Drake. Sunod ang mga royalties, si Levi at ang mga coaches na nakaatas sa amin. Agad na pumunta sina Levi at prof. Jaie sa kinaroroonan namin at biglang siniko ni Levi si Drake. "Gago ka bro! Bakit hindi mo sinabi sa akin?" Sigaw ni Levi kay Drake. Nag quite sign naman si Drake kaya hindi na niya kinulit pa ito. Ang lugar ng aming paligsahan ay napalibutan ng dagat kaya habang nakasakay kami kanina sa kalesa lumabas ang pakpak ng kalesa para makatawid sa dagat. Nang makalagpas kami sa gate bumungad sa amin ang mga maraming estudyante. "PLEASE PROCEED TO THE ARENA. PLEASE PROCEED TO THE ARENA." Sabi ng boses lalaki na nanggaling sa loob ng arena. Unang pumasok ang team nila HM sunod ay ang team ni prof. Lane. Hindi agad kami nakapasok sa loob dahil nag-uunahan ang ibang mga estudyante. Kami ang pinakahuling team na nakapasok sa arena kaya andito kami sa pinakataas. Biglang may nag appear na isang lalaki sa gitna ng arena. "Good morning ladies and gentlemen. I am the MC of this event. I am Steven Lacson and thank you for coming for this event. We only do this event every once a year. We have 3 categories the elemental, non-elemental and CB (combat battle). The elemental category will be the first to fight using this illusion center. Followed by the non-elemental category and after the non-elemental the last category will be fight is the CB. Each team has their own Flaglets and each team must get the Flaglets of other team and you will give 2 hours to finish the game. The team who has many flaglets will be the winner. And the winner has a special gift from the Queen and King. And for those team who let their opponent get their Flaglet will automatically go to the station of Lose." Pagpapaliwanag ng MC at biglang umingay ang buong arena. Itinaas ng MC ang kamao niya na ibig sabihin ay silent kaya tumahimig ang mga estudyante na nag-iingay. "May limang schools ang sumali dito sa event na ito. Para sa elemental category participants pumunta kayo dito sa gitna ng arena kapag natawag ang school niyo. Sky Academy, Sun Academy, Mystique Academy, Magical Academy and Dark Magical Academy." Sabi ng MC at pumunta na ang mga tinawag na school sa stage. Biglang tumingin dito sila Aya sa kinaroroonan namin at nagwave. Nang dumapo ang tingin ko kay Cloud binigyan ko lang siya ng Cold look. Siguro kailangan ko ng ilayo ang sarili ko sa mga royalties. Dapat ay sinunod ko ang bilin ni lola Rena. Napatingin ulit ako sa arena ng mawala ang MC. Nagsimula ng palibutan ng barrier ang gilid ng center ng arena. "Time starts now!" Sigaw ng MC at nawala sila sa aming paningin. Biglang lumabas sa gitna ang malaking hologram at nakita namin na nagkahiwa-hiwalay ang bawat team. Sina Aya ay nasa dulo ng kagubatan ganun din ang ibang team ngunit nasa magkaibang direksyon. THIRD PERSON POV Nang nagsimula na ang laro sa elemental category bigla silang napunta sa dulo ng gubat na nasa magkaibang direksyon. Si Light ang may hawak sa Flaglets nila. Nagsimula na silang kumilos at nauna si Light sa paglalakad na sinundan ni Aya, Wencent, Eric at ang huli ay si Cloud. Bawat team ay alisto. May naramdaman si Light na panganib na darating kaya mas lalo siyang naging alisto at pinakiramdaman ang paligid. Ganun din ang ginawa nila Aya. "AYA!!" Sigaw nila Wencent at Eric tapos hinila ni Wencent si Aya at lumutang sila sa ere gamit ang kapangyarihan ni Cloud na Elemento ng hangin. "Show yourself to