Ashlie P.O.V
"Ano ba! Hindi mo ba sasabihin samin kung sinong gumamot sa kapatid ko!?"- pagtataas ng boses ni Ate Rei sa Nurse.
Umiling naman ang Nurse, ibig-sabihin, hindi niya talaga sasabihin. Napakuyom naman ng kamao si Ate Rei, tila gustong-gusto na niyang saktan yung Nurse.
Nakabalik na kami ngayon sa clinic mula leisure room, humingi samin ng tawad ang tatlo sa Cards na sina Alex, Brent at Bryan pero kahit humingi sila ng tawad, hindi pa rin yun sapat para mawala ang galit namin sa pinuno nila. Sinabi nilang hindi si Devin ang gumawa non, si Devin lamang daw ang dumukot kay Ice pero hindi raw nito sinaktan si Ice.
Pero kahit na ganun, ulit. May kasalanan pa rin ang Pinuno nila. May parte pa rin ito sa nangyari.
Bigla namang tumayo si Ylana mula sa kinauupuan niya at nilapitan yung Nurse at pagkatapos, sa isang iglap lang ay sobrang pula na nang magkabilang pisngi ng Nurse.
"Peste! wala kaming gagawing masama sa gumamot kay Ice! Magpapasalamat kami sa kanya kung sino man siya!"- pagtataas ng boses ni Ylana sa Nurse.
Pero nanatiling walang imik ang Nurse, hindi talaga siya magsasalita.
"Mukhang alam ko kung sino."- saad ni Kris. Napatingin naman kami sa kanya.
"Sa tingin ko si Devin, ginawa niya ang panggagamot nung ipinatawag tayo ng tatlo niyang kasamahan para humingi satin ng tawad dahil sa ginawa ng pinuno nila. Sa tingin ko yung pagpapatawag satin ay planado, pinaalis tayo rito nang sa ganun ay magamot niya si Ice."- saad ni Kris.
Nagsalita naman si Vince. "At bakit naman niya gagamutin si Ice?"- saad ni Vince.
Nagkibitbalikat naman si Kris. "Ewan? siguro nakonsensya siya kasi diba isa siya sa may kasalanan sa nangyari kay Ice."- saad ni Kris. Natahimik naman si Vince na tila napaisip.
"May konsensya rin pala siya..."- saad ko.
Nagsalita naman si Ate Rei. "Tsk! Reapers, ngayon nakita niyo na! Totoong masama si Devin, masama silang Dark Cards! Kaya layuan niyo sila, wag kayong magiging mabait sa kanila dahil masasama sila!"- saad ni Ate Rei.
Napatingin naman ako sa kanya at pagkatapos ay nagkatinginan kami nila Grey at Ylana at sabay-sabay na napangisi.
Napag-usapan na namin 'to kanina habang naglalakad pabalik dito, nakapagdesisyon na kami.
"We already know that."- saad ko.
"Nakapagdesisyon na kami, pangalawang beses na nila 'tong ginawa sa pinuno namin. Hindi na nakakatuwa."- saad ni Grey.
"Lumabas na ang mga demonyo kung lalabas, magpapademonyohan kaming lahat dito."- galit na saad ni Ylana.
"Mukhang masaya 'to."- saad ni Kris sabay ngisi.
Bigla namang nag-bell kaya nagkatinginan kaming lahat.
"Sinong maiiwan dito?"- saad ko.
Nagtaas naman ng kamay si Vince. "Ako na, babantayan ko siya."- saad ni Vince.
Hinawi naman siya ni Ate Rei. "Ako magbabantay sa kapatid ko."- saad ni Ate Rei.
"Susunduin na lang kita rito mamaya."- saad ni Luis kay Ate Rei.
Tumango naman si Ate Rei kaya't hinalikan na siya ni Luis sa pisngi at pagkatapos ay umalis na ang Red Skull.
