Ice P.O.V
"Psh! tang*nang yan! Bakit ba sobrang napaka coincidence ng lahat? nakakaloka!"- saad ko sa sarili ko sabay indian seat ko rito sa kama ko sa dorm naming Reapers.
"Sinabi ni Devin na kamukha ko ang Reyna, akala ko ba walang nakakaalam ng mukha niya? maski nga si Headmaster hindi alam ang itsura ng Reyna eh! bakit ganun!?"- saad ko pa ulit sabay sandal ko naman sa headboard ng kama.
"Tss.. tanga ka ba Ice? kababata nga niya diba? at mahal niya yun! malamang di niya kinalimutan itsura 'non. Pero paanong kamukha ko ang Reyna? may mga ganun ba? kahit di magkaano-ano pwedeng maging magkamukha? Argh! Ewan! bakit ba ko ginagambala nito!?"- banas kong sabi sabay subsob ko sa mukha ko sa unan.
"Ash, ngayon ko lang nalaman. May sakit pa lang kabaliwan si Ice."- rinig kong saad ni Ylana.
"Gaga! ngayon lang yan nagkasakit. Di na yata kinaya yung pananatili natin dito."- rinig ko namang saad ni Ashlie.
Agad naman akong nag-angat ng ulo at tinignan sila.
"Tch! hindi nakakatawa."- banas kong sabi.
"We're not joking."- saad ni Ashlie na seryoso ang itsura.
Binato ko naman sa kanila yung unan ko.
"Tigilan niyo ko at baka kayo ang pagtuunan ko nang pagkabanas ko."- banas kong sabi.
Nataranta naman sila at agad naglakad palabas ng silid ko.
"Sabi nga namin eh, aalis na kami."- saad ni Ylana sabay tulak niya kay Ashlie.
"Sige kausapin mo ulit sarili mo."- saad naman ni Ashlie at pagkatapos ay lumabas na sila ng tuluyan ni Ylana. Napailing naman ako.
Mga sira-ulo talaga.
Ilang sandali lang, si Grey naman ang pumasok sa silid ko.
"Ice."- tawag niya.
"Tss.. ano?"- saad ko.
"Tawag ka ng Ate mo, nandyan siya sa labas ayaw pumasok eh."- saad ni Grey.
Agad naman akong tumayo. "Sige, salamat sa pagsabi."- saad ko sabay lakad ko palabas.
Paglabas ko, agad kong nakita si Ate Rei.
"Ate, 'bat di ka na lang pumasok sa loob?"- saad ko.
Tumingin naman siya sakin, at ang itsura niya.. napakaseryoso.
"M- may problema ba?"- tanong ko.
Shit! 'bat ako kinakabahan?
"Mamaya umuwi kayo ng maaga, bago mag-alas otso kailangan nasa loob na kayo ng dorm niyo at kahit anong mangyari.. kahit anong marinig niyo.. wag kayong lalabas."- seryosong saad sakin ni Ate.
Naguluhan naman ako. "B- bakit? anong meron?"- saad ko.
Hinawakan naman ni Ate Rei ang kamay ko.
"Basta! malalaman mo rin yun mamaya sa mga maririnig mo mula sa labas ng dorm niyo. Pero kung ano mang marinig mo, wag na wag kang lalabas sa dorm niyo. Makinig ka sakin Ice, wag mo kong susuwayin."- seryosong saad ni Ate Rei.
Napalunok naman ako.
Sh*t! ano ba kasi yun? naguguluhan ako!
"S- sige.. s- susundin kita."- saad ko kahit gulong-gulo ako.
Ngumiti naman si Ate Rei at pagkatapos ay binitawan na niya ang mga kamay ko.
"Mabuti kung ganun."- saad ni Ate sabay buntonghininga niya. "Di ka papasok? anong oras na di ka pa nakakaligo."- saad ni Ate Rei na akala mo wala lang yung kanina.
Grabe! pagkatapos niyang magsabi ng mga weird na bagay at guluhin ang isip ko bigla siyang ganyan? Ewan! ang wi-weird ng mga tao ngayon =___=
"Papasok, pero mamaya pa.. ayokong pasukan ang first subject. Nakakasuka."- saad ko.
Napataas naman ng kilay si Ate. "Huh? bakit ano bang first subject niyo?"- takang tanong ni Ate Rei.