us bastard." Malamig na sabi ni Light sa kalaban. Biglang lumabas ang isang lalaki na sinundan ng kanyang mga kakampi. "Light kumusta kana? May nasagap kaming balita na may new transferee kayo at babae pa. Ipakilala mo naman sa amin oh. Maganda ba siya? Pasado ba siya sa kama ko?" Nakakalukong tanong ng lalaki kay Light. Biglang napakuyom ng kamao si Light. "Touch her and you'll make your own grave." Malamig na nakakatakot na pagkasabi ni Light na siyang nagpakilabot sa buong sistema ng lalaki. "I got their Flaglet!" Sigaw ni Aya na nasa likod ng kaaway. "Paano--." Hindi natuloy ang sasabihin ng lalaki ng bigla itong nawala at napunta sa mga bagsakan ng mga natalo ganun din ang nangyari sa mga kakampi nito. Nagpatuloy sila sa paglalakad at sa paglalakad nila ay may nakita silang team na nagtatawanan. "Nakadalawa na tayo ng Flaglets." Sabi ng lalaki. "Sigurado ako, tayo ang magiging winner. At alam ko na walang binatbat sa atin ang team ng Magical Academy lalong lalo na yung Prisesa nila na sino nga yun?" Maarteng sabi ng babae sa mga kasama niya. "Si Aya Miller. Kapatid ng payatot na sina Wencent, Eric at Light." Sabi naman ng isang lalaki at nagtawanan sila. "Ah ganun? Tignan lang natin." Sa isip ni Aya. "Sinong payatot ang pinagsasabi mo uranggutan? Baka ikaw ang payatot?" Sabay na sabi nila Wencent at Eric tapos ay sabay silang tumawa na nagpalingon sa grupo na nanglalait sa mga royalties ng Magical Academy. "Totoo naman ah. Diba babe?" Maarte at malandi na tanong ng babae sa kasintahan niya na ka membro nila. "Alam niyo bagay kayo." Sabi ni Aya na nakangisi. "Yeah. Bagay talaga kami. Kaya back off." Sabi ng maarte na babae at kumapit sa braso ng lalaki. "Bagay na bagay talaga." Natatawang wika ni Aya. "Uranggutan.." Wika ni Wencent na sinundan ni Eric. "...Plus Clown na Chaka equals.." Natatawang wika ni Eric. "Mga salot sa lupa." Pagsingit ni Cloud sabay dinura ang bubble gum na ninguya niya sa kabilang grupo. "Kami?! Salot." Nanggagalaitang sabi ng maarte na babae sa grupo nila Light. Susugurin na sana ng mga kalaban sina Light ng bigla may isang dark elemental ball ang nahulog sa pagitan ng dalawang team at sumabog ito ng pagkalakas-lakas na dahilan upang tumilapun ang team ng nanglalait sa team nila Light. Si Light naman at ang kanyang buong team ay agad na nakagawa ng shield. Makapal na usok ang pumalibot sa paligid. May naaninag silang limang pigura ng mga tao. Nang mawala na ang usok tinanggal nila ang shield na nakaharang sa kanila at tinignan ang mga taong naka cloak na sanhi ng pagsabog. Lahat sila ay nakababa ang hood kaya malalaman mo agad kung ano ang kasarian nila maliban sa isa na nakared cloak na may agila sa kanyang kaliwang balikat kaya agad na nag-iwasan ng tingin ang mga royalties sa taong nakared cloak. Biglang lumabas sa taas ang hologram. Nakita ng team ni Light at ang bagong team na nakaharap nila ang mga team na natanggal. "Sky Academy, Sun Academy and Mystique Academy pala ang natanggal sa laro. Kung ganun ang kaharap naming grupo ngayon ay ang kaaway talaga namin ang... Dark Magical Academy." Bulong ni Aya na sapat lang namarinig ng kanyang team. Tinignan ulit nila ang magkabilang team maliban sa lalaking nakared cloak. Dalawang babaeng nakaviolet cloak. Ang isang babae ay may maikling buhok na may kulay Asul na berde na may halong itim na buhok. Sa isa naman ay may mataas na buhok na hanggang bewang na may kulay itim na