Dollar's POV "Nasaan si Moi?!" lingon ko kay Zilv na tahimik na sumisimsim ng alak sa sulok ng balcony. Nagkibit-balikat lang siya. "Kainis naman siya. Ngayon lang tayo hindi kumpleto sa Pasko. Bakit ba kasi umupa pa siya ng apartment samantalang ang laki-laki ng bahay nila? Kasing bulok na ng pickup ni Uncle ang inupahan niyang kwarto ah. Ano bang meron doon?" Walang sagot si tatay Zilv. Mukhang malalim ang iniisip. Kelan ko lang nalaman na hindi umuuwi si Moi sa bahay nila. At nang sundan ko siya noong isang araw mula sa Al's Billiards, napag-alaman ko lang naman na umuupa siya sa bayan sa lugar sa tapat ng Community Park. Anim na pintong paupahan iyon, at mukhang survivor na ng ilang bagyo ang bahay. Hindi naman totoong bulok na ang building pero sa katulad ni Moi... nakapagtatak

