Chapter 23

3173 Words
Ice P.O.V "Really?"- gulat na saad sakin ni Ylana. Tumango naman ako. Nandito kami ngayon sa dorm namin, kinuwento namin sa isa't-isa yung nangyari kahapon at nagulat sila nung ako na yung nagkwento. Nagulat sila sa nalaman nila. "Totoo ngang may alam sila Vince? OH TO THE MY TO THE GOSH! siguro masama talaga ang Headmaster kaya nila ito kinakalaban!"- gulat na saad ni Ashlie. "Tch! malamang."- saad ni Ylana sabay upo niya sa sofa. "So, ano nang susunod na plano?"- saad ni Grey habang naka-crossarms. Ngumisi naman ako. "Edi ipagpatuloy ang nasimulan natin kahapon. Sa ganung paraan, makakatakas tayo rito at malay niyo malaman natin ang sikreto ng DIA."- saad ko. "Sa bagay."- saad ni Ashlie sabay ayos niya nang tayo niya. Bigla namang may kumatok sa pinto. "Ako na."- saad ni Grey sabay bukas niya sa pinto. Pagtingin ko..... "Iceeeeee patulong!"- emote ni Vince sabay pasok dito sa loob at diretso sakin. Napakunot naman ako ng noo. "Problema mo?"- kunot noo kong tanong sakanya. "Ang Hari nababaliw na! ayaw akong tigilan! Sabi ko lumayo-layo siya sakin kasi di kami bati pero ang kulit niyaaaa!"- emote ni Vince. Napangiwi at napa-irap naman ako sakanya. Sira ulo talaga 'tong lalaking 'to. "Oh? Bakit sakin ka humihingi ng tulong? dun ka kay Ate Rei mas makatutulong siya sayo."- saad ko. "Eh? Iniisip ko kasi baka kung sayo ako humingi ng tulong baka tigilan niya ko."- saad ni Vince. Natawa naman si Ashlie. "Baliw ka Vince? Bakit ka naman titigilan ni Devin kapag kay Ice ka humingi ng tulong? ano bang tulong ang hinihingi mo?"- natatawang saad ni Ashlie kay Vince. "Simple lang."- seryosong saad ni Vince. Napatingin naman kami ng maigi sakanya. "Magpapasama lang ako kay Ice maghapon para di niya ko lapitan, alam niyo kasi kahapon pinuntahan ni Reigen si Devin at pinagbawalan na lapitan ka Ice. Sinabi ko kasi yung nangyari kahapon, sa tingin ko susundin ni Devin si Reigen. Hindi ka na lalapitan pa ni Devin kaya naman naisip ko na baka kapag magkasama tayo hindi niya ko lalapitan kasi nga magkasama tayo, kasama kita! Isa pa Ice..."- saad ni Vince sabay tingin sakin. "Tutulungan kita sa misyon mong pagsubaybay sakanya."- saad ni Vince. Hindi naman ako nagsalita. "So ano? tutulungan mo ba ko?"- tanong sakin ni Vince. "Alam mo? gumagawa ka lang ng paraan para makasama si Ice eh! akala mo di ko napapansin na may gusto ka kay Ice?"- saad ni Ashlie habang naka-crossarms at nakatingin kay Vince ng matiim. Tila natigilan naman si Vince. "H- hindi ah! g- gusto ko lang na tigilan ako ni Devin! kasi kapag kay Reigen ako humingi ng tulong wala akong mapapala!"- saad ni Vince sabay iwas ng tingin sa aming lahat. "Bakit sa tingin mo ba kapag kay Ice ka humingi ng tulong may mapapala ka?"- saad ni Ylana kay Vince. Ngumuso naman si Vince. "Oo! kasi mabait si Ice."- saad ni Vince. Ngumiti naman ako ng bahagya at pagkatapos ay tumayo ako ng maayos. "Sige na, tutulungan na kita."- saad ko kay Vince. Tila kuminang naman ang mga mata niya. "Talaga?"- saad niya. Tumango naman ako. "Yes! Yes! Yes! sabi sainyo mabait si Ice!"- tuwang-tuwang saad ni Vince sabay hawak sa kamay ko. "Oy! 