"Sige na Reapers, Wolves. Tatawagin ko na lang kayo kapag nagising na siya."- saad ni Ate Rei sabay upo niya sa upuan sa gilid nang hinihigaang kama ni Ice.
Tumango naman kami. "Sige."- saad namin at pagkatapos ay umalis na kami kasama ang Wolves.
Bago tuluyang makalabas, tinignan ko muna si Ice.
Oras na magising ka, kukumbinsihin kita. Kukumbinsihin kitang tumigil na sa pagiging mabait dahil naaabuso ka na. Sa ganitong klase ng lugar, walang lugar dito ang kabaitan. Kademonyohan lang.
"Kris, mauna na kayo sa room. May pupuntahan lang ako."- saad ni Vince.
Kumunot naman ang noo ni Kris. "Saan?"- tanong ni Kris.
"Don't ask."- saad ni Vince sabay alis.
Bumuntonghininga naman si Kris sabay nagsalita. "Nahihiwagaan na ko ng todo, sa susunod susundan ko na siya."- saad ni Kris.
Nagtaka naman ako. "Anong ibig mong sabihin?"- tanong ko.
Bumuntonghininga naman ulit si Kris.
"Madalas siyang umaalis, ewan namin kung saan siya pumupunta rito sa DIA. Tapos tuwing umaalis siya, may nangyayaring kung ano kinabukasan tulad na lang nang nangyari kanina. Umalis siya kagabi, tapos tignan mo kinaumagahan meron ng sulat yung dingding. Kung baliw lang ako iisipin kong siya yung gumawa non pero hindi... hindi siya yun dahil unang-una, bakit niya gagawin yun? Walang dahilan."- saad ni Kris.
Napaisip naman ako. "Pero kataka-taka pa rin yun, subukan niyo pa rin siyang imbestigahan."- saad ko.
Ngumiti naman si Kris sabay tumango. "Susundan ko na siya sa susunod."- saad ni Kris.
Yieee si Crush!
"Paano? dito na kami. Kita na lang tayo sa clinic mamaya."- saad ko nang maghihiwa-hiwalay na kami ng daan.
Ngumiti naman ulit si Kris. "Sige."- saad niya.
Pagkatapos nun, naghiwa-hiwalay na nga kami.
"Pano ba yan, seryosohan na ba?"- nakangisi kong saad kila Grey at Ylana.
"Oo."- sagot nila.
xxxxxxx
Devin P.O.V
"Anong ginagawa mo rito."- saad ni Reigen pagkapasok ko sa clinic.
Panandalian naman akong natahimik at pagkatapos ay naglakad ako patungo sa paanan ni Ice.
"Titignan ko lang kung ano nang kalagayan ng pasyente ko."- saad ko.
Natawa naman si Reigen. "So ikaw nga ang gumamot sa kapatid ko, pagkatapos mo siyang ipahamak gagamutin mo?"- saad ni Reigen.
Tinignan ko naman ang wala pa ring malay na si Ice. "Sumunod lang ako sa utos, isa pa, hindi ko alam na itotorture pala siya."- saad ko.
"Tsk! Sumunod sa utos? Sinasabi mo bang ang Headmaster ang gumawa nito sa kapatid ko? Wala kang ibang sinusunod bukod sa kanya kaya malamang ang Headmaster nga! Bakit? Anong problema niya sa kapatid ko? Anong ginawa ng kapatid ko sa kanya? Walang kalaban-laban si Ice dahil nilalagnat siya!"- may pagtaas sa boses na saad ni Reigen.
Tinignan ko naman siya.
Galit.... yun ang nakikita ko sa mukha niya.
"Wala."- saad ko. "Walang ginawang mali ang kapatid mo, sadyang pinaghihinalaan lang talaga ng Headmaster na si Ice ay ang nawawala niyang pamangkin, ang nawawalang Reyna. Tinorture niya si Ice para mapaamin pero wala siyang napala."- saad ko pa.