buhok na may kulay dilaw sa dulo ng kanyang buhok. Tatlong lalaki, ang isa ay itim ang kulay ng buhok na may earring sa kaliwang tenga. Ang isa naman ay may kulay chokolate na buhok na malakorean ang beauty. At ang isa naman, ang naka red cloak. Hindi nila alam kung anong klaseng mukha ang meron siya. Kung gwapo ba ito o hindi. Lahat sila ay magaganda at gwapo maliban sa naka red cloak na hindi pa nila nakikita ang mukha nito. Biglang nagsalita ang nakared cloak na napakalamig na nakakakilabot na nagpanginig sa buong sistema ng mga royalties ng Magical Academy maliban kina Cloud at Light. Sa kabilang banda ang mga tao sa arena ay nataranta dahil sa pagsabog sa labas ng arena at biglang nawala ang signal ng hologram kaya hindi nila nakita kung ano ang nangyari sa mga royalties. Nagsilabasan ang mga estudyante sa arena at pumunta sa kinaroroonan ng pagsabog sa labas. Nagpaiwan sina HM at ang grupo nila prof. Lane at Prof. Jaie maliban kina Drake at Dark Nicole na lumabas. Sa eksena naman ng mga royalties. "Nagkita ulit tayo. May pagmamay-ari ang Dark Magical Academy na nasa inyo. Babawiin namin SIYA sa tamang panahon. At nakakasigurado ba kayo na kami ang tunay niyong kalaban?"- tanong ng lalaki kila Light at bigla niyang tinapon sa harap ng mga royalties ang tatlong Flaglets at nawala ang grupo ng Dark Magical Academy. Naiwan silang tulala at naguguluhan sa sinabi ng nakared cloak. Unang nakabawi si Aya kaya dinampot niya ang Flaglets na tinapon ng nakared cloak kanina. Biglang naglaho ang mga bagay sa paligid at nakita nila si HM at ang dalawang team ng Magical Academy maliban kina Drake at Dark. Lumapit si Aya kay prof. Jaie. "Prof. Jaie nasaan po sina Drake at Dark?" Tanong ni Aya at hinanap naman ni prof. Jaie sa buong arena ang dalawa pero nabigo itong mahanap. May sumabog ulit sa labas kaya napatakbo silang lahat palabas sa arena. At sa paglabas nila nakita nilang nahimatay si Dark na nasalo ni Drake. Lumapit sila sa dalawa at ng hawakan ni Aya si Dark ay napaso ito. "Ouchh!" Sigaw ni Aya dahil sa sakit. "Anong nangyari sayo." Tanong ng mga kapatid niya sa kanya. "Nang hawakan ko si Dark bigla nalang akong napaso. Pero bakit ako napaso? Bakit hindi napaso si Drake ng mahawakan niya si Dark?" Tanong ni Aya kaya napatingin sa isa't -isa ang mga magkapatid na mga royalties at isa lang ang pumasok sa isipan nila. (Konektado silang dalawa dahil magkapatid sila.) Iyon ang nasa isip nila at tinignan nila si Dark na binabalutan ni Drake ng special na tela dahil sa nasunog ang suot na damit ni Dark para matakpan ang katawan nito. Lalapit sana si Light at Cloud kay Dark ng sinamaan ng tingin ni Drake ang dalawa. "Sa oras na lumapit kayong mga royalties sa kapatid ko ilalayo ko siya sa inyo. At sisiguraduhin ko na hindi niyo na siya makikita. Kahit ikaw Aya 'wag na 'wag kang lumapit sa kapatid ko." Pagbabanta ni Drake at kinarga na si Dark na walang malay na hanggang ngayon ay mainit parin. "At isa pa Aya. Lahat ng nakita mo na magkasama tayo ay lahat ng iyon ay illusion lamang." Pahabol na sabi nito at biglang nawala. Naiwang kumikirot ang puso ni Aya at tulala. Habang ang mga royalties ay iniisip parin nila ang nangyari sa labas ng arena kung bakit may pagsabog na naganap. Ang mga couches naman ng tatlong team ay hindi makapaniwala sa kanilang narinig na magkapatid sina Dark at Drake. To be continue...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD