Chapter 22

3974 Words
Devin P.O.V "Ang Reapers."- mahinang saad ni Bryan. Tinignan ko naman ang tinitignan niya. "Nakakagulat, malakas agad ang pinuno nila?"- di makapaniwalang saad ni Alex. "Anong klase siya.."- saad ni Brent. "Mutant."- saad naman ni Bryan. Nanatili naman akong nakatingin sa Reapers na kasama ang Wolves at nanatiling hindi nagsalita. Bahagya naman akong nagulat ng biglang tumingin sakin si Ice, panandalian kaming nagkatitigan at pagkatapos bigla siyang ngumiti at inalis sakin ang kanyang tingin. Anong ibig-sabihin nun? "King, nagtext ang Headmaster. Ipinatatawag ka niya sa opisina niya."- saad sakin ni Brent. Tinignan ko naman si Brent. "May ipagagawa yata sayo King."- saad ni Brent sabay tago niya sa cellphone niya. Natigilan naman ako at hindi nagsalita, nanatili lamang akong nakatingin kay Brent. Ang Headmaster.... m- may.. ipagagawa? "King? Ayos ka lang?"- rinig kong tanong sakin ni Bryan. Susunod ba ko? "King? Ayos ka lang?"- rinig kong saad ulit ni Bryan. Nakabalik naman ako sa realidad. "H- huh? O- oo! Ayos lang ako."- saad ko sabay tayo. "Pupunta na ko."- saad ko sabay lakad ko paalis. B- bakit ako nagdalawang-isip? "Sandali."- rinig kong saad ng isang boses mula sa likuran at pagkatapos biglang may humila sakin papunta sa gilid. Pagtingin ko.... "Ice?"- gulat kong sabi. Tumingin-tingin naman siya sa paligid at pagkatapos tumingin siya sakin at ngumiti. "Ang Headmaster ba?"- saad niya. Natigilan naman ako. "Kung ako sayo wag ka nang pumunta, subukan mong huwag sumunod sa kanya this time."- saad ni Ice. Napakunot naman ako ng noo ko. "Tss.. paano mo nalaman na pupunta ako sa Headmaster? isa pa, paano mo nalaman na uutusan niya ko?"- kunot noo kong sabi. Ngumisi naman siya. "Just feel it."- saad niya. Tinanggal ko naman yung pagkakahawak niya sakin. "Anong kailangan mo sakin."- walang emosyon kong sabi sa kanya. Tinitigan naman niya ko at pagkatapos ay bigla siyang sumeryoso. "May gusto akong malaman."- saad niya. Napataas naman ako ng kilay. "Ano."- saad ko. "May pag-asa ba? may pag-asa ba na bumait ka at hindi na sumunod sa isang demonyo katulad ng Headmaster?"- seryoso niyang tanong. Napatitig naman ako sa kanya. A- ano? "Anong sinasabi mo?"- saad ko. "Ang ibig kong sabihin, may pag-asa ba na kalabanin mo siya o wala? Oo o Wala lang Devin, may gusto lang akong kumpirmahin."- seryoso pa rin niyang sabi. Inaamin ko, bahagya akong natigilan sa sinabi niya. Pag-asang kalabanin ang Headmaster? Bakit? ano bang meron sa Headmaster? Bakit kakalabanin? Ginagawa lang ng Headmaster ang trabaho niya bilang Headmaster! Bakit kakalabanin? "Wala."- sagot ko sabay buntonghininga. "Hindi kita maintindihan pero kahit hindi kita maintindihan ay hindi ako mag-aabalang mag-isip kung anong tunay mong dahilan sa mga pinagsasasabi mo kaya naman wala, walang pag-asa na kalabanin ko siya. Walang ginagawang mali ang Headmaster, ginagawa lang niya ang trabaho niya. Yung ginawa niya sayo, dala lamang yun ng isang maling akala."- saad ko. Ngumiti naman siya. "Wala."- saad niya sabay tawa niya ng bahagya. "Then I guess I have no choice, wala palang pag-asa na bumait ka. From now on, I officially announce that Reapers is now one of Dark Cards enemies just like what the Red Skull and the Wolves are."- saad niya na ikinatitig ko sa kanya ng sobra. "Red Skull and Wolves knows a lot of things about the Headmaster, they're still not telling it to us Reapers but we know that the Headmaster has a secret. A big one."- saad pa ni Ice at pagkatapos ay tumalikod siya sakin. "Go now, puntahan mo na yung amo mo Haring sunod-sunuran."- saad niya at pagkatapos narinig ko siyang bumulong pero di ko naintindihan kung ano yung ibinulong niya. "Asahan niyong Cards na magiging nakakabanas kami."- saad pa ni Ice at pagkatapos ay umalis na siya. Pagkaalis niya, napabuntonghininga na lamang ako. Bakit ako naiinis! "Tsk, bwiset!"- mahina kong saad at pagkatapos ay nagpatuloy na ko sa paglalakad ko at pumunta na sa opisina ng Headmaster. Pagdating dun... "Headmaster."- saad ko pagkapasok ko sa opisina niya. Tumingin naman siya sakin at napakunot ng noo. "Anong kailangan mo?"- saad nito. Nagulat naman ako. Ano? Tinatanong niya ko kung anong kailangan ko? "Nagtext po kayo kay Brent, pinapapunta niyo ko rito."- kunot noo kong sabi. Mas lalo namang napakunot ng noo ang Headmaster. "Hindi ako nagtext sayo at hindi kita pinapupunta rito."- saad niya. Naguluhan naman ako. Anong hindi? "Umalis ka na."- saad ng Headmaster sabay talikod niya sakin at tingin sa labas ng bintana. Gulong-gulo naman akong naglakad sa opisina niya palabas. Hindi niya ko ipinatatawag? Hindi siya nagtext? Edi Ano? Niloloko ako ni Brent? "Tsk! Brent."- bulong ko sabay labas ko sa opisina ng Headmaster. Paglabas ko, may nakita akong pulang papel sa harap ng pinto ng opisina ng Headmaster. Tumingin-tingin naman ako sa paligid sa pag-aakalang may nakahulog lang nito pero walang tao kahit isa sa paligid. Pinulot ko naman ang papel at tinignan. May nakasulat sa papel na ito... "Nabalitaan ko ang nangyari kahapon June, may tinorture kang babae sa pag-aakalang siya si Darkiela. Nakakatawa ka, halatang masyado kang natatakot sa katapusan na parating sayo. Alam mo June, mahanap mo man si Darkiela o hindi.. mababawi pa rin namin ang DIA. Mamamatay ka tandaan mo June, mamamatay ka! Isa muli itong babala para sayo kaya mag-ingat ka pa lalo. Red and Black Mask."- mahina kong basa sa nakasulat. Lalo naman akong naguluhan sa nabasa ko. Anong ibig-sabihin nito? Ano 'to!? Hinarap ko namang muli ang pintuan ng Headmaster. Ibibigay ko ba sa kanya? Sa tingin ko Oo.. pero hindi niya dapat malaman na nabasa ko 'to dahil mukhang tama si Ice... maraming sikreto ang Headmaster. Tinignan ko naman ang CCTV na nakatutok dito sa tapat ng pintuan ng Headmaster at laking gulat ko nang makita ko itong.... walang ilaw. Bakit nakapatay ang CCTV? Sinamantala ko naman ang pagkakataon at agad kong ibinalik ang sulat sa kung saan ko ito nakita at pagkatapos ay bumuntonghininga ako sabay kumatok sa pintuan ng Headmaster at tumakbo ng pagkabilis-bilis paalis. Pagdating sa hallway malayo sa opisina ng Headmaster, hingal akong umupo sa isa sa mga bench. "Bwiset!"- banas kong sabi sabay hampas ko nang malakas sa inuupuan ko. Bigla ko namang naalala ang mga CCTV sa daan kaya't napatingin ako sa mga CCTV sa paligid ko. "Nakapatay rin? Anong nangyayari?"- gulong-gulo kong sabi. Bigla namang bumukas ang mga speakers at narinig sa buong school ang galit na galit na boses ng Headmaster. "KAYONG LAHAT! ANG PAGHAHANAP KILA RED AT BLACK MASK AY TULAD NA NANG KAY DARKIELA! ORAS NA HINDI NIYO MAHANAP ANG TATLONG YUN NGAYONG TAON SINASABI KO SA INYO! DADANAK ANG MGA DUGO NIYO RITO SA DIA! AT ISA PA, MALAMAN KO LANG KUNG SINO ANG NANGEALAM NG COMPUTER AT CELLPHONE KO AY MALILINTIKAN! MAY HINALA AKONG KASABWAT SIYA NILA RED AT BLACK MASK! IKAW NA NAGPATAY SA LAHAT NG CCTV NG DIA AT NAGTEXT SA HARING SI DEVIN! MALAMAN KO LANG KUNG SINO KA! PAPATAYIN KITA!!"