Bigla namang sumingit si Ashlie. "s*x Education."- saad ni Ashlie.
Tinignan ko naman siya, nakashades pa ang gaga!
"May pagshade?"- biglang sulpot ni Vince.
Taena! Heto na si Weird no.1 =__=
"Ofcourse, kasi sa subject na yun? for sure ako ang mangunguna. Hindi ako masi-zero!"- saad ni Gaga sabay ngisi at money sign.
Napailing naman ako.
Bakit ba ko nagkaroon ng ganitong kaibigan?
"Yabang... nadala lang naman ng mga pocket books, w*****d, dreame, and etc."- biglang daan ni Ylana.
Napahawak naman ako sa ulo ko.
Hindi ko alam kung tatawa ba ko o ano!
"Atlis diba? Natulungan ako ng pocket books at ng iba pa! Naging bukas ang isipan ko sa lahat pati sa mga bastos na bagay at ngayon magagamit ko yun sa klase! Isipin na nilang may experience na ko pero I don't care! mangunguna ako roon mamaya."- saad ni Ashlie sabay tanggal niya sa shades niya at ngisi.
"=___= ewan ko sayo."- saad na lang ni Ylana sa kanya.
Natawa naman sina Ate Rei at Vince. "Nakakatawa talaga kayo."- saad ni Ate Rei sabay tingin sakin ulit.
"So sa second subject ka papasok?"- saad sakin ni Ate Rei.
Tumango naman ako. "Yeah... ayoko kasi talaga ng first subject. Bakit ba kasi may ganun dito sa DIA?"- saad ko.
"Dahil kay Bryan, he said na mahalaga raw yun since magagamit na technique ang something sexual."- natatawang saad ni Vince.
Tila tumaas at lumaki naman ang mga tenga ni Ashlie. "Dahil sa kanya?"- saad ni Ashlie.
Tumango naman si Vince kaya't biglang pumasok si Ashlie sa loob ng dorm at kinuha ang bag niya.
"Mauuna na ko sa room."- saad ni Ashlie sabay takbo niya paalis.
"Tss.. yung totoo?"- sarkastikong saad ni Ylana.
Bumuntonghininga naman ako. "Hayaan niyo siya, baka naman may plano siya sa nalaman niya."- saad ko.
Ngumiwi naman si Ylana. "Sana nga."- saad niya.
Bigla namang tumunog ang first bell, ibig-sabihin 30 minutes na lang start na ng klase.
"30 minutes na lang. Ylana, Grey, sumabay na kayo samin ni Vince. Ice magkita na lang tayo mamaya pagkatapos nang dismissal ng first subject dun sa garden."- saad sakin ni Ate Rei.
Tumango naman ako. "Sige."- saad ko.
Ngumiti naman si Ate Rei. "Sige, alis na kami."- saad ni Ate Rei at pagkatapos ay sabay silang lumakad ni Vince paalis.
Agad naman silang sinundan nila Ylana at Grey.
Habang pinagmamasdan ko sila paalis, nakita kong may ibinulong si Vince kay Ate Rei. Pagkatapos, isang mabilis na sulyap ang ibinigay nila sakin at agad umiwas. Nagtaka naman ako dahil dun.
"Ano na naman yun?"- taka kong sabi.
Tsss... Bakit ba ang wiweird talaga ng mga tao ngayon??
xxxxxxx
Ylana P.O.V
"p*********y!"- sabay na sigaw nila Ashlie at Bryan.
Nandito kami ngayon sa klase, s*x Education ang first subject and Yes! may ganitong subject dito, at sa taon na ito.. ngayong araw pa lamang ito nagsimula.
"Prof ako nauna!"- sigaw ni Bryan.
"Aba hoy! Anong ikaw? Ako kaya timang!!"- sigaw naman ni Ashlie.
Napahawak naman ako sa ulo ko.
Sa lahat silang dalawa lang ang active, silang dalawa lang ang nagrerecite tuwing may itinatanong si Prof kaya naman silang dalawa lang ang naglalaban at alam niyo? Kanina pa sila nagbabangayan, nagpapaungusan kasi sila =_=
"Sinong timang!?"- sigaw ni Bryan.
"Tch! ikaw malamang! alangan naman yung katabi mo diyan sa gilid eh wala ka namang katabi! tsaka kahit may katabi ka hindi pa rin yung katabi mo yung timang! ikaw pa rin! matalino kaya si Ice!"- saad ni Ashlie sabay crossarms.
