Abby's POV “Message me when you get home, okay?” I replied instead. At ilang segundo lang ay tumunog muli ang phone ko. “I will. I love you.” Napangiti ako. Kinilig nang sobra. I so wanted to reply I love him to ngunit mas pinili kong wag na muna. I just “heart” his message. Nag-angat ako ng tingin kay Kuya Mond. “Kuya, may group activity nga pala kami sa condo ng classmate ko. I’ll just call Dad na ma-le-late tayo sa uwi.” Saad ko kay Kuya Mond. “Sige po, ma’am.” Magalang na tugon ni Kuya Mon. ‘Di ko pa tinawagan ang Daddy; balak kong tawagan kapag kasama ko na ang mga classmate ko para maniwala agad siya. “Pero daan na muna tayo sa Moonbucks. Bili tayo ng coffee.” Saad ko para na rin matagal-tagalan nang konti ang pagpunta namin ng CAD. Hintayin ko lang ang message ni Caleb

