Nicole POV
Pagkatapos naming Nicole POV
Andito ako ngayon sa hallway ng school namin. At ang nakatanggap ng dare ay si Levi.
*Flashback*
Sa bawat imahe na nagfaflash sa utak ko ay sinusunod ko ito. Kapag may imaheng magfaflash humihinto ako sa paglalakad tapos magpapatuloy ulit sa paglalakad kapag nakita ko na ang kabuohan ng imahe na nasa utak ko. Hanggang sa nakarating ako sa exit ng maze pero may isang matanda na may dalang rubik cube.
Inabot ng matanda sa akin ang rubik cube, nagtaka na kinuha ko ito sa kanya. Bigla siyang nawala ng maibigay niya ang rubik cube sa akin.
"Sandali lang p---" Hindi natapos ang sasabihin ko kasi may berdeng bula ang patungo sa direksyon ko kaya umilag ako at nagtago. Tinignan ko kung saan galing ang berdeng bula na 'yon. Nang makita ko na kung saan galing iyon para siyang hair blower na kulay green yung parang sa plants vs. zombies yung green peas.
Tinignan ko ulit ang rubik cube at wala ito sa tama niyang ayos at may anim na kulay.
Berde, asul, pula, puti, violet at gold.
Nung inikot ko ang rubik cube bigla nalang may lumabas na letra at naging isang tanong.
"Ano ang tawag sa isang user na may libro at mata sa nakaraan at hinaharap?" 'Yon ang tanong na nakalutang sa ere. Isa lang ang nabuong sagot ko sa utak ko at iyon ay walang iba ay ang...
"Oracle." Sagot ko.
Biglang umilaw ang anim na kulay sa rubik cube at lumutang ito sa ere. Lumiwanag ang paligid hanggang sa naging puti na ito.
Para akong nasa white dimension. Pagharap ko ang dating rubik cube ay naging isang libro na may susi na kulay bilog na may nakaukit na mata. Kinuha ko ang kwentas na nakuha ko kanina sa laban ko sa halimaw sa mundo ng halimaw. Itinapat ko ito sa libro at naging iisa ang libro at ang kwentas. Lumiwanag ng sobrang liwanag kaya napapikit ako at tinabunan ko ito gamit ang kamay ko. Pagmulat ko andito na ulit ako sa patag na lugar kung saan kami nagsimula.
At 'yong kwentas at libro ay naging isang magandang sing sing na kulay violet na may nakaukit na mata sa gitna.
Nakarinig ako ng palakpak malapit sa kinatatayuan ko. Nakita ko si professor Jaie ang pumalakpak.
"Magaling, ikaw ang nakaunang nakabalik dito." Pagbati niya sa akin. Tumango lang ako at balik sa nakasanayan kong pag-uugali na ipinapakita ko sa kanila na ugaling hindi masyadong umiimik.
Lumipas ang tatlong oras nakalabas si Drake at sumunod naman si Levi.
"Walang hiya ka Drake dapat ako yung na una eh!" Sigaw ni Levi kay Drake.
"Hala ka hindi ko naman kasalanan kung bakit ka nahuli ah. Kasalanan mo 'yon masyado kang nagpapadala sa babaeng na nasa illusion kanina." Tugon ni Drake at humuhikab pa.
"Dahil ikaw ang ang nahuli Levi ikaw ang makakatanggap ng Dare." Wika ni prof. Jaie at umuwi na kami.
*End of flashback*
Hindi ko namalayan na andito na pala ako sa harap ng pinto ng cafeteria at nakita ko sina Drake at Levi.
May nakahanda na pagkain para sa amin. Umupo ako at sinimulan na ang pagkain kasi kanina pa ako gutom na gutom.
"Balita ko na ngayon na makakabalik ang groupo ni HM at prof...ano nga pala iyong pangalan nung naghandle sa sub-element?" Tanong ni Levi sa amin. Nagkibit balikat lang kami na nagpasimangot sa kanya.
"Ang bad niyo." Wika niya at nag pout pa ang loko.
"Yak ang pangit mong tignan kapag nakanguso ka." Wika ko at sinamaan naman niya ako ng tingin. Sa totoo lang hindi ako napapakali kapag ngumunguso niya. Para ako na t-tempt na tignan ang mga pula niyang labi.
"Ano pala ang ang dare niyo sa akin?" Pag-iiba ni Levi ng topic.
"Ikaw ang gumawa sa mga assignment ko whole year." Sabi ni Drake kaya nabilaukan si Levi at binigyan ko siya ng tubig.
"Ikaw kadiliman ano naman ang dare mo sa akin? Huwag mong sabihin na magiging tayo sa whole year na'to?" Hambog niya na sabi at tinaas-baba pa ang kilay niya. Tinignan ko siya with blank expression at sinagot.
"Sa tamang panahon, sasabihin ko sayo ang dare ko sayo." Wika ko at pinagpatuloy ko ang pagkain ko.
"Edi WOW!" Sabi niya. Hindi muna ngayon Levi. Balang araw magagamit ko ang dare ko sayo.
kanina nagpaalam ako sa kanila at lumabas ng cafeteria. Sabado ngayon kaya wala pa ang mga students dito sa academy kasi nasa kanya kanyang lugar sila. Pumunta ako sa likod ng academy. Masasabi ko na tahimik at malinis dito. Pumunta ako sa pinaka dulo sa likod ng academy at may nakita akong isang falls kaya napagpasyahan ko na magstay dito hanggang hapon.
Umupo ako sa may bato malapit sa tubig at inilublob ang mga paa ko sa tubig. May narinig akong ingay malapit doon sa bagsakan ng tubig kaya napatingin ako doon. Nakita ko ang isang lalaki na walang suot na damit na pang-itaas. Sa tingin ko ay naliligo ito. Tumayo ako at aalis na sana ng may nagsalita sa likod ko.