- sigaw ng Headmaster mula sa lahat ng speakers ng school. Pagkatapos non, agad namatay ang mga speakers. Napatayo naman ako mula sa kinauupan ko. Ano ba talagang nangyayari! Naguguluhan na ko! xxxxxxx Ice P.O.V "Grey, kilala mo kung sino sina Red and Black Mask?"- mahinang tanong ni Ashlie kay Grey. Napakunot naman ng noo si Grey. "Hindi ah!"- sagot ni Grey. "Ano yung sinabi ni Headmaster?"- saad ni Ashlie. Nagkibitbalikat naman si Grey. "Hindi ko alam, basta pinatay ko lang yung mga CCTV para di makuhanan yung gagawin ko tapos binura ko rin yung footage ng pagpunta at pagpasok ko sa office. Tinext ko rin ang Hari gamit ang cellphone ni Headmaster dahil inutos sakin ni Ice, dinelay ko yung message para kanina lang magsend. Hindi ko kilala kung sino yung Red and Black Mask."- mahinang saad ni Grey. Napaisip naman si Ashlie. "Pero ang tanong dito, bakit naman naisip ni Headmaster na kasabwat mo sila Red and Black Mask? Sino ba talaga yung Red and Black mask na yun? Anong problema sa kanila ng Headmaster?"- saad ni Ashlie. Ngumiti naman ako. "Tama ka, yun ang tanong. Nakakapagtaka tuloy, tunay nga na maraming sikreto ang Headmaster at walang nakakaalam kung ano yun maliban sa Wolves at sa Red Skull. Sa tingin ko maraming alam sila Vince at Ate Rei kaya naman kung makapagbilin satin si Ate tungkol sa paglayo sa Dark Cards ay ganun-ganun na lang."- mahina kong saad. Tama, naisip ko yan kagabi. Hindi ko alam pero bigla na lang may pumasok na ganyan sa utak ko kaya naman may sinimulan na kong kilos kanina. Bigla namang dumating si Brent at nagdire-diretso sa kakambal niyang kanina pa tulog at tulo laway. "Bryan gumising ka nga dyan! Bilisan mo!"- saad ni Brent sabay alog niya sa kakambal niya. Agad naman itong nagising. "Eeeee.. Inaantok pa ko!"- reklamo ni Bryan sabay angat niya sa ulo niya. Tinignan naman siya ng masama ni Brent. "Gusto mong matulog habangbuhay? Bilisan mo nagagalit ang Hari!"- saad ni Brent sabay talikod sa kakambal. Tumayo naman si Bryan at nag-unat unat, pagkatapos ay inaantok itong sumunod sa kapatid. "Tsk! Maski sila natataranta na."- nakangising saad ni Ashlie pagkawala nung dalawa. Ngumisi naman ako. "Nakakatawa, di ko akalaing ganito ang mangyayari. Paniguradong gulong-gulo na ngayon si Devin at kapag naguluhan siya, maghahanap siya ng sagot. Kapag nahanap niya ang sagot, lalaban siya sa Headmaster at kapag nagtagumpay yun... hindi lang tayo ang makakaalis dito kundi ang lahat ng estudyante ng DIA."- saad ko sa mahinang boses na tila sila Ashlie lang ang nakarinig sa akin. "Ang unang plano ay hanapin si Ate Rei at pagkatapos tumakas dito, how come na pati ang ibang estudyante rito ay kasama na?"- saad ni Ashlie. Nagsalita naman si Ylana. "Dahil kapag marami tayong nakaalis dito, magiging kampante ang kalooban ng ating pinuno na napakabait kaya naaabuso."- saad ni Ylana. Natawa naman ako. "Naisip ko lang na ilang taon na silang nandito, gusto kong makita na nila ang liwanag na nasa labas. Hindi ang liwanag ng araw o buwan na sumisilip lamang sa loob ng paaralan na 'to sa sandaling oras."- saad ko. "Ikaw nang hero."