'bat may paghawak sa kamay?"- saad ni Ashlie. "Huh? Pupunta akong cafeteria hindi pa ko kumakain eh, isasama ko si Ice dun."- saad ni Vince sabay ngiti at tingin sakin. "Tara!"- saad ni Vince sabay hila sakin. Hindi naman ako nagsalita at nagpahila na lamang sakanya. Pagdating sa cafeteria, sobrang daming pagkain ang binili niya. Nakakatawa nga yung itsura niya nung babalik na siya sa table namin kasi hirap na hirap siyang dalhin lahat nang binili niya, minura pa niya yung estudyante na nasa gilid niya na tinititigan lang siya tapos ibinigay niya dun lahat ng pagkain na dala niya at pinadala ang mga yun papunta sa table namin. "Ang dami mong binili, kaya mo bang ubusin lahat yan?"- saad ko kay Vince pagka-upo niya sa upuan sa harapan ko. Umiling naman siya. "Sayo yung iba, 'eto oh! Pancake, champorado tsaka extrang gatas panlagay sa champorado. Paborito mo yan alam ko."- saad niya sabay lapag niya ng pancake, champorado at gatas sa harap ko. Napataas naman ako ng kilay. "Thanks pero 'pano mo naman nalaman na paborito ko 'to? di naman pwedeng sinabi ni Ate kasi wala naman siyang alam tungkol sakin."- taas kilay kong sabi. Natigilan naman siya ngunit sandali lamang at agad siyang ngumiti. "Well, i'm good at guessing. Kita naman oh! nahulaan ko yung paborito mong almusal!"- saad niya sabay tawa niya ng bahagya at iwas nang tingin sakin. Hindi ako kumbinsido pero hayaan ko na lang. "Kain na tayo."- nakangiti niyang sabi. Ngumiti naman ako ng bahagya at pagkatapos ay kumain na ko. Actually nakakain na ko, ayoko lang tanggihan ang grasya. may nakapagsabi kasi sakin dati na masama raw tanggihan ang grasya, hindi ko lang matandaan kung sino. Habang nasa kalagitnaan nang pagkain, biglang nagsalita si Vince at ang sinabi niya ay nakapagpatigil sakin sa pagkain at nakapagpakunot ng noo ko. "Madalas niluluto yan dati tuwing umaga para sayo."- saad ni Vince. "Ano?"- kunot noo kong sabi sabay tingin ko sakanya. Tumingin naman siya sakin at pagkatapos ay tumawa siya. "Wala, hindi ikaw kinakausap ko! yung multo ng kaibigan ko kinakausap ko nandito oh! nasa tabi ko."- saad niya. Tinignan ko naman siya ng seryoso. "What? seryoso ako! alam mo kasi may kaibigan ako, babae siya kaya lang nawala siya dahil sa isang mabigat na dahilan. Ang tagal na niyang wala, hindi sa iniisip kong patay na siya pero ini-imagine ko palagi na yung multo niya ay nandito palagi sa tabi ko. Paborito rin niyang almusal yang pancake at champorado tapos yung champorado gusto niya palaging naglalawa yung gatas kaya naman madalas yung isang can ng evaporada ibinibigay sakanya para sa extrang gatas."- saad niya. Tumigil naman ako sa pagkain at sumandal sa upuan. T*ngena bakit parang kinilabutan ako. "Kamukha ko ba yun?"- tanong ko. Tinignan naman niya ko ng diretso sa mata. "O- Oo.."- sagot niya tapos umiwas siya nang tingin. "Tss... Iniisip mo bang ako siya?"- taas kilay kong sabi. Tumango naman siya. "Nakakagulat diba? iniisip kong ikaw siya kaya binilhan kita ng ganyan pero yun pala paborito mo rin yan. Pareho kayo, nakakatuwa. Hindi ko na pala kailangang mag-imagine na may multo siya at palaging nasa tabi ko kasi pwede ko namang isipin na ikaw siya diba? ayos lang naman siguro sayo yun."