"Why are you here?" Mapanindig balahibong tanong ng lalaki kaya humarap ako.
Oh my virgin eyes. Si cloud ba 'to? May six packs abs tapos ang gwapo niya pala kapag sa malapitan pero mas gwapo siya kung tatanggalin niya ang eye patch niya.
"Done checking me?" Sabi niya habang pinupunasan niya ang basa niyang buhok at with matching smirk pa ang ulap.
"In your dreams Mr. Scheler." Sagot ko sa walang ganang tono. Ngumisi naman siya ng nakakaloko na parang may binabalak na kalukuhan. Mas gwapo pa si Levi ngumisi kesa kanya. Tsk.
"Stop drooling me MY FUTURE MRS. SCHELER." Sabi niya na nagpabilaok ng sarili ko laway.
What the?! FUTURE? MRS. SCHELER? EWWWW. Mas mabuting maging matandang dalaga kesa maging mrs. Scheler niya na ubod ng yabang. Atsaka bakit bigla ko naisip si Lava? Baka kailangan ko na magpatingin sa doctor.
"Yackk! Diyan ka na nga. Nakakabadtrip." Sabi ko at aalis na sana ng bigla nalang akong lumutang sa ere este binuhat ako ni mr. Hambog.
"Ahhhhhh!! Bitawan mo ako! Ano ba hambog sabi bitawan mo ako!!!" Sigaw ko habang pinapalo ang likod niya pero ang hambog hindi man lang nasaktan.
"Shut up or I will throw you in the water." Pagbabanta niya in a cold tone. Pero wala akong paki.
"Bitawan mo ak-." Hindi natuloy ang sasabihin ko ng ihagis niya ako sa tubig. Grrr nakakainit siya ng ulo. Ang hambog nakangising nakatingin sa akin ngayon.
"Bakit mo ako--." Hindi na naman natuloy ang sasabihin ko ng nagsalita siya. Nakakarami na siya ah. Puputulin ko na talaga ang dila niya.
"Drop you in the water? I told you already." Wika niya tapos ay umalis na siya pero huminto ulit siya.
"One more thing my future mrs. Scheler because you entered my territory without my permission, you will become my girlfriend." Wika niya na paulit ulit na nageecho sa utak ko.
You will be my girlfriend
Girlfriend
Girlfriend
Girlfriend
Bago pa ako makapagreact nawala na siya sa paningin ko. Umahon ako sa tubig at nakabusangot na bumalik sa dorm ko. Pagsisihan din niya na naging GIRLFRIEND niya ako. Wahhh badtripppppp na nakakainis okay lang sana kung nanligaw muna siya lechen manok nawala ang pagkaNBSB (no boyfriend since birth) ko. Pero teka? Hindi naman ako pumapayag na maging girlfriend ng hambog na iyon ah? Nakita ko si Levi pero nilagpasan ko lang siya. Kita ko na lalapit pa sana siya sa akin pero napahinto siya at kita ko na namumula ang tenga niya at umiwas ng tingin pero tumingin ulit sa dibdib ko. Napagtanto ko naman kung saan siya nakatingin. Nilapitan ko siya at sinapak.
"Manyak!" Sigaw ko at iniwan siya.
Nakita ko si Aya na parang may hinahanap. Nang makita niya ako mabilis siyang tumakbo papunta sa akin.
"Oh my! Anong nangyari sayo Lez? Bakit basang sisiw ka? At anyare sa mukha mo?" Sunod-sunod niyang tanong.
"Sa dorm ko tayo mag-usap." Sabi ko habang nakabusangot ang mukha ko.
FAST FORWARD
Nang makarating kami sa dorm ko at nakapagpalit ako ng damit ikinuwento ko sa kanya ang lahat simula nung pumunta ako sa falls hanggang sa nakita niya ako na basang sisiw.
"Kyahhhh! Wahh girl kenekeleg se eke! Tepes yeng partner mo sa CB mey geste seye!" Sigaw niya at nagpagulong gulong pa siya sa sahig dito sa sala sa dorm ko.
"Oa mo. Nakakainis nga eh ang sarap putulan ng---." Hindi natuloy ang sasabihin ko ng magsalita siya.
"Omo! Ng ano?! Naku wag 'di kayo magkakalahi niyan...ARAY! 'BAT KA BA NAMBABATOK?!" Sigaw niya habang hinihimas ang ulo niya.
"Baliw ka kasi! Ang sabi ko ang sarap niyang pugutan ng ulo! Lalong lalo na ang Lava na iyon. Makatingin sa dibdib ko wagas!" Sigaw ko din.
"Linawin mo kasi!." Sabi niya at nagpout pa.
"Eh, hindi mo ako pinatapos magsalita. Alis na chuchu." Pagtataboy ko sa kanya.
"Wow! Salamat ha sige alis na ako hahanapin ko muna si Drake my hero." Sabi niya at kulang nalang para maging heart ang mga mata niya.
"Wew! Alis na chu!" Sabi ko at umalis na nga ang gaga. Excited lang? Nako lumalovelife na si bess.
Pumunta ako sa kwarto at umupo sa kama ko. Tinignan ko ang sing-sing na nasa kamay ko. Sinubukan ko na tanggalin ngunit ayaw matanggal sa daliri ko. Yung kwentas na ibinigay ni lola Rena ay naging kulay ginto ang kalahati niyo at naging hugis bilog na may mata sa loob at para siyang orasan.
Sino nga ba talaga ako?
Sino ang tunay kong mga magulang?
Bakit nila ako iniwan?
Biglang may lubas na isang eksena sa utak ko. Eksena na karumaldumal. Pero may nakita din ako isang lalaki na tutulong sa akin.
And everything went black.