Abby’s POV Wala pa kaming inaamin sa totoong estado ng relasyon naming dalawa. Hanggang ngayon, ang alam nila ay nanliligaw pa rin si Caleb sa 'kin dahil. Pero malaki na rin ang ipinagbago ng sitwasyon namin kumpara noon. Ang importante, hindi na namin kailangan pang magtago. Kung dati ay ingat kami sa bawat kilos namin, ngayon ay wala na ‘yung pag-aalinlangan, wala na ‘yung kaba at takot na anumang oras ay puwedeng mahuli kaming dalawa. Kahit hindi pa namin lantaran na inaamin sa lahat, hindi na rin namin kailangang magkunwari; wala na ‘yung palihim na tinginan at nakaw na sandali. Lagi na niya akong binibisita sa bahay at hindi na lang sa condo niya umiikot ang mundo naming dalawa. Hindi na lang 'yung condo niya ang naging saksi sa pagmamahalan naming dalawa, buong mundo na.

