Dollar's POV Nakita ko si Moi sa harap ng Al's, nakasandal sa Harley niya at naninigarilyo. ( ?_ ?) Hindi siya chain smoker at alam kong sinubukan nilang dalawa ni Zilv na manigarilyo bilang bahagi lang ng curiosity ng mga kabataan. Pero kapag ganito ang pagkakakunot noo niya at ganito ang paghithit niya ng sigarilyo malamang higit pa 'to sa babae... Pero dahil masaya 'ko ngayon at walang paglagyan ang kaligayahan ko, si Moi ang naisip kong puntahan ngayong hapon. Biyernes ngayon at wala ng pasok pagkatapos ng Halloween Festival... And thinking about the last Halloween Festival... I can't help but giggle. Haay, masaya naman palang um-attend ng mga school activities! "Psst! Moi!" Tumingin siya sa 'kin at tinapakan ang sigarilyo niya. "Bakit pagala-gala ka? Dapat natutulog ka sa tangha

