Dollar's POV Pumasok ako sa garahe ng mga Flaviejo... at gusto kong manliit dahil sa kahihiyan... Haay... Mas mukha kasing showroom ang garahe kesa sa 'normal na garahe'. Glass ang mga walls at marmol ang sahig. And the fleet of cars made a really awesome sight! May Porsche, Ferrari, Bugatti, Lamborghini at Aston Martin. At may Harley at Hayabusa na motor din sa kaliwa ko. At syempre, iba pa ang sasakyan nila Lolo at Shamari kesa kay Rion. Tss! Kaya pala ambilis niyang magpalit ng sasakyan. Kahit siguro ibenta ko ang kaluluwa at internal organs ko, hindi ko pa din ma-a-afford ang shipment ng isa sa mga to. Pakiramdam ko tuloy , para 'kong nagingitim na bubble gum sa gitna ng mga sasakyang 'to at literal na nanliit ako sa gitna nila. Mas ngayon ko napatunayan na totoong mayaman sila. At