- saad ni Ashlie. Hindi naman ako nagsalita. Ang plano ko ay tignan kung may pag-asa bang maging kakampi namin ang Dark Cards na malaki ang maitutulong sa pagtakas namin dahil sa katungkulan nila. Nakita ko kanina na walang pag-asa kaya naman nagdesisyon akong guluhin ang isip ni Devin, hindi ko alam kung anong nangyari at ganun na lang ang galit ng Headmaster. Hindi naman siguro dahil sa ginawa lang ni Grey kaya siya nagalit, siguradong may iba pang nangyari. Nararamdaman ko at sigurado ako! "Pero Ice, guguluhin na ba talaga natin ang Dark Cards?"- tanong ni Ashlie. Tumango naman ako. "Oo, guguluhin natin sila. Mumulatin natin sila."- saad ko. Lahat ng kampi sa demonyo, guguluhin namin kahit mabanas pa sila. Mumulatin namin sila sa nangyayari! alam kong may kakaiba rito sa lugar na 'to. Kapag hindi sila namulat, magkasakitan na kung magkasakitan! Magkapatayan na kung magkakapatayan! Oras na para simulan ang laban para makaalis lang dito. Headmaster... Dark Cards... Humanda kayo! xxxxxxx Bryan P.O.V "Bry, sige na please! Kahit mabilisan lang!"- pangungulit sakin ng presidente ng Class E na si Melisa. Tsk! Kanina pa 'to! Sinabi ng wala akong gana eh! "Still no, maghanap ka ng ibang magkakamot sayo."- walang gana kong sabi. "But... ikaw ang gusto ko! Please Bry, I want you."- seductive na saad ni Melisa sabay yakap niya sakin mula sa likod. Bwiset, sabi ng ayoko eh! Ayoko sa mga makukulit at hindi makaintindi! Ayokong pairalin sakin ng tao ang ugali ko! Tinanggal ko naman ang pagkakayakap sakin ni Melisa at pagkatapos ay hinarap siya. Sasaktan ko na sana siya ng..... "Yo Bryan! Parang nagkaroon ng himala at tinatanggihan mo 'tong babaeng 'to o baka naman sadyang problemado kayong mga Dark Cards ngayon?"- saad ni Ashlie mula sa likuran ni Melisa. Napatingin naman ako sa kanya. "*smile* Ang bobo niyo kasi kaya problemado kayo ngayon."- saad ni Ashlie sabay hawi niya ng malakas kay Melisa na ikinadahilan ng pagkatumba nito. "What the!"- sigaw ni Melisa. Tinignan naman siya ni Ashlie. "Shut up b***h! I want to talk to this moron. Shut up or else i'm gonna cut your f*cking tongue!"- saad ni Ashlie kay Melisa. Natakot naman si Melisa na hindi nakapagsalita. "Tsk! Bitch."- saad ni Ashlie sabay tingin sakin ulit at cross arms. "Bakit galit na galit ang Headmaster? Bakit kating-kati siyang mahanap ang Reyna? Bakit niya ipinapahanap sina Red and Black mask? Sino ba sila Red and Black Mask? Bakit masama ang tingin namin sa Headmaster? May mga sikreto nga ba itong itinatago?"- saad ni Ashlie sabay tawa nang bahagya. "Ilan lang yan sa mga katanungan sa isip niyong mga Cards right? Ayaw niyo kasing dumilat sa katotohanan kaya nabobobo kayo."- saad ni Ashlie. Napakunot naman ako ng noo. "Sino ka para sabihin yan! Kung makapagsalita ka akala mo marami kang alam! Isa ka lang bagong salta sa lugar na 'to ngayong taon kaya wag kang umasta ng ganyan!"- banas kong sabi. Natawa naman siya. "Yes i'm just a new student here in DIA pero kahit baguhan lang ako matalino ako at hindi ako uto-uto. Ako at kami ng mga kaibigan ko, binuksan namin ang isip namin kaya naman nakita at nalaman namin na may isang malaking misteryong nagaganap dito. Hindi katulad niyong Cards na matagal na rito pero hindi alam na may misteryo rito, o sabihin na lang natin na alam niyo ngang may misteryo pero nagbubulagbulagan kayo kaya hindi niyo inalam kung ano yun kasi nga.. uto-uto kayo at nauto kayo ng Headmaster! Poor people."- saad ni Ashlie sabay lapit niya sakin ng kaunti. "Sinasabi ko sayo, sobrang tangkad ni pagsisisi kaya palagi siyang nasa huli."- saad ni Ashlie sabay ngisi. Hindi naman ako nakapagsalita. "Anyway, meron akong dare para sayo."- saad ni Ashlie sabay cross arms. "Tsk! ano naman?"- irita kong sabi. "Imbistigahan mo ang Headmaster, kapag totoo na may sikreto siyang itinatago at dapat talaga siyang kalabanin tulad nang ginagawa namin... You'll be my slave, pero kapag hindi then I'll be your slave. So ano? Deal?"- saad ni Ashlie sabay abot niya ng kamay niya sakin. Tinitigan ko naman ang kamay niya. "If you don't accept my dare then totoong uto-uto ka sa Headmaster, isa kang mahinang nilalang."- saad niya. Banas ko namang tinanggap ang hamon niya at nakipagkamay sa kanya. "Deal, tinatanggap ko ang hamon mo."- banas kong sabi. Ngumisi naman siya at lumapit sakin ng sobrang lapit. Yung tipong konti na lang maghahalikan na kami. "Good."- sabi niya sabay halik sakin sa pisngi ng mabilisan. "Goodluck."- saad niya sabay hiwalay sakin at lakad ng mabilis paalis. Damn that girl! Nakakapraning! "Sisiguraduhin kong mananalo ako."- saad ko at pagkatapos ay lumakad na ulit ako. xxxxxxx Ylana P.O.V "Yo."- bati ko kay Brent na nag-iisa rito sa cafeteria sabay tabi ko sa kanya sa upuan. Tinignan naman niya ko at pagkatapos ay bigla siyang tumayo at akmang aalis ng pigilan ko siya. "Tsk! Wala akong gagawin na kung ano this time ano ka ba!"- saad ko sabay hila ko sa kanya paupo. Hindi naman siya nagsalita at tinitigan lang ako. Simulan na.. "Sa tingin ko may ginawang masama ang Headmaster kaya may nanggugulo sa kanyang Red and Black mask pero ang tanong.. sino sila red and black mask at ano yung ginawa ng Headmaster? Nakakatanga."- saad ko. Nagsalita naman siya. "Anong pinagsasasabi mo."- saad ni Brent. Natawa naman ako nang bahagya. "Don't me Brent, alam kong isa yan sa mga katanungan sa isip niyong Cards. Alam mo? hindi ko alam ang iniisip ng Headmaster, masyado siyang nagpapahalata na meron siyang itinatago, na merong misteryo rito sa paaralan na 'to! Nagpapadala siya sa init ng ulo."- saad ko. Tila nabanas naman siya. "Tsk! pwede ba? Lalo ka lang nakakagulo sa iniisip ko!"- banas na saad ni Brent. Ngumiti naman ako. Yun naman talaga ang plano, ang guluhin kayo.. "Yan ang hirap sa inyo, alam niyo ang sagot sa iniisip niyo ang kaso ayaw niyo yung tanggapin kaya ngayon nahihirapan kayo."- saad ko sabay lapit ko ng mukha ko sa mukha niya. "Try to accept it and investigate, para di ka na maguluhan o mahirapan."- saad ko sabay ngiti at tayo ko. "See you around."- saad ko at pagkatapos ay umalis na ko. Done. xxxxxxx Grey P.O.V "Hi."- bati ko kay Alex. Nandito ako ngayon sa garden, nakita ko si Ashlie kanina na nagawa na ang pakay niya kay Bryan pati si Ylana sa pakay niya kay Brent kaya naman kahit kinakabahan ako, naglakas loob na kong lapitan si Alex para gawin ang pakay ko sa kanya. "H- hi."- tila di niya makapaniwalang sabi. Ngumiti naman ako ng bahagya. "Can I talk to you?"- tanong ko. Kung sina Ashlie at Ylana misyon nilang gamitin sina Bryan at Brent para mapabilis ang imbistigasyon habang si Ice naman ay bantayan ang Hari.. Ako naman, misyon kong makuha ang loob ni Alex upang maging kakampi namin siya. Umiwas naman sakin ng tingin si Alex. "Y- yeah."- sagot niya kaya naman agad akong tumabi sa kanya sa upuan. "A- anong meron? 