Nicole Dark POV
Sunday ngayon at unang araw ng november kaya maaga akong nagising dahil napanaginipan ko na naman yung tungkol sa babaeng pinatay ang mga kaibigan niya.
(A/N: yung panaginip niya ngayon ay same sa panaginip niya sa Chapter 2.)
3am pa ng umaga at hindi na rin ako makatulog kaya nakapag desisyon ako na lumabas. Pumunta muna ako sa banyo para maligo. Pagkatapos ko maligo ay nagbihis ako ng white T-shirt at white jeans.
Pagkatapos matignan ang sarili ko sa full length mirror lumabas na ako kahit walang jacket kaya kita ang tattoo ko sa braso ko pero wala akong pake kahit makita nila ito.
Dumaan ako sa likod ng dorm dahil may daan doon patungo sa gubat palabas dito sa academy. Nakita ko iyon kahapon pagkatapos kong tumakas sa kamay ni hambog at sinundan ko kahapon si Levi na lumabas gamit ang daan na ito.
Nang makarating ako sa likod ng dorm nagpatuloy ako sa paglalakad patungo sa gubat ng makita ko si Aya napatingin din siya sa akin.
"Anong ginagawa mo dito Lez? Alam mo naman na bawal pumunta dito sa likod ng dorm." Tanong niya sa akin.
"Lalabas ng academy." Simple kong sagot.
"ANO?!" Sigaw niya kaya tinakpan ko agad ang bibig niya at nag quite sign.
"Ano ba Aya, lower your voice." Paalala ko sa kanya at tinanggal na ang kamay ko sa bibig niya. Minsan ang sarap paduguin ng bibig niya nakakairita na kasi minsan.
"Lez anong nangyari sa braso mo? Nagpatattoo ka ba?" Tanong niya ng mapansin niya ang tattoo ko sa braso.
"Inborn." Sagot ko at nagpatuloy sa paglalakad. Sumunod naman siya sa akin.
"Wow ang cool!" Komento nito. Actually hindi cool ang magkaroon ng tattoo pero hindi ko nalang ito pinansin.
Nagpatuloy kami sa paglakad dito sa gubat hanggang sa makalabas kami sa gubat at bumungad sa amin ang bayan ng Daehwi. Dalawang oras din ang nagamit namin bago makarating dito sa harap ng Bayan ng Daehwi. Tinignan ko ang wrist watch ko 5:05am na kaya bumaba na kami sa bayan.
May mga iilang tao na din ang naglalakad dito sa daan ang iba ay napapatingin sa akin lalong lalo na sa tattoo ko.
Ano ba ang problema nila sa tattoo ko?
Ito naman kasama ko tudo ayos ng wig niya. Prinsesa nga pala ito.
May nakita akong batang lalaki na nadapa kaya tinulungan ko itong tumayo.
"Salamat ate." Pasasalamat nito ng makatayo ito.
"Walang anuman." Tugon ko at ngumiti sa batang ito.
"Ako nga po pala si Min. Kayo po?" Pagpapakilala niya at inilahad ang kamay niya.
"Dark, tawagin mo akong ate Dark, little kiddo." Pagpapakilala ko din at tinanggap ang cute niyang kamay. May babaeng biglang sumigaw.
"MIN! ANAK! mabuti nalang at nakita kita. Saan ka ba nagpupunta?" Nag-aalalang tanong ng babae na sa tingin ko ang ina ng bata na ito na si Min.
"Sorry mama. Si ate Dark po pala mama." Pagpapauman ni Min. Tumingin naman ang babae sa akin at tumingin sa tattoo ko at tumingin ulit sa akin.
"Salamat sayo Dark. Ako nga pala si Mina ang nanay ni Min. Mag-iingat ka lalo na maraming naghahanap sayo. Salamat ulit. Aalis muna kami." Sabi ni aling Mina. Nagtataka naman ako kung bakit nasabi ni aling Mina na maraming naghahanap sa akin at bakit kailangan ko mag-ingat?
Nakita ko na naman ang lalaking nakared cloak at biglang naging usok ang alaga niya at nawala na sa paningin ko.
Hindi naman napansin ni Aya iyon pati na rin iyong eksena kanina namin ni aling Mina kasi busy siya sa pagtitingin sa mga damit doon sa boutique.
Pumasok nalang ako sa boutique na pinasukan ni Aya. Hanggang tumatagal mas lalong gumugulo ang sitwasyon ko. Mas lalong naguguluhan ako sa pagkatao ko.
To be continue...