Gulat naman na tumingin sakin si Reigen at pagkatapos ay agad siyang umiwas.
"S- si Ice? Ang r- reyna? Nakakatawa! t- tsaka.. wala talagang mapapala ang Headmaster dahil walang aaminin sa kanya si Ice!"- saad ni Reigen sabay kuyom niya sa kamao niya.
"Wala...."- saad pa niya. "Pero Devin."- saad ni Reigen sabay tingin sakin ulit.
"Habangbuhay ka na lang ba susunod sa Headmaster? Habangbuhay ka na lang ba niyang magiging alipin? Ang tingin sayo ng lahat malakas ka dahil walang makatalo sayo kahit isa pero ang totoo mahina ka. Sunodsunuran ka lang."- saad sakin ni Reigen.
Hindi naman ako nagsalita.
Tama siya... mahina ako. Dahil ang taong nagpapaalipin sa isang demonyo ay isang mahinang tao.
"Nakita mo na ang kapatid ko, umalis ka na."- saad ni Reigen sabay hawak niya sa kamay ng kanyang kapatid.
Bumuntonghininga naman ako.
"Kapag nagising siya, sana tawagin niyo ko."- saad ko.
Ngumisi naman si Reigen. "Nagpapatawa ka? Hindi na. Kapag nagising siya si Xandro na ang bahala sa kanya."- saad ni Reigen.
Hindi na talaga niya ko mapapatawad, at ngayon mas lalo pa siyang nagalit sakin dahil sa nangyari sa kanyang kapatid.
"G- ganun ba, s- sige."- saad ko at pagkatapos ay lumabas na ko ng clinic.
Pero bago ako lumabas, may sinabi pa sakin si Reigen na ikinagulat at ikinaisip ko.
"Pero kung iisipin mo, bakit kailangang i-torture ng Headmaster si Ice na pinaghihinalaan niyang ang Reyna kahit na sa tingin nating lahat ay hindi naman niya kailangan na umabot sa ganon upang mahanap lamang ang pamangkin niya?"- saad ni Reigen.
Hindi naman ako nakapagsalita dahil sa gulat ngunit paglabas ko ng clinic ay bigla na lamang akong napaisip.
T- tama siya.... bakit tinorture ng Headmaster si Ice nang dahil lamang sa pinaghihinalaan niyang ito si Darkiela? Anong ibig sabihin nang ginawa na yun ng Headmaster?
xxxxxx
Headmaster's P.O.V
"Rogiano..."- saad ko habang nakatitig sa mga impormasyon na lumabas sa laptop ko tungkol sa pamilyang Rogiano.
Mali nga ko sa hinala ko, hindi si Ice Rogiano ang pamangkin ko pero kung hindi siya.... sino?
"Kayong dalawang mag-asawa, saan niyo ba itinatago ang anak niyo! Nasaan si Darkiela!!"- sigaw ko sabay bato ko sa mga papeles na nasa desk ko.
"Whoa! Chill!"- saad ng isang boses. Pagtingin ko....
"Anong ginagawa mo rito?"- saad ko sa lapastangang pumasok sa opisina ko nang hindi kumakatok. Ngumisi naman ito.
"Yung nangyari kay Ice Rogiano, isang napakatinding dahilan yun.. dahilan para mag-aklas sayo ang tatlo sa mga grupo, isa na ang grupo ko. Isama mo pa, kapag nagising sa katotoohanan ang pinuno ng ipinagmamalaki mong grupo kaya ingatan mo si Devin, wag mong hayaan na magising siya sa katotohanan."- saad ni Vince, ang pinuno ng Wolves.
Sumandal naman ako sa upuan ko.
"Ganun ba, edi salamat sa payo. Alam mo Vince, simula ng dumating ka rito sa DIA salungat ka na talaga sakin. Wala akong natatandaan na kumampi o sumang-ayon ka sakin, ang malala pa sa ginagawa mo ay nagpaparami ka. Nahawaan mo na ang Red Skull tapos ngayon naman pati ba naman ang Reapers? Isa kang malaking tinik sa bituka ko, sinasabi ko sayo... mawawala ka rin."- saad ko. Tumawa naman siya.