"Makapagsalita.. bakit? may sinabi ba kong timang si Ice?"- saad ni Bryan.
"Oo! ngayon nga oh sinabi mo! lagot ka isusumbong kita!"- saad ni Ashlie.
Tila umusok naman sa inis si Bryan.
Hindi na ko magtataka kung magkatuluyan 'tong dalawang 'to. Ang init ng dugo nila sa isa't-isa -__- Isa ako sa mga naniniwala sa the more you hate the more you love kaya Oo! hindi talaga ko magugulat kapag nagkatuluyan itong si Ashlie at si Bryan.
"Nakakainis ka na!"- sigaw ni Bryan.
"Pake ko? Basta Prof ako nauna!"- saad ni Ashlie.
"Hindi, ako!"- sigaw ni Bryan.
Hindi naman ako nakatiis at nangealam na ko. "Pwede ba! sabay lang kayong sumagot!"- sigaw ko.
Pagkasabi ko nun, nanahimik sila.
"O- ok? bibigyan ko na lang kayong dalawa ng tig-5 points."- saad ni Prof.
"Next question."- saad ni Prof sabay basa niya sa susunod na tanong.
"Ito ay---"- saad ni Prof na hindi natuloy ang sasabihin sapagkat biglang dumating ang humahangos na si Brent.
"Bryan! Emergency! sa office ng Headmaster bilis!"- sigaw ni Brent sabay takbo agad paalis.
Nataranta naman si Bryan at agad na tumakbo paalis. Nagbulungan naman ang mga kaklase ko dahil dun.
"Ano na naman kaya yun? kinakabahan ako."
"Nakakatakot! ano kayang emergency yun?"
"Sana naman hindi tayo involve diyan."
Saad ng mga kaklase ko.
Tinignan ko naman si Grey na nakatingin din sakin.
Hindi kaya 'eto yung kanina? yung narinig namin ni Grey na sinabi ni Ate Rei kay Ice?
Bigla namang tumunog ang mga speakers.
"Announcement. Lahat ng mga estudyante ng DIA, bumalik kayo sa mga dorm niyo ng maaga, bago mag-alas otso ng gabi ay kailangang nasa loob na kayo at kahit anong mangyari ay walang lalabas. Kahit ano pang marinig niyo walang lalabas kung ayaw niyong madamay sa mangyayari."- saad ni Devin mula sa mga speakers.
Muli naman akong napatingin kay Grey.
Yun yung sinabi ni Ate Rei kanina! Tama nga ang hinala ko!
"Guys, susunod ba tayo o makikisiyoso?"- saad ni Ashlie sa amin ni Grey sa mahinang boses.
Tinignan ko naman siya. "Hindi ko alam, bahala na si Ice ukol diyan."- mahina kong sabi.
Tumango naman si Ashlie at Grey.
"Sige."- saad nila.
xxxxxxx
Ice P.O.V
"Anong ginagawa mo rito?"- rinig kong saad ni Devin mula sa likuran ko.
Nagulat naman ako at agad akong napaharap sakanya.
"Diba sabi bago mag-alas otso kailangan nasa dorm na nila ang lahat? bakit ka nandito? 7:30 na."- kunot noong saad ni Devin.
Napalunok naman ako ng laway.
"P- papunta na ko sa dorm ko! Oo tama yun nga! Papunta na ko sa dorm ko! N- napahinto lang ako rito."- saad ko sabay labas ko sa likod nang pinagtataguan kong poste rito sa grounds sa pagitan ng building ng school at building ng mga dorm.
Tinignan naman niya ko ng seryoso.
"Hindi ako naniniwala."- saad niya sabay taas niya sa sleeves ng suot niyang damit at lakad palapit sakin.
Napaatras naman ako. "A- anong gagawin mo?"- kinakabahan kong sabi.
"Siguro kaya ka nandito dahil gusto mong makita ang mangyayari, tama ba ko? Mabuti na lang at nag-ikot ako dahil naisip kong may mga estudyante na matigas ang ulo at hindi susunod sa sinabi ko kanina. Gaya mo."- saad ni Devin at pagkatapos ay bigla niya kong hinigit at binuhat na akala mo ay isa siyang kargador sa palengke at ako ay isang sako na may lamang mga gulay o Ano!
