Dollar's POV Katulad ng balak ko, umaga pa lang ng twenty six ay na kina Lolo na ako. Hindi para mamasko kundi para hanapin si Rion. But that man's nowhere to be found... Hanggang umabot na lang ang gabi pero di pa din sya nagpapakita. Naiinis ako pero mas lamang ang lungkot at pag-aalala. Nasaan na ba kasi siya? Nagswi-swing ako sa gilid ng mansion na nasa tapat ng kwarto ni Rion at nakikipagkomperensya sa mga lamok. Bakit ba kasi ayaw niyang maniwala sa'kin na okay lang sa'kin lahat-lahat tungkol sa kanya? Tumunog ang cellphone ko mayamaya. Pero wala kong balak sagutin. Tiningnan ko kung sino ang caller. Asus! Si Vaughn lang naman pala. Sinuksok ko ulit sa bulsa ko at nilakasan pa ang pag-ugoy sa duyan. Yung tipong parang titilapon na 'ko. Pero ako din ang nahilo kaya tinigilan ko n

