Dark POV "Ate mag-usap muna tayo." Hinila ako ni Drake patungo sa labas ng palasyo at may kung ano siyang binigkas na hindi ko maintindihan. "Ngayon ipaliwanag mo sa akin." Saad niya habang naka cross ang mga braso niya sa dibdib. "Ang alin Drake?" Pagmaang-maangan ko. Napahilamos naman siya sa kanyang mukha. "Bakit itinago mo sa akin na may tinataglay kang kapangyarihan? At hindi lang 'yon, isa kang oracle." Napahilot naman siya sa kanyang sintido at kung titignan ang aming kalagayan ngayon ay parang mas matanda pa siya sa akin kumilos. Napabuntong hininga naman ako at sinabi sa kanya ang dahilan. "Iyon ang naging dahilan kung bakit hindi ko pa sinabi sa inyo." Pagpapaliwanag ko. "Pasensya na ate. Ngayon ay nauunawaan ko na kung bakit mo inilihim sa akin. Ngayon ay may nakakaalam na

