Abby’s POV “Bakit kasama mga Ninong, dad?” Nagtataka kong tanong. “Mag-brainstorming lang, Abby,” si Tito Miggy ang sumagot but knowing Tito Miggy kapag ito 'yung nagsalita mabibilang lang 'yung seryoso sa mga sinasabi niya. “Kausapin lang namin ng masinsinan,” saad naman ni tito Kyle. “Tara na, Boy,” saad ni Tito Kevin. Inakbayan niya si Caleb sabay hila nito patungo sa opisina ni Daddy. “Pero dad–” Sinubukan ko pang umawat. “It’s fine, Abby. No animals will harm,”muli'y banat ni Tito Miggy. “Of course, behave naman itong alaga namin,” saad ni Tito Kyle. Hinawakan nito ang tuktuk ng ulo ni Tito Miggy sabay gulo sa buhok nito. Kay bilis naman niyang nakaiwas ng tinangkang tanggalin ni Tito Miggy ang kamay ni Tito Kyle sa ulo niya habang si Tito Nathan nanatili lamang tahimik.

