Chapter 18: Book of Majika

1281 Words
Nicole Dark POV Nagising ako ng hapon. Naalala ko na naman ang eksena kanina sa utak ko. Bakit bigla ko nalang yun nakita? Sino nga ba talaga ako? Kailangan ko ng sagot sa mga tanong ko. Pumunta ako sa banyo para maligo. Matapos ko maligo nagsuot ako ng white T-shirt at pinatungan ko ito ng white jacket para hindi makita ang tattoo ko na nasa braso ko. Nagsuot ako ng white jeans at white nike shoes. Hinayaan ko na nakalugay ang buhok ko at lumabas na ng dorm ko. Habang naglalakad ako patungo sa library nakasalubong ko si Drake at ang weirdo naman tudo ngiti. "Hi ate este Nicole." Pagbati niya at nagwave pa ng kamay habang papalapit sa akin kaya huminto ako. "Nicole?" Patanong ko habang nakakunot noo kong tanong sa kanya. "Oo Nicole, pwede bang tawagin kitang ate Nicole?" Tanong niya at ngumiti na abot tenga. "Okay." Simple kong sagot at nagpatuloy sa paglalakad sumunod naman siya. "Talaga ate Nicole? Yess! Saan ka pupunta ate Nicole?" Tanong niya. Ang kulit din nito ah pero parang ang saya ko kapag tinatawag niya akong ate. "Library." Sagot ko. "Pwede bang sumama ate Nicole? Please." Pangungulit niya at nagpuppy eyes pa siya. Tumango lang ako at nagpatuloy sa paglalakad at sinusundan parin niya ako. Nang makarating ako sa library pumasok ako alangan naman lumabas ako sa library syempre papasok ako pero bago ako makapasok may biglang sumigaw sa di kalayuan. "DRAKEEE MY HEROOO!!!" Sigaw ni Aya at tumakbo palapit dito sa kinaroroonan namin. Ito namang katabi ko hindi mapakali. "Bye bye muna ate Nicole kailangan ko munang tumakas mula sa kamay ng aswang este ni Aya." Sabi niya at tumakbo palayo. "HOYYY DRAKE MY HEROOO 'WAG MO AKONG TAKASAN PAGBABAYARAN MO ANG PAGNAKAW SA FIRST KISS KOOO!!" Sigaw nito na nagpangiwi sa akin. At ang bruha nilagpasan lang ako. Hindi man lang ako pinansin. Pumasok nalang ako sa library at bumungad sa akin ang naglalakihang bookshelf na abot hanggang kisame na puno ng libro. Nakita ko din si Levi na nagbabasa ng Libro na nasa sulok. Mahilig pala siya magbasa. Napangiti nalang ako ng wala sa oras pero muli din nabura ng lumingon siya sa direksyon ko. Inirapan ko siya. FAST FORWARD Matapos ang tatlong oras na paghahanap ng libro at sa wakas nakita ko na rin ang book of majika. Natagpuan ko ito sa pinakataas na abot sa kisame na nasa taas na labing anim na talampakan. Nang makababa ako agad ako pumwesto sa sulok dito sa library na alam ko na walang makakakita at mabuti nalang may ilaw dito. Binasa ko ang pamagat ng libro na nasa unahan. "Book Of Majika." Pagbabasa ko at binuklat ito sa unang pahina. THIRD PERSON POV Nang makita ng dalaga ang librong hinahanap niya at nagtungo siya sa pinakasulok ng library at doon niya sinimulan ang pagbasa sa libro. "Book Of Majika." Pagbasa niya at binuklat ang unang pahina. Book of majika kung saan nakatala ang lahat ng mga majika at ang pinagmulan nito. May tatlong klaseng kapangyarihan. Una ay ang elemental majika ito ay ang apoy, tubig, hangin, at lupa. Ito ay pinaniniwalaang na galing ito sa bituin na Betelgeuse kung saan naninirahan ang mga diyos at diyosa. Ang pangalawang klaseng kapangyarihan ay ang non-elemental majika ito ay ang mga kapangyarihan na hindi tinataglay ang apat na elemental kapag sub-elemental ang kapangyarihan ay dito nabibilang sa non-elemental dahil tanging mga dalisay na elemental lang ang nabibilang sa elemental na kapangyarihan. Ang pangatlo naman ay ang nullification ito ay isang kapangyarihan na kayang i-nullify ang lahat na mga kapangyarihan maliban sa oracle. Ang oracle ay isang user na tanging sa babae lamang ipinagkakaloob. Ito ay hindi nabibilang sa kahit anong tatlong klaseng uri na kapangyarihan. Ang oracle ay naiiba at namumukod tangi. May dalawang klaseng oracle. Ang una ay ang Prime oracle ito ay nagtataglay na kapangyarihan na makita ang hinaharap. Ang pangalawa at huling klaseng oracle ay ang Supreme Oracle ito ay nagtataglay na