Pumalag naman ako at pinagsusuntok ang kanyang likod.
"Ibaba mo ko! Oo na pupunta na ko sa dorm namin ng Reapers kaya ibaba mo na ko!"- sigaw ko habang nagpupumiglas.
"Tch! pwede bang wag kang maingay? hayaan mo ko! gusto kong makasigurado na hindi mo makikita ang mangyayari mamaya."- saad ni Devin.
Tumigil naman ako sa pagpupumiglas.
"Bakit ba! ano ba kasing mangyayari mamaya? Nakakatanga ah!"- sabi ko sabay hampas ko sakanya sa likod niya. Huminto naman siya sa paglalakad.
"Bakit ba ang tsismosa mo!? tsaka pwede ba tigilan mo yung likod ko?"- banas na saad ni Devin.
Nagpumiglas naman ulit ako. "Ibaba mo na kasi ako!!"- sigaw ko.
Nagulat naman ako ng bigla niyang baguhin ang pagbuhat sakin. Kung kanina ay buhat kargador, buhat pangkasal naman ngayon. Natahimik naman ako at napatingin sa kanya.
"Diba sabi ko sayo tumahimik ka? hahalikan kita."- banta niya sabay yuko niya at tingin sakin ng diretso sa mata.
Napalunok naman muli ako ng laway.
S- sh*t... ang dibdib ko... ano 'to?
"Yan, tahimik lang."- saad niya at pagkatapos ay nagpatuloy na siya sa paglalakad.
Tahimik lang ako, hanggang sa nakarating kami sa tapat ng dorm namin ng mga kaibigan ko ay hindi na muli ako nagsalita. Pagdating sa tapat ng dorm, agad akong ibinaba ni Devin.
"Pumasok ka na sa loob, isarado niyo ang mga bintana at pinto. Wag kayong lalabas."- saad niya. Nakayuko naman akong tumango.
"Pasalamat ka, sa totoo lang dapat sa darkness room kita dapat na dalhin ngayon dahil sumuway ka sa utos. Pasalamat ka at dito kita dinala."- saad niya.
Inangat ko naman ang ulo ko at tinignan siya.
"E- edi salamat!"- saad ko.
Tinignan naman niya ko ng diretso sa mata kaya't agad akong umiwas ng tingin sakanya.
"Sige na, pumasok ka na sa loob."- saad niya.
Hindi naman ako nagsalita at agad akong pumasok sa loob ng dorm namin ng mga kaibigan ko. Pagkapasok ko, napahawak na lamang ako sa dibdib at sa mukha ko.
"Hala! ano 'to? Bakit biglang nagwala yung dibdib ko? t-- tsaka bakit parang.... hay ewan ko!"- saad ko sabay lakad ko patungo sa sofa at bagsak ko sa katawan ko roon. "Ang weird.."- saad ko.
Ilang sandali lang pagkatapos kong sabihin yun, bigla na lamang akong nakarinig ng putok ng baril mula sa labas. Nagulat naman ako at agad na napatayo.
"Ano yun!"- rinig kong saad ng mga kaibigan ko.
Agad ko naman silang tinignan, mga mukhang naalimpungatan ang mga itsura nila.
"P- putok ng baril mula sa labas."- saad ko sabay tingin ko sa pinto.
Sh*t! nacucurios talaga ako! gusto kong makita at malaman kung anong nangyayari sa labas!!
"Kung ganun may gulo pa lang mangyayari..."- rinig kong saad ni Ylana.
Napakagat naman ako sa lower lip ko dahil sa sobrang kuryosidad ko sa nangyayari lalo pa at... tuloy-tuloy ang mga putok ng baril na naririnig ko mula sa labas. May mga sumisigaw rin akong naririnig tulad ng sumuko na kayo, hindi kayo magtatagumpay at marami pang iba na mas lalong nakapagpapalalim sa aking kuryosidad.
Gusto kong buksan ang pinto at tignan ang nangyayari sa labas.. gusto kong labagin ang utos!
May sigaw naman akong narinig, sigaw na bigla na lamang nakapagbigay sakin ng desisyon, desisyon na labagin ang utos.
"Devin!"- rinig kong sigaw ng kung sino mula sa labas.
"King may tama ka!"- rinig ko namang sigaw ni Alex mula sa labas.