'bat wala kang salamin t- tsaka... n- nakaayos yata yung buhok mo?"- saad ni Alex habang hindi nakatingin sakin. Napatingin naman ako sa kanya. Bakit ganyan siya umasta? Bakit parang ilang siya sakin? Ayon sa mga naririnig ko tungkol sa kanya isang nakakatakot na tao si Alex. Hindi siya madaling kausapin dahil tingin pa lang niya ay matatakot ka na pero bakit ganito siya umasta? Maski nung unang beses na naka-encounter ko siya.. hindi siya nakakatakot tignan. Ngumiti naman ako. "Napagtripan lang ni Ashlie."- saad ko. Bigla naman siyang tumingin sakin. "Kayong Reapers, bukod sa pagiging magkakaibigan.. yun lang ba ang relasyon niyong lahat o meron pang mas hihigit pa?"- seryoso niyang sabi. Bahagya naman akong natigilan, tila bumibigat ang presensya niya. "H- huh? Pagkakaibigan lang ang meron kami! Nothing less or more."- saad ko sabay iwas ko sa kanya ng tingin. Ngayon ko na napatunayan, nakakatakot nga siya. Biglang dumilim ang mukha niya na tila.... galit siya. "Pero wala ka namang nagugustuhan sa mga kaibigan mo?"- saad niya. Sinulyapan ko naman siya sandali. Ganun pa rin ang itsura niya, nakakatakot. Bumuntonghininga naman ako bago nagsalita. "Wala, nakakairita sila Ashlie at Ylana. Si Ice naman nakakatakot kaya naman wala akong gusto sa kahit sino sa kanila at hinding-hindi ako magkakagusto sa kanila. Oo magaganda sila, kahanga-hanga tulad na lang ni Ice pero wala. Sa tagal na naming magkakasama, wala akong naramdaman na higit pa. Hanggang kaibigan lang ang tingin ko sa kanila."- saad ko habang hindi nakatingin kay Alex. Kung nandito lang sila Ashlie at Ylana at narinig nila yung sinabi ko? Malamang nabatukan at nabugbog na ko. Kung ano-ano pang salita ang sasabihin ng mga yun sakin panigurado. "G- ganun ba."- saad niya. Tinignan ko naman siya, tila nawala ang galit niya. Ang weird niya.. "Bakit mo nga pala naitanong?"- saad ko. Tila umiwas naman siya. "Gusto mong kumain? Libre ko naman ngayon!"- saad niya sabay tingin sakin. Bahagya naman akong napataas ng kilay sapagkat nawi-weirduhan talaga ako sa kanya. Ngunit kahit na ganun, sinamantala ko na ang pagkakataon para magtagumpay ako sa pakay ko. "Sige, kahit inumin lang ilibre mo. Ako na sa pagkain."- saad ko. Tumawa naman siya ng bahagya. "Stupid, pati pagkain ililibre kita. Hindi porket inumin lang ang inilibre mo sakin nung Valentines ay inumin lang din ang libre ko sayo ngayon. Diyan mo lang yang pera mo, ibinigay na sakin ng Hari yung pera kong matagal naipon sa kanya kaya hayaan mo ko."- saad ni Alex. Tinignan ko naman siya at pagkatapos ay napangiti na lang ako. "Sige."- saad ko. Mukhang magtatagumpay ako sa pakay ko sa kanya. xxxxxxx Devin P.O.V ".................."- Ako. "......................"- Ice. Nandito kami ngayon sa hallway, nagkasalubong kami nitong taong isa sa mga dahilan kung bakit gulong-gulo ako ng sobra ngayon. "Tss.. dadaan lang."- saad niya sabay lakad palagpas sakin. Hinawakan ko naman siya sa braso upang pigilan. "Sandali."- saad ko sabay hila ko sa kanya pabalik sa harapan ko. "Sabihin mo, may alam ka na ba sa mga nangyayari?"- tanong ko sa kanya. Ngumisi naman siya. "Gulong-gulo ka na ba kaya ka nagtatanong ngayon?"- nakangisi niyang saad sabay iling. "Kahit may alam na ko hindi ko sasabihin yun sayo, kung gusto mo magtanong ka sa Wolves o Red Skull na sa tingin ko ay may alam sa mga nangyayari o hindi naman kaya... wag ka nang magpa-uto sa Headmaster. Mag-imbestiga ka, imbestigahan mo siya nang malaman mo na ang sagot diyan sa mga katanungan sa isip mo."- saad niya. Hindi naman ako nagsalita. Nanatili lamang akong nakatingin sa kanya habang hawak siya sa braso. Nakakairita, may pumapasok na naman sa utak ko na panibagong iisipin. "Pwedeng pakibitawan siya?"- saad ng isang boses ng lalaki mula sa likuran ko. Pagtingin ko..... "Vince."- saad ni Ice. Pumagitna naman siya samin ni Ice at pagkatapos ay tinanggal niya ang pagkakahawak ko kay Ice. "Balak mo na naman ba siyang saktan.. King?"- walang emosyong saad ni Vince sabay tingin sakin. Napakunot naman ako ng noo. Whats with him? "Tinatanong ko lang siya."- kunot noo kong sabi. "Tinatanong.."- saad niya sabay tawa nang bahagya. "Tungkol ba sa kahapon? Well King, may clue ako sayo na daragdag sa mga iniisip mo."- saad ni Vince sabay ngisi. "The originals are just around, planning to bring end to the true enemy."- saad ni Vince. Mas lalo naman akong napakunot ng noo. "Think about it, think of all the things King."- saad ni Vince sabay ngisi at hila niya kay Ice paalis. Napakuyom naman ako ng kamao ko. Dammit! Anong ibig sabihin nun? Totoong may alam ang Wolves? Totoong may misteryo rito? Totoong may mali? Ano ba talaga! Napupuno na ko... Ayokong NAG-IISIP! xxxxxxx Ice P.O.V "Tsk! What are you doing? Bakit mo ko inilayo sa kanya eh siya yung kanina ko pa hinahanap kasi babantayan ko siya! Titignan ko kung anong nangyayari sa kanya, kung anong ginagawa niya o kung anong gagawin niya dahil sa nangyari! Panira ka!"- banas kong sabi kay Vince. Nanlaki naman yung mga mata niya. "H- hindi ko alam.. pasensya na!"- emote niya. Sinamaan ko naman siya ng tingin. "Tss.. ngayon hahanapin ko na naman siya! Napakalaki ng DIA alam mo ba!"- banas ko pa ring sabi. Napakamot naman siya ng ulo. "Di ko naman kasi alam eh, akala ko sasaktan ka niya ulit kaya umeksena ako."- saad ni Vince. Nag-crossarms naman ako. "Psh! Pero alam mo, nakatulong ka rin naman kasi ginulo mo lalo isip niya, pero alam mo ulit? Di lang siya yung gumulo yung isip dahil pati ako! Sa tingin ko tama hinala ko, may misteryo rito at ikaw maging si Ate Rei.. may alam kayo."- saad ko. Natahimik naman siya kaya pinanliitan ko siya ng mata. "Tama ba hinala ko?"- saad ko. Tinitigan naman niya ko sandali at pagkatapos ay bumuntonghininga siya at nagsalita. "Oo, may misteryo nga rito. May mali rito sa DIA pero di ko sasabihin sayo kung ano yun. Hindi ko sasabihin sayo kung anong nalalaman ko at paniguradong maging si Reigen wala ring balak magsabi sayo ng kung ano tungkol dito sa DIA. Alam mo kung bakit? Kasi may tamang oras, araw at pagkakataon."- saad ni Vince sabay akbay sakin. "Tara! cafeteria tayo, libre ko."- saad niya. Napairap naman ako. Nag-change topic. "Libre? Ikaw? Tch. Wag na! Libre mo na lang sarili mo tapos ako hahanapin ko ulit yung pakay kong tao na nawala ko dahil sayo!"- sarkastiko kong sabi sabay tanggal ko sa pagkakaakbay niya sakin. "See ya."- saad ko sabay lakad ko ng mabilis paalis. Pumunta kami rito ng mga kaibigan ko para hanapin si Ate Rei, yun ang misyon namin sa pagpunta rito sa DIA. Ngayong nahanap na namin si Ate Rei, ang misyon naman namin ay makatakas pero dahil sa mga nangyayari na kataka-taka tila nagkakaroon ako ng isa pang bagong misyon. Yung ay ang..... Alamin ang misteryo ng DIA.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD