Dollar's POV "Uncle..." Tumingin sa 'kin si Uncle habang patuloy siya sa pagmi-mix ng mga drinks sa counter. Nag-aatubili talaga akong itanong sa kanya ang tungkol sa basement. Pero gusto ko talagang malaman. Kahit naman kasi masaya ako nitong mga nakaraang araw ay hindi ko pa din makalimutan iyong... okay, I admit... that was one great kiss! Kahit pa nga first time ko lang iyon at wala akong mapapagkomparahan. Pero... Nakakagalit kasi ang lalakeng 'yon kung sino man siya! Kung makahalik sa 'kin 'kala mo minarkahan na niya 'ko. Parang branded na 'ko sa kanya. Because of that... that... unforgettable kiss! Ugh! "Ano iyon, hija?" "Ahm... anong meron sa basement, Uncle?" balewala kong tanong at binuklat-buklat pa ang magazine para hindi niya mahalata na uneasy ako. "Dating garahe iyo