Agad naman akong kumilos at naglakad palapit sa pinto.
"I- Ice! anong gagawin mo?"- rinig kong saad ni Ashlie.
"Hindi ko na kaya! lalabagin ko ang utos!"- saad ko.
"Ano!?"- sabay na saad nilang tatlo at pagkatapos ay bigla na lamang may humawak sa magkabila kong braso at may humarang sakin sa harapan.
"Hindi ka namin papayagan! Hindi pwede!"- saad nila Ylana at Grey na hawak ako sa magkabilang braso.
"Hindi ka pwedeng lumabas! hindi mo pwedeng labagin ang utos dahil delikado sa labas! hindi ka ba natatakot sa mga putok ng baril na naririnig mo mula sa labas?"- saad ni Ashlie.
Napatitig naman ako sakanya.
"Paalis na sila!"- rinig kong sigaw sa labas.
"King, kami nang hahabol sa kanila! Wag mong pilitin ang sarili mo may tama ka!"- rinig kong sigaw ni Brent.
Napakagat namang muli ako sa ibabang labi ko at pagkatapos ay isang malalim na buntonghininga ang pinakawalan ko.
"Pasensya na pero gagawin ko ang gusto ko!"- saad ko sabay tulak ko kila Ylana at Grey palayo at tabig ko kay Ashlie paalis sa harapan ko. Nang magawa ko yun, agad kong hinawakan ang door knob ng pinto at pinihit yun upang bumukas.
"Ice wag!"- sigaw nila Ylana, Grey at Ashlie ngunit huli na. Nabuksan ko na ang pinto.
Pagbukas ko ng pinto, nagulat ako sa tumambad sakin. May dalawang taong nakatayo sa harapan ng pinto ng dorm naming Reapers.
Nanlaki naman ang mga mata ko nang tignan ko ang mga ito sa mukha. Isang babaeng nakahalf mask na pula. Labi lamang ang makikita mo rito at sa panga niya ay may isang mahabang peklat na sa tingin ko ay gawa ng isang matulis na bagay tulad ng kutsilyo. At isang lalaking nakahalf mask din ngunit kulay itim, hindi tulad ng sa babae mata lang ang makikita mo sa lalaking ito at ang kanang mata nito... nakapikit at may peklat din tulad ng isang karakter sa Naruto na si Kakashi. (lol)
Tila naistatwa naman ako sa kinatatayuan ko nang ma-realize ko kung sino ang mga ito.
Hindi kaya.. sila sina Red and Black Mask!? Ang mga taong ipinapahanap din ng Headmaster saming mga estudyante ng DIA??
"I--"- rinig kong saad ng lalaki na hindi natuloy sapagkat bigla na lamang may humila sakin mula sa likod papasok muli sa loob ng dorm at isinara ang pinto.
"A- anong!"- saad ko sabay tingin ko kila Ashlie ng masama.
"Magpapakamatay ka ba Ice!? tignan mo! sino yung dalawang nasa tapat ng pinto na yun!?"- sigaw sakin ni Ashlie. Napakunot naman ako ng noo.
"Hindi ako magpapakamatay!"- saad ko sabay iwas ko ng tingin sa kanila. "Y- yung dalawa... sa tingin ko sila sina Red and Black Mask."- saad ko.
"Ano!? Tch! Tignan mo! Ang kalaban pa ng buong DIA yung tumambad sayo!"- sigaw ni Ashlie.
Umayos naman ako at tinignan ulit sila ng kunot ang noo ko.
"Alam niyo? hindi niyo ba naisip? Sila yung ipinapahanap ng Headmaster sating mga estudyante ng DIA! Mahirap silang hanapin tapos kanina ayan na! nakatayo na sila sa harapan ng dorm natin! Pagkakataon na natin yun pero sinira niyo!"- sigaw ko at pagkatapos ay tinalikuran ko sila.
"W- wag niyo nga muna kong kausapin!"- banas kong sabi sabay lakad ko patungo sa silid ko.
Pagdating dun, agad kong ibinagsak ang sarili ko sa kama.
"Bakit ba ang bilis kong mairita? Bakit din kasi ang daming nakakatanga sa lugar na 'to? Bwiset!"- banas kong sabi.
At bakit rin ako kumilos nang ganun ng dahil lang sa narinig ko?
"Feeling ko mababaliw na ko."- bulong ko.