Dark POV Habang naglalakad paliko sa kanan ay nabangga ko ang isang babae na nakaunipormi ng Magical University. "What the!" Sigaw ng babaeng nabangga ko na ngayon ay nasa sahig na. "ARE YOU BLIND OR WHAT?!" Sigaw ulit nito kaya tinulungan ko siya na makatayo ngunit hindi niya ito tinanggap. "Sorry hindi ko sinasadya." Pagpapaumanhin ko. "Lez?" Napatingin naman ako sa likod ko ng may tumawag sa akin. "Anong nangyari?" Tanong ni Aya ng makita niya ang sitwasyon namin ngayon. Magsasalita na sana ako ng unahan ako ng nabangga ko. "Do you know this stupid girl Aya?" May bahid na inis sa tono ng pananalita ng babaeng nabangga ko na ngayon ay nakatayo niya. "Oo Veronica, bakit ang init ata ng ulo mo?" Tanong naman ni Aya na walang alam sa nangyari. "Itanong mo sa kanya!" Sigaw ng nagnga

