Dark POV It is already two weeks since I moved to this house. Tamang tama lang ang bahay na ito para sa dalawa o apat na tao. Maluwag dito sa sala pati narin sa kusina. May dalawang malalaking kwarto at isang guest room. Magkatabi ang mga kwarto namin ni Light. Ang sabi ng reyna dapat daw ay magkatabi daw kami sa pagtulog at iisa lang dapat ang kwarto namin ngunit hindi namin tinupad iyon. "Hey stupid girl. Dadalaw sina mommy at daddy mamaya. Ilipat mo ang mga gamit mo sa kwarto ko kung ayaw mo habang buhay tayo magkatabi." Utos niya kaya agad ako nagtungo sa kwarto ko at sinunod ang utos niya. Minsan ay napaka moody niya. Minsan ang sweet pero minsan ang sungit. Hindi ko siya maintindihan at isama mo pa sa tuwing makikita niya kami ni Veronica na nag-aaway ako palagi ang sinisisi niya.

