Dollar's POV "Dollar?" tawag sa akin ni Moi na may tunog pag-aalala. "Hmm?" Hindi ko siya nilingon at nag-pokus sa ginagawa ko. "Dollar, uy?" "Baket ba kase?" Tiningala ko si Moi na nasa harap ko, nakaupo sa pasimano ng terrace, nakapatong ang isang siko sa tuhod, nagkakape. Sa tanghaling tapat. "Maawa ka na naman sa kuko mo, pudpod na ang cuticle o. Bakit ayaw mong dalhin sa salon?" Inunat ko ang mga binti ko at tinikwas ko ang mga kamay ko para makita lahat ng kuko ko. Hindi ko inintindi ang sinab niya, "Hmm... parang kulang pa sa pula." "Tss! Kuko lang ang nilalagyan ng merthiolate! Hindi buong daliri! Tingnan mo nga yang mga kuko mo, mukhang mini longganisa!" Hindi maintindihan ang mukha ni Moi habang tinitingnan ang mga daliri ko. "Grabe ka naman, hindi naman hugis longganisa

