Abby’s POV Muli’y hinintay ako ni Caleb sa labas ng classroom ko after my last subject. Pagkalabas ko ng classroom, tanaw ko kaagad siya. I stared at him. Nakatitig din siya sa 'kin. Ewan, ngunit gustong-gusto ko 'yung mga titig niya na para bang walang ibang tao sa paligid, na ako lang 'yung nakikita niya. At inaamin ko, sobra niyang na-boost yung confidence ko. Pakiramdam ko ang ganda ko, ganun. Lumapit ako. He smiled. Ngumiti ako pabalik. Tapos sabay na kaming naglakad dalawa. “Are you going straight home pagkahatid mo sa 'kin sa sasakyan?” Tanong ko habang naglalakad kami sa ground patungong labasan ng University. Tinatanong ko siya para matantiya ko kung ilang minuto ang hihintayin ko bago pupunta sa condominium building at kitain ang mga ka-groupmates ko. Baka kasi magkasalubon