- saad ni Vince sabay tingin sakin at ngiti ng bahagya. Tinitigan ko naman siya sandali at pagkatapos, bumuntonghininga ako ng malalim. Merong kakaiba sakanya, ewan ko ba pero ang gaan sobra ng loob ko sakanya at ang weird non para sakin. "Ayos lang sakin, mukhang miss na miss mo na talaga yung kaibigan mo na yun eh. Nag-imagine ka pa na may multo niya, kesa mapraning ka nang tuluyan kunwari ako nalang siya."- saad ko sabay ngiti ko ng bahagya. Ngumiti naman siya ng todo. "Salamat."- saad niya sabay kain niya sa spaghetti niya. "Anyway, kwento ka naman tungkol sa mga kaibigan mo."- saad niya sabay tingin sakin ulit. Natawa naman ako ng bahagya sa itsura niya. "Ang baboy mo naman kumain ng spaghetti."- saad ko sabay kuha ko ng tissue at punas sa gilid ng labi niya. Natigilan naman siya at napatingin sa kamay kong pinupunasan ang gilid ng labi niya. "Yan, ayos na."- saad ko sabay lagay ko sa tissue sa isang pinggan na wala ng laman at ayos ko nang upo ko. "Napakamaalaga mo talaga."- saad ni Vince kaya napatingin agad ako sakanya. "Ano?"- kunot noo kong sabi. Natawa naman siya. "Diba kunwari nga ikaw yung kaibigan ko?"- saad niya. Napangiwi naman ako. "Tch! Oo nga pala."- saad ko. Nag-giggle naman siya. "At dahil diyan, sanayin mo na yung sarili mo na makarinig ng mga weird na bagay mula sakin."- nakangiti niyang saad. "Tss.. Oo na lang."- saad ko sabay tingin ko sa gilid nang may mahagip ang mata ko sa pintuan ng cafeteria. "Ang hari."- saad ko. Nakatingin siya samin ni Vince habang nakapamulsa at walang emosyon. "Ano? Saan?"- rinig kong saad ni Vince. Tinignan ko naman si Vince. "Sa entrance door."- sagot ko. Agad namang tumingin si Vince sa entrance door ng cafeteria. "P- paalis na siya."- saad ni Vince. Tumingin naman ulit ako sa entrance door ng cafeteria at nakita kong naglalakad na paalis ang Hari. Napangisi naman ako. "Mukhang ayos yung plano mong sakin humingi ng tulong ah! hindi siya lumapit dito."- nakangisi kong saad. "Galing ko talaga!"- saad niya sabay taas niya sa dalawa niyang kamay at tawa. Napailing naman ako bigla. Ewan ko, hindi ko alam pero pakiramdam ko... Matagal ko na siyang kilala. xxxxxx Vince P.O.V "Ngiting-ngiti ka diyan ah! nagsisimula ka pa lang sa plano mo di ka pa nagtatagumpay."- saad sakin ni Kris sabay upo niya sa sofa sa harapan ko. Natawa naman ako. "Tss... sira! Nakangiti ako nang ganito dahil sa dalawang bagay."- saad ko sabay ayos ko nang upo ko. "Una, nasimulan ko na ang plano ko. Pangalawa, hindi ako nilapitan ng Hari maghapon kasi maghapon kong kasama si Ice. Ang saya!"- ngiting-ngiti kong sabi sabay higa ko sa sofa na inuupuan ko. Natawa naman ng bahagya si Kris. "Congrats sayo, pero Vince.."- saad ni Kris sabay tingin sakin. "Hmm? Bakit?"- tanong ko habang nakatingin sakanya at nakataas ang kilay. "Sa tingin mo ba magbabalik ang memorya niya?"- tanong sakin ni Kris. Tumingin naman ako sa kisame. "Hmm.. ewan ko, pero di ko malalaman kung hindi ko titignan diba?"