malakas na kapangyarihan. Kapangyarihan na makita ang nakaraan, kasalukuyan at hinaharap. Nagtataglay din ito ng kapangyarihan ng oras at ang higit sa lahat nagtataglay ito ng kapangyarihan... elemental. Hindi pa natapos ang binabasa ng dalaga ng biglang lumindol dahilan para matigil ang kanyang pagbabasa. "Ahhhh!" Sigaw ng mga tao sa labas. Dali-dali siyang lumabas sa library at pumunta sa labas. Nakita niya ang kaibigan niya na si Aya at ang mga royalties kasama sina Drake at Levi na nakaharap sa isang lalaking nakacloak na may agila sa kanyang balikat. Nicole Dark POV Dali-dali akong lumabas sa library at nagtungo sa gate dito sa academy dahil doon nanggaling ang sigaw. Nang malapit na ako sa gate nakita ko ang mga royalties, si Levi at si Drake. Nakita ko din ang lalaking nakared cloak na may agila na nakapatong sa kanyang kaliwang balikat. Lumapit ako kay Drake at tinanong kung ano ang nangyari. "Anong nangyari? Bakit may narinig ako na sigaw dito?" Tanong ko kay Drake. "Hindi ko rin alam ate Nicole." Sagot niya. Biglang lumingon ang lalaking nakared cloak sa akin. "Dark...I know who are you. You should come with me. I will give you three months to think." Wika nito sa napakalamig at napakalalim na boses at bigla nalang naging usok ang agila niya at nawala katulad ng nangyari sa mundo ng halimaw. Naiwan kaming may malaking question mark sa utak namin. "Ano ang ibig sabihin ng lalaking iyon Lez?" Tanong ni Aya sa akin. "Hindi ko alam." Sagot ko at naglakad palayo sa kanila. "Sandali lang ate Nicole...waittt!" Sigaw ni Drake. Huminto ako at hinaharap siya. "Ano na naman?" Nababagot kong tanong. "Sasamahan na kita baka bigla magpapakita yung naka red cloak at kukunin ka baka mawalan ako ng ate."sabi niya. Magsasalita na sana ako ng may mga kamay na pumuloput sa bewang ko. "No need. I'm her boyfriend so I should be the one who staying in her side." Sabi ni Mr. Hambog. Sinubukan kong tanggalin ang kamay niya na nakapulupot sa bewang ko pero di ako nagtagumpay. Nakita ko naman si Levi na magkasalubong ang mga kilay. Kita ko din na nakatikom ang kamao niya. Tumalikod siya at umalis. "ANO BOYFRIEND/WHAT BOYFRIEND?" They said in unison. "Yes. So BACK OFF." Sabi nito at nakatulala silang lahat na nakatingin sa amin except kay Aya na kinikilig. Biglang nagteleport si mr. Hambog kasama ako dahil nakapulupot ang mga kamay niya sa bewang ko. Andito kami sa lugar na hindi ko alam. Sa mataas na lugar na makikita ang mga magagandang tanawin sa baba. Tinanggal niya ang mga kamay niya sa bewang ko at umupo sa damuhan. "Hoy! Ikaw Hambog anong palabas iyon hah?! Anong boyfriend ang pinagsasabi mo. FYI hindi kita boyfriend at saka hindi kita type noh." Sigaw ko na nakapamewang at dinuduro siya. Tumingin naman siya sa akin at bigla niya akong hinila kaya natumba ako sa damuhan at pumatong siya sa akin. Nagsmirk naman siya sa akin. Susuntukin ko na sana siya ng mahuli niya ang dalawa kong kamay at inilagay sa bandang ibabaw ng ulo ko. "I already told you WIFE. And you're MINE. ONLY MINE." Wika niya at unti-unting lumapit ang mukha niya sa mukha ko kaya napapikit ako. Lumipas ang isa, dalawa at tatlong minuto may narinig akong tumatawa kaya napadilat ako na wala sa oras. Nakita ko si hambog pala ang tumatawa kaya sinamaan ko siya ng tingin. "Your face is so ugly." Panlalait nito kaya sinabunutan ko siya. "Ahhh. Bwesittt kaaa!!" Sigaw ko habang sinasabunutan siya. "Ouch! Stop it or else we will make a baby right here, right now!" Sigaw nito sa sakit kaya tumigil agad ako. "Manyak mo!" Sigaw ko at nagwalk out. "Hey! Wait!" Sigaw niya at tumakbo papunta sa akin. Hindi ko alam pero hindi tama ang mga nangyayari sa akin ngayon. Parang piniga ang puso ko ng makita ko ang reaksiyon ni Levi kanina. Bakit ganun? Parang ayaw ko siya magalit o makita ganun siya. Mas gusto ko na palagi siya masaya at nakangiti habang inaasar ako. To be continue...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD