Dollar's POV Wow! Ang ganda-ganda! Grabe! Tumayo ako nang itigil ni Lolo ang kariton malapit sa b****a ng napakagandang mansyon. Kanina pa' ko manghang-mangha sa nakikita ko nang pumasok pa lang kami sa gitna ng niyugan isang oras na ang nakakalipas. At pagkatapos naman ng journey namin sa ekta-ektaryang coconut farm ay rancho naman ang dinaanan namin na ang hangganan ay sa gubat sa paanan ng bundok. At ang kabilang dulo naman ng rancho ay ang mansyon nga na nakatayo sa mataas na bahagi ng lupa at tumatanaw sa dagat. This whole place is awesome! Ang pinaka-main attraction ay ang bahay na gawa sa bato, kahoy at glass. It's in immaculately white paint. Mas sariwa at malamig ang hangin. May iba't ibang breeds din ng stallion at may ilang mga trabahador din ang abala sa mga trabaho nila.