- saad ko sabay tingin ko ulit kay Kris. "Itutuloy ko lang yung nasimulan ko para makita kung magbabalik pa nga ang memorya niya."- saad ko sabay ngiti at tingin ko ulit sa kisame. "Bahala ka, suportahan na lang kita."- saad ni Kris. Bigla namang dumating si Julian. "Hey Yo!"- bati ni Julian sabay tabi niya kay Kris sa sofa. Tinignan ko naman siya. "Oh? Ganap sa buhay mo?"- tanong ko. Nagkibit-balikat naman siya. "Wala, walang kwenta."- sagot niya sabay tawa at kuha sa magic pillow na nasa gilid. "Oo nga pala, may nakita ako habang papunta ako rito."- saad ni Julian sabay yakap niya sa magic pillow. "Hmm? Ano?"- tanong ko. "Si Ice kasama yung Hari."- diretsahang sagot ni Julian. "Ahh.. yun--- ANO!?"- sigaw ko sabay tayo ko. What the f*ck! Magkasama? Bakit sila magkasama? "Saan mo sila nakita?"- tanong ko kay Julian. "H- huh? dun sa hallway malapit sa dorm natin."- takang saad ni Julian. Hindi naman na ko nagsalita at nagmadali na lamang akong tumakbo patungo roon. Bakit sila magkasama? Paanong magkasama sila!? Pagdating ko sa hallway malapit sa dorm namin, agad akong tumingin-tingin sa paligid. "N- Nasaan sila.."- hinihingal kong saad. Pagtingin ko sa tapat ng bulletin board, nakita ko si Ice at totoo nga! kasama niya si Devin. Nag-uusap silang dalawa. Anong pinag-uusapan nila? tsaka bakit lumapit si Devin kay Ice eh pinagbawalan siya ni Reigen na lumapit dito! Dahan-dahan naman akong lumapit sa kanila at pinakinggan ang pinag-uusapan nila. Makikinig muna ko bago mangealam. "Di ko alam na mahilig ka pala sa mga painting na..... weird?"- rinig kong saad ni Ice kay Devin. Tinignan ko naman yung tinitignan nila sa bulletin board. Puro mga paintings na tungkol sa pagpatay ang nandoon. "Ikaw rin, di ko rin alam na mahilig ka rin sa mga ganitong paintings."- walang emosyong saad ni Devin sabay tingin niya kay Ice na seryosong nakatingin sa isang painting. Umiling naman si Ice. "Hindi ako mahilig sa ganito, sadyang napukaw lang nang pansin ko 'to ngayon."- saad ni Ice sabay ayos niya nang tayo niya, medyo naka-lean kasi siya sa painting. "Ayoko sa mga ganito, ang creepy."- saad ni Ice sabay ngiwi. Bahagya naman akong natawa sapagkat... may naalala ako. "Ayaw mo sa mga ganyan?"- saad ni Devin kay Ice. Tumango naman si Ice. "Ang creepy kasi tapos yung ipinahahatid ng painting, nakakairita."- saad ni Ice sabay tingin niya kay Devin na titig na titig sakanya. "You reminded me of someone, pareho kayong may ayaw sa ganyang paintings, pareho rin kayo ng dahilan."- saad ni Devin kay Ice sabay harap niya rito. Nakita ko namang nagkunot ng noo si Ice. "Huh? kaibigan mo rin ba? Tsk! Pareho kayo ni Vince."- naiiling na sabi ni Ice. "Hindi."- sagot agad ni Devin. "Eh ano?"- tanong ni Ice. "My first love."- diretsahang saad ni Devin at pagkatapos ay biglang naging blangkong-blangko ang mukha nito. "I saw you, kasama mo si Vince kanina at kumakain kayo ng almusal sa cafeteria. Yung kinakain mo, alam mo bang paborito yun nung babaeng una kong minahal? Yung babaeng naglaho na lamang bigla?"