Someone POV
Tinignan ko ang dalawa. Si Cloud na nakapatong kay Dark. Bigla nalang uminit ang ulo ko at gusto ko ng suntukin sa mukha si Cloud pero kailangan kong pigilan ang aking sarili dahil alam ko parte lang yun ng pagpapanggap niya.
Lahat ay planado para lang malaman ang tunay na pagkatao NIYA. Nakakasigurado kami na may nakatagong malaking sekreto sa napakamisteryo niyang pagkatao.
Nakita ko kung paano niya sinabunutan si Cloud at nagwalk out. Umalis nalang ako dahil baka masuntok ko pa sa mukha si Cloud.
Pumunta ako sa secret place namin. Pumasok ako at nadatnan ang mga kapatid ko na nag-aagawan sa bagay na ibinato NIYA sa akin noong binangga ko siya.
"Ano ba! Akin nayan." Sigaw ni Eric.
"Ang damot mo hindi naman ito sayo ah." Sigaw din ni Wencent.
"Akin na nga yan. Ako ang bessy NIYA kaya akin nayan!" Sigaw din ni Aya at hinablot yung parang itim na salamin na hugis rectangle.
Lumapit ako sa kanila at kinuha ang bagay na yun.
"Oh kuya Light. Bakit nakabusangot yang mukha mo?" Tanong ni Aya sa akin.
"Lumalablayp na kasi si kuya." Wika ni Wencent kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"At nagseselos siya." Sabat naman ni Eric kaya tumambad sa harap niya ang fireball ko.
"Leave or die?" Mapanindig balahibo kong tanong sa kanya.
"Syempre Leaveee!" Sigaw niya at umalis.
"Tsk." Bigla nalang lumitaw si Cloud kaya sakanya ko binato ang fireball naiwasan naman niya.
"Easy bro." Sabi niya at tinaas ang kamay na parang susuko.
Umupo siya sa couch at napasabunot sa buhok niya.
"Itigil na natin to." Bigla niyang sabi. Tinignan ko lang siya.
"Why?" Tanong ni Wencent sa kanya at bigla nalang lumapit si Eric dito.
"She's a nice girl." Simpleng sagot niya.
"Hindi natin pwede gawin yun. Utos ng hari at reyna yun. Naalala niyo ba nung bigla nalang bumukas ang portal sabi ni Prime Oracle na may tao na may kapangyarihan ang nakapasok dito. At time nun sabi ni HM na galing sa mundo ng tao si Dark. At siya ang kauna-unahang nakapunta sa kweba ng legendary guardian. Kailangan natin gawin ang misyon natin kahit napamahal na ako kay bessy." Wika ni Aya na may lungkot sa mata niya.
Tumango ang lahat maliban sa akin at pumasok ako sa kwarto ko. Nakakasigurado kami na siya ang tinutukoy ni Prime Oracle. Ang bagay nato ay isa sa mga ibedensya na siya ang taong nakapasok dito. At andoon kami at nakikinig nung nag-enroll si Dark kasama ang Tita ni HM. Kilala namin si Lola Rena. Alam namin may dahilan at tanging siya lang ang nakakaalam nun. Gusto namin siyang tanungin pero hindi namin alam kung saan siya nakatira. Walang sino mang nakakaalam kung saan nakatira si lola Rena.
To be continue...