Nicole Dark POV
Ngayon na ang araw ng paligsahan. Andito na kami sa harap ng gate at nakasakay sa kalisa at ang malas lang kasi katabi ko si Hambog bali ito yung posisyon namin
LEVI || DRAKE
CLOUD || AKO
Ang sama ng tingin nila Levi at hambog sa isa't-isa na parang may namuong kuryente. Si Drake naman natulog. Nabigla nalang ako ng may mabigat na bagay ang nakapatong sa balikat ko pagtingin ko ulo pala ito ni hambog dahil ako ang dakilang sadista tinanggal ko ang ulo niya at napalakas ang pagtulak ko sa ulo niya dahilan na muntikan na siyang mahulog sa inuupuan niya. Si Levi naman tawa ng tawa at kunti nalang lalabas na ang ngalangala niya.
Sinamaan naman ako ng tingin ni hambog kaya sinuklian ko din siya ng cold expression at tumingin sa labas.
Bahala siya dyan. Basta 'wag niya akong pakialaman. Pero ang hambog pinulupot ang mga kamay niya sa bewang ko kahit anong tanggal ko sa kamay niya hindi parin matanggal.
May mga mata naman na masamang nakatingin kay hambog. Pagtingin ko si Levi at si Drake? Oh na pano to?
"Ang ingay niyo at ikaw CLOUD wag kang dumikit sa KAPATID KO. ALIS!" Sigaw niya at bigla nalang nagpalit ang pwesto nila hambog at Drake. Nanlaki naman ang mata ni Levi at si hambog cold lang ang expression niya.
"ANO?! MAGKAPATID KAYO?!" Sigaw ni Levi kaya napatakip ako sa tenga. Tinanggal ko din ito at tumingin kay Drake at kinilatis ang bawat kilos niya kung umaandar naman ang pagkaweirdo niya pero wala. Walang bakas na nagbibiro o naging weirdo siya kaya biglang kumabog ang dibdib ko.
"Oo narinig mo naman ako diba kaya bilang kapatid niya at ako ang inatasan ng mga magulang namin na ibalik siya sa amin na walang labis at walang kulang. Kaya ikaw Cloud kahit prinsipe ka pa hindi pwede na maging kayo kaya ngayon palang tapusin mo na yang paglalaro mo sa KAPATID KO." May diin na sabi ni Drake at hinila ako palabas pero bago ako lumabas narinig ko na sumagot si Hambog kaya napahinto kami.
"Okay. Wala naman siyang kwentang laruan." Sabi nito at dahil doon sa mga sinabi niya nasaktan ako pero hindi ko yun ipinakita na naaapektuhan. Ang ayaw ko sa lahat iyong laruan ang tingin sa akin.
Tinignan ko siya gamit ang pinakamalamig na expression ko.
"Kailanman hindi kita tinuring na boyfriend ko mr. Hambog." Sabi ko gamit ang bored at napakamalamig kong boses. Hinila ako ni Drake at pumasok sa isang kalesa na dalawa lang ang pwedeng makasakay.
"Totoo ba? Totoo ba na kapatid kita?" Diretso ko tanong sa kanya.
Tinignan niya ako ng seryoso.
"Ate Nicole. Alam ko na nakilala mo ako bilang isang weirdo pero sa ngayon maniwala kaman o hindi nagsasabi ako ng totoo na kapatid kita. Ang mukha natin ay isang patunay na ikaw ang nawawala kong na kakambal hindi mo ba napapansin na pareho tayo ng mukha?" Sabi nito at hinawakan ng dalawa niyang kamay ang pisngi niya. Kaya pala na magkahawig kami at noong tinawag niya akong ate Nicole ay parang sumaya ako.
"Sige sabihin natin na magkapatid tayo at KAMBAL pa. Bakit Nicole ang tawag mo sa akin?" Tanong ko.
"Dahil ikaw si Nicole Dark. At isa sa patunay na kambal tayo yung tattoo mo na nasa braso at likod mo ate Nicole." Wika niya at hinubad niya ang jacket niya kaya nagtaka ako pero nung ipakita niya ang braso niya at ang likod niya nawala ang pagtataka ko. Pareho na pareho kami ng tattoo. Isinuot niya ulit ang jacket niya at tumingin sa akin na nakangiti.
"Ano ate Nicole naniniwala ka na ba?" Tanong niya sa akin.
Tumango lang ako at magtatanong na sana ng nagquite sign siya.
"Masasagot din ang mga katanungan mo ate sa tamang panahon. Sa ngayon huwag ka basta-bastang maniniwala sa mga nakapaligid sayo. At may sasabihin ako sayo ate Nicole." Sabi niya na nakangiti.
"Ano?" Tanong ko.
"Triplets tayo." Sabi niya na nakangiti.
"ANO?! TRIPLETS?!" Napasigaw ako dahil sa narinig ko.
"Shhh. Lower your voice ate. Hindi pa dapat nila malaman na may kambal ka pero nasabi ko na kanina na kapatid tayo kasi ipapakain ako ng buhay ni Kuya sa alaga niyang halimaw kapag malaman niya na may karelasyon ang nag-iisang prinsesa namin na si ikaw ate Nicole. Kaya bawal ka pang magka boyfriend." Sabi nito na nagpangiwi sa akin.
"Tungkol sa mga magulang natin asan na sila?" Tanong ko bigla naman naging malungkot ang mukha niya.
"Ang totoo ate Nicole hindi ko alam. Bata pa lang tayo katulad mo hindi ko nakita ang mga magulang natin. Tanging si kuya lang ang nakakaalam kung nasaan sila pero katulad natin hindi pa niya nakikita ang mukha nila." Sabi niya kaya nalungkot ako sa mga narinig ko.
Kung ganun hindi ko pa sila makikita? Pero paano?
Napatingin ako sa kanya ng magsalita siya.
"Basta ate 'wag kang magtiwala sa kahit sino dahil hindi mo alam sinaksak kana pala patalikod." Sabi niya kaya nginitian ko siya at tumango.
Light POV
Andito kami sa kalesa na para sa mga royalties lang. Biglang pumasok si Cloud at napasabunot sa buhok niya.
"Alam na niya." Sabi niya bigla.
"Ano alam na niya?" Tanong ni Aya.
"Alam na ni Dark na hindi totoo lahat na ipinapakita ko sa kanya." Sabi ni Cloud na parang nasasaktan.
"Hahahaha ang hina mo naman bro." Sabi ni Wencent na naka dikwatro.
"So plan B na ba ang kasunod?" Tanong ni Eric at tumingin sa akin. Tumango naman sila maliban sa akin at kay Cloud.
"May nakuha ka na bang information tungkol sa kanya?" Tanong ni Aya kay Cloud.
"Isa lang at kanina ko lang nalaman." Sagot niya.
"Ano?" Tanong ulit ni Aya.
"May kapatid siya." Nakaabang kami lahat sa susunod niyang sasabihin.
"At sino naman?" Tanong ni Wencent na interesado din.
"Si Drake... Drake Stone." Sabi niya na nagpalaki ng mata ni Aya.
"ANO?!" Sigaw ni Aya.
"Paano?" Tanong ulit ni Aya at pinagpawisan dahil sa nalaman.
"Hindi ko alam. At si Drake ang dahilan kung bakit ako na buking." Sabi ni Cloud at tumingin sa akin.
"Kilala niyo ba ang mga magulang ni Drake?" Tanong ko at sabay silang umiling.
"Sisimulan ko ang plan B pagkatapos ng paligsahan." Sabi ko at nagsalita naman si Cloud.
"Make sure that you'll not fall inlove to that girl." Sabi niya pero binaliwala ko na lang ang sinabi niya at napapikit. Biglang lumabas ang imahe niya sa isipan ko.
Sino ka nga ba?
Gusto ko ng tapusin ang mission na'to sa madaling panahon.
To be continue...