- saad ni Devin. Natigilan naman ako. A- ano? Naalala ko naman bigla yung narinig kong kwento dati, 2 years pagkatapos maging pinakamalakas na grupo ang Dark Cards. Bago raw napunta ang Haring si Devin dito sa DIA, isa raw itong masayahing bata. Matalino at palakaibigan daw ito. Meron daw itong naging kaibigang batang babae, kababata niya kumbaga. Ang sabi, nagkagusto raw si Devin sa kaibigan niyang yun sa kabila ng mga murang edad nila. Ang sabi rin, maging ang kaibigan din niyang iyon ay nagkagusto rin sakanya ngunit sa hindi maipaliwanag na dahilan ay nawala bigla ang batang babae na ito. Simula raw noon, nawalan daw ng gana si Devin. Palagi raw itong nasa bakuran ng bahay nila at nakaupo na tila naghihintay, naghihintay na makabalik ang kanyang kaibigan na kanyang mahal. Nadagdagan pa ang lungkot niyang nararamdaman nang mamatay sa sakit ang kanyang Ina, dahil daw doon, tuluyan ng naging malungkot ang pagkatao ni Devin. Palagi na raw itong nagkukulong at hindi narin makausap masyado, naging sadista rin daw ito at ang sabi rin ay muntik na niyang mapatay ang isa sa mga katulong nila gamit ang kutsilyo. Sa tingin ng marami, na-depress ito sa murang edad pa lamang. Si Devin ay galing sa pamilyang El Greco, isa sa mga pamilyang malapit sa pamilyang Killiano. Nang mawala ang mga Killiano, doon napasok si Devin dito sa DIA, ipinadala siya ng Ama niya rito upang malibang daw ito. Sa murang edad, marunong na itong lumaban at sa murang edad din niya ay nakapatay siya agad dito sa DIA sa unang linggo niya pa lamang dito. Sina Alex at ang kambal na sina Brent at Bryan ang mga kasabay ni Devin sa pagpasok dito at ang Headmaster.. siya ang lumikha ng grupong Dark Cards na kung saan ang mga miyembro ay ang mga ito. Sa loob lamang ng isang taon, sa kabila ng pagiging bata nila ay natalo nila ang nangunguna dati rito sa DIA at nakuha nila ang trono nito. Ang pagiging numero uno sa listahan ng DIA GROUP OF KILLERS. Tahimik, nakakatakot at istrikto, yan si Devin. Naging ganyan siya dahil sa mga taong nang-iwan sa kanya. Ilang taon naming nasaksihan ang pagkatao niya kaya naman lahat kami ay takot sakanya pero ako, nagbago ang pagtingin ko sakanya ng may isang babae ang dumating dito sa DIA na nakakuha ng loob niya. Si Reigen. Nagkagusto si Devin dito. Nang mabalitaan ng lahat dito sa buong DIA na nagkagusto si Devin kay Reigen, ang lahat ay hindi makapaniwala. Simula nang magkagusto si Devin kay Reigen, tila nawala ito sa posisyon niya at palaging nakadikit at nakabantay kay Reigen. Ngunit si Reigen, hindi siya nito nagustuhan sapagkat si Luis ang nagustuhan nito. Si Luis na kaklase ni Reigen at madalas pagtripan at asarin si Reigen at si Luis na gusto rin si Reigen. Nang magkatuluyan sina Luis at Reigen, akala ng lahat ay babalik sa dati si Devin pero hindi, tila kay Reigen pa rin siya nakatutok. Palagi niyang pinagtatangkaang patayin si Luis ngunit hindi siya nagtatagumapay sapagkat palaging nakabantay si Reigen kay Luis, palagi itong magkasama. Pinakahuling beses kong nakita si Devin na tila naging isa siyang demonyo ay nung nagkaroon nang laban sa pagitan nila ng Red Skull na pinamumunuan ni Luis. Halos mapatay niya noon si Luis ngunit