Abby's POV Nagpatuloy na lamang ako sa paglalakad. Kay bigat ng dibdib ko nang dumalo ako sa meeting. Wala akong gana ngunit pinilit kong maging masigla. Naging professional pa rin ako at ‘di hinayaang maapektuhan ng nararamdaman ko ang pag-attend ko sa meeting. Umabot sa halos isang oras ang meeting bago natapos. “Meeting Adjourn.” Deklara ko nang matapos kami. Isa-isang nagpaalam ang mga kapwa kong officer hanggang sa ako na lang mag-isa. Nagpa-iwan ako dahil muli’y naging abala ako sa pag-contact kay Caleb, ngunit ganun pa rin, out of coverage pa rin ‘yung number niya. Naiinis na ‘ko. Naiiyak na ako sa inis na nararamdaman ko. Gustong-gusto kong ibato ‘yung phone, ngunit pinipigilan ko lang ang sarili ko lalo’t nasa loob pa ‘ko ng University. Ayokong makakuha ng atensyon ng ibang