"Hindi ako natatakot, hihintayin ko yang sinasabi mo."- saad ni Vince sabay talikod. "Pero sinasabi ko rin, oras na mawala ako... wala ka na rin."- saad ni Vince sabay labas niya rito sa opisina ko.
Hindi ko naman napigilan ang sarili ko at nahagis ko ang kutsilyong nasa desk ko na tumusok sa pintuan.
"May araw ka rin!"- galit na galit kong saad.
xxxxxxx
Ice P.O.V
"A- ate..."- saad ko nang makita ko si Ate Rei na nasa tabi ko nang magising ako.
Agad naman siyang napatingin sakin at halos lumuwa ang mga mata niya nang makitang may malay na ko.
"Diyos ko! Totoo ba 'to? May malay ka na agad?"- di niya makapaniwalang sabi. "N- nurse! Tawagin mo lahat ng Red Skull, Wolves at Reapers! Bilisan mo!"- sigaw ni Ate Rei.
Nataranta naman yung Nurse at agad na lumabas ng clinic upang sundin si Ate Rei. Gumalaw naman ako ng kaunti sapagkat nangangawit ako, ang sakit din ng katawan ko.
"Kamusta pakiramdam mo?"- alalang tanong sakin ni Ate Rei.
Ngumiti naman ako nang bahagya.
"Feeling ko nakabitin pa rin ako at inilulubog sa isang malaking drum na puno ng dugo."- saad ko sabay tawa ng bahagya.
"Nasabi ko yun, bigla ko tuloy naalala. May nainom ako na dugo mula dun sa drum, kadiri!"- natatawa kong sabi.
Bigla naman akong hinampas ni Ate Rei ngunit mahina lamang.
"Pasaway ka! pinag-alala mo kaming lahat. Akala namin mamamatay ka na kasi hindi naman ipinapagamit sa mga estudyante ang mga gamit dito sa clinic maliban sa oxygen tank at higaan. Mabuti na lang at nakonsensya si Devin sa ginawa niyang pagdukot sayo at ginamot ka niya, silang Dark Cards lang kasi ang may karapatang gamitin ang ibang gamit dito at wala ng iba pa."- saad ni Ate Rei.
Si Devin....
"Gising ako, gising ako nung dinukot niya ko pero hindi ako nanlaban. Hindi dahil sa nanghihina ako dahil sa sakit ko, sinadya kong magpatangay para matapos na. Alam kong pinaghihinalaan nila ako na ako ang nawawalang Reyna, tinapos ko na ang paghihinala nila yun nga lang muntikan na kong mamatay."- saad ko sabay ngiti ko nang bahagya.
"Ang Headmaster, hindi ko alam na may codename rin pala siya. Silver Mask ah, nakakatawa!"- saad ko.
Bigla naman akong nakarinig ng kalabog mula sa pinto, Pagtingin ko.....
"Ano ba! Ako ang mauuna!"- sigaw ni Ashlie.
"Anong ikaw? Tayong Reapers! Ano ba Wolves!"- sigaw ni Ylana.
Nag-uunahan makapasok dito sa loob ang tatlo kong kaibigan pati ang Red Skull at Wolves. Mukha silang mga tanga na nagsisiksikan sa pintuan.
"Nahiya naman yung pintuan sa inyo, magulat kayo mag-adjust yan."- saad ni Ate Rei.
Nakapasok naman na ang mga kaibigan ko at pagkatapos agad nila kong nilapitan at sunod-sunod na tinanong.
"Ayos ka lang ba?"
"Anong masakit sayo?"
"Nagugutom ka ba?"
"Nalalagkitan ka na ba?"
"Kaya mo na bang maligo? Ang baho mo eh."
"Gusto mo bang bilhan kita ng pagkain?"
"Kaya mong umupo?"
"Tumayo?"
"Reresbak ba tayo sa Cards?"
"Ano nang gagawin natin?"
Natawa naman ako sa kanila. "Nakalimutan ko yung mga tanong niyo, kaya wala akong sasagutin."- saad ko.
"Kasi dapat isa-isa lang!"- saad ni Ashlie habang nakatingin kay Ylana.
"Aba! Bakit sakin ka nakatingin?"- saad ni Ylana.
"Wala lang, 'eto kasing si Grey eh!"- saad ni Ashlie.
"Ano?"- saad ni Grey.
"Wala lang ulit."- saad ni Ashlie.
Nagsalita naman si Ate Rei. "Huwag kayong magulo."- saad ni Ate Rei.
Humingi naman sila ng tawad. "Sorry po."- saad nila.
"Ice!"- rinig kong saad ni Vince.
Pagtingin ko... "Oh? Bakit hindi ka nila kasabay? tsaka bakit hinihingal ka?"- tanong ko.
Ngumiti naman siya at pagkatapos ay pumasok siya ng tuluyan dito sa clinic.
"Wala, may nakausap lang ako kanina tapos pinag-isip ako 'non nang mabuti. Nagulat ako ng pagpunta ko sa room sinabi sakin na tinawag daw ang Wolves kasi gising ka na, napatakbo tuloy ako bigla papunta rito."- saad ni Vince.
Napangiti naman ako nang bahagya.
"Salamat, salamat sa pag-aalala niyong lahat."- saad ko. Ngumiti naman sila.
"Wala yun!"- saad ni Vince sabay punta sa paanan ko. "Pero ayos ka na ba talaga? Nakakagulat na gising ka na agad."- saad ni Vince.
Tinignan naman nila kong lahat, tila inaabangan nila yung sasabihin ko.
"Ayos na ko, nakakagulat din na gising na ko. Sa totoo lang akala ko mamamatay na ko nung tinotorture ako pero sadya talaga sigurong hindi ako madaling mamatay, pangalawang beses na 'to pero sa pangalawang beses na 'to ay buhay pa rin ako."- saad ko.
Nagsalita naman si Ylana. "Speaking of pangalawang beses, anong gagawin mo? Tulad nang sabi mo pangalawang beses na."- saad ni Ylana.
Tinignan ko naman siya at pagkatapos, tila napaisip ako.
Anong gagawin ko?
Bumuntonghininga naman ako bago nagsalita. "Anong gagawin ko? simple lang, itataas ko na ang guard ko."- saad ko.
Tila nakahinga naman sila ng maluwag.
"Salamat naman."- saad ni Ylana.
Nagsalita naman si Ashlie. "Oras na makayanan mo nang pumasok, rarampa ang bagong Reapers. Mas pinalakas, mas pinabangis! Nae-excite ako sh*t!"- saad ni Ashlie.
"Oy! Support kami diyan."- nakangiting saad ni Ate Rei.
Hindi naman ako nagsalita at ngumiti na lang.
May plano ako. At ang plano ko, gagawin ko oras na makayanan ko nang tumayo.
"Pero Ice, ayos kanl na ba talaga?"- rinig kong saad sakin ni Grey.
Tinignan ko naman siya. "Oo."- sagot ko.
"Siguraduhin mo lang yan Ice."- saad ni Ylana.
"Anyway, Sa dorm ka na lang magpahinga Ice, wag ka na rito."- saad ni Grey sabay ngiti.
Tumango naman ako. "Sige."- saad ko.
Tumayo naman si Ate Rei. "Oh Vince? Buhatin mo na yung kapatid ko."- saad ni Ate Rei.
"Tch! Buti na lang talaga strong ako. Ang bigat kaya ni Ice."- saad ni Vince.
Natawa naman si Ashlie. "Sa payat niyang yan?"- saad ni Ashlie.
Tinignan ko naman ng masama si Ashlie. "Gusto mong daganan kita?"- saad ko.
"No thanks."- sagot niya agad.
Nagtawanan naman silang mga nandito.
"Ang mabuti pa, tara na. Vince buhatin mo na yung kapatid ko."- saad ni Ate Rei.
Tumango naman si Vince at pagkatapos, dinala na nila ko sa dorm namin nila Ashlie, Grey at Ylana. Pagdating dun, agad akong naligo upang linisin ang sarili ko. Pagkatapos nun, hindi pa muna umalis ang Wolves at Red Skull. Ginulo muna nila yung dorm namin bago sila umalis.
Napangiti naman ako.
Kila Ashlie, Grey at Ylana pa lamang gulong-gulo na ko, ngayon pa kaya na may mga dumagdag? Sobrang gulo na 'to!
Nang wala na ang Red Skull at ang Wolves, nagsalita si Grey.
"Ice, magpapaalam sana ako. May gusto akong gawin."- saad ni Grey.
Napakunot naman ako ng noo. "Ano yun?"- saad ko.
Bumuntonghininga naman siya.
"Napagalaman kong umaalis ang Headmaster sa opisina niya tuwing Miyerkules ng gabi, gusto kong pasukin yung opisina niya at kopyahin lahat ng files sa computer niya. Gusto ko rin sanang kumunekta sa internet at signal kahit panandalian lang, may nais lang akong gawin."- saad ni Grey.
Napatitig naman ako sa kanya.
Para saan naman at gagawin niya yun?
"Sige, pero mag-iingat ka."- pagpayag ko.
Ngumiti naman siya.
Sa tingin ko may malaking maitutulong yun.
"Salamat."- saad niya.
"Ice, magpahinga ka na. Para naman mabawi mo na yung lakas mo."- saad ni Ashlie sabay tabi niya sakin.
Tumango naman ako.
"Sige."- saad ko.
xxxxxx
Reigen P.O.V
"Rei, may sasabihin ako sayo."- saad sakin ni Vince.
Tinignan ko naman siya, seryosong-seryoso siya.
"Babe, mauna na kayo sa dorm. May pag-uusapan lang kami ni Vince."- saad ko kay Luis.
Agad naman siyang tumango.
"Sige, bilisan niyo lang dahil gabi na. Baka makita kayo ni Devin at maparusahan, alam niyong bawal lumabas tuwing gabi."- saad ni Luis.
Tumango naman ako. "Oo."- saad ko.
Pagkatapos non, umalis na ang Red Skull. Ang Wolves naman ay pinaalis na rin ni Vince. Nang dalawa na lang kami ni Vince, agad siyang nagsalita.
"Nagtungo ako kanina sa opisina ng Headmaster, at alam mo bang narinig ko siyang sinambit ang Rogiano? Sa tingin ko tumingin siya ng impormasyon tungkol sa mga Rogiano, mabuti na lang naunahan ko siya."- saad ni Vince.
Bumuntonghininga naman ako.
"Buti na lang naisipan mong sabihan sila Mommy kaugnay sa impormasyon tungkol sa Rogiano, malaking tulong din na umaalis ang Headmaster sa opisina niya tuwing Miyerkules ng gabi."- mahina kong sabi.
"Sinabi mo pa."- saad ni Vince.
Tinignan ko naman siyang mabuti. "Sasabihin mo ba 'to kila pinuno?"- mahina kong sabi.
Tumango naman siya. "Oo."- sagot ni Vince.
Ngumisi naman ako. "Kung ganun naman pala, mag-aabang ako sa mangyayari bukas. Ano naman kaya? Sana lang, wag ulit mapahamak si Ice."- saad ko.
"Wag kang mag-alala, nakasisiguro akong hindi sila gagawa nang makakapanakit ulit kay Ice."- saad ni Vince.
Nagcrossarms naman ako. "Well, tignan natin."- saad ko.