hindi niya iyon naituloy sapagkat pumagitna si Reigen at sinabing sumusuko na ang Red Skull, nang sinabi ni Reigen yun... dun niya inanunsyong siya ay kasapi na ng Red Skull at kinikilala niyang isang kaaway ang Dark Cards dahil sa nangyari. Matapos non, biglang nanahimik si Devin. Hindi na siya gaanong nakakatakot tulad ng dati. Dahil dun, nawala ang kaunting takot ko sakanya. Nagkaroon ako ng lakas ng loob na wag matakot sakanya hindi tulad ng dati. Palaging sina Alex, Brent at Bryan na lamang ang palaging nakikitang nagpapahirap ngayon. Si Devin, kung hindi niya sinasaktan ang lahat ng mga estudyanteng sumusuway, humaharang o kumakalaban sakanya o sa Dark Cards, ikinukulong niya lamang ito sa darkness room at pagkatapos non ay wala na at bahala na. Narinig ko namang nagsalita si Ice kaya naman nakabalik ako sa realidad. "A- ano? Kapareho kong may ayaw sa paintings na ganito tapos kapareho ko ng paboritong almusal tapos nawawala?"- saad ni Ice at pagkatapos ay bigla siyang natawa. "Grabe! Bakit ba kapareho ko ng hilig yung mga taong nawala sa buhay niyo? Napakatinding co-incidence."- saad ni Ice at pagkatapos ay tumingin siya ulit sa mga paintings habang umiiling. "O baka naman ikaw siya.."- saad ni Devin na ikinatingin ulit sakanya ni Ice. "What? Impossible! 'ni hindi nga kita kilala at ngayon lang kita nakilala kaya naman imposible."- saad ni Ice at pagkatapos ay nakita ko siyang bumuntonghininga at humarap kay Devin. "Alam mo? Aalis na ko. Baka makita pa tayo ni Ate Reigen at magalit pa siya sayo, alam mo naman na ayaw niyang lumalapit ka sakin kahit hindi sadya."- saad ni Ice sabay talikod niya kay Devin. "Bye."- saad ni Ice sabay lakad ngunit hinawakan siya ni Devin sa may kamay niya dahilan upang mapatigil siya at mapatingin kay Devin. Lalapitan ko na sana sila ng biglang... "Alam mo ba sa totoo lang, unang kita ko pa lang sayo nag-init na agad ang ulo ko sayo. Bakit? kasi kamukha mo siya. Kamukhang-kamukha mo siya!"- seryosong saad ni Devin kay Ice. Halata naman ang tila kaba sa mukha ni Ice. "A- ano ba! wala akong alam diyan sa pinagsasasabi mo!"- saad ni Ice sabay bawi niya sa kamay niya kay Devin. Natigilan naman si Ice ng biglang ngumisi si Devin, maging ako... natigilan dahil dun. "Ngayon parang gusto ko lalong kumapit sa hinala ng Headmaster na ikaw ang nawawalang Reyna, kahit walang patunay gusto ko lalong kumapit. Alam mo kung bakit?"- saad ni Devin sabay lapit nito ng kaunti ng mukha niya kay Ice. "Kasi ang sinasabi kong first love ko ay ang nawawalang reyna, si Darkiela. Ang anak nila Mr. at Mrs. Killiano na palagi kong kalaro dati nung bata pa ko, ngayon ko tuluyang narealize na kamukha mo siya. Ngayon ko tuluyang nakita ngayong malapit ang mukha mo sakin."- saad ni Devin sabay ngiti ng bahagya at hiwalay kay Ice. "See you around."- saad ni Devin at pagkatapos ay umalis na siya. Iniwan si Ice na tila naistatwa sa kinatatayuan niya. Ako naman, hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko. Kailangang malaman 'to ni Reigen at nila pinuno! hindi 'to maaari! Hindi!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD