Abby’s POV Habang nakikinig sa discussion ng prof, tumunog ‘yung phone ko na nilagay ko sa ibabaw ng armchair. Nang tingnan ko ang screen ng phone, agad kong nabasa ang pangalan ni Caleb. Hindi talaga ugali ko na gumagamit ng phone habang nagdi-discuss ‘yung prof dahil ayokong may ma-miss ako sa discussion, ngunit ngayon, tila kay hirap panindigan ang nakaugalian ko. Ngayon, sa tuwing tumutunog ang phone ko, lagi akong excited kung sino 'yung nagte-text, kung 'yung nagcha-chat, kung sino 'yung tumatawag, at iisa lang ang laging laman ng isip: si Caleb. Excited ako lagi sa tuwing nakikita ko ang pangalan niya sa screen, sa notification. Yung tipong hindi ako mapakali kapag ‘di ko nababasa. Kinuha ko ang phone at pasimple kong binaba habang ang mga mata ko'y nasa Prof. Ingat na inga

