Abby’s POV Napatingnan ako sa hawak kong phone. Muli kong binasa ang mga mensaheng sinend ko kay Caleb. Hindi ko mapigilang kaawaan ang sarili ko. I was begging him not to hurt me. I felt so desperate. Kulang na lang, lumuhod ako at sabihin ko sa kanyang na huwag akong iwan. Wala sa sariling napaupo ako sa isa sa mga upuang nakahelera sa hallway. Pagod na, sinandal ko ang ulo ko sa wall sa likod ko. Naipikit ko ang mga mata. Kay daming tumatakbo sa utak ko. Gulong-gulog. May takot. May kaba. Mga isiping kaya akong lunurin. Una na doon ang mga dahilan kung bakit iniiwasan ako ni Caleb. Kung bakit bigla na lang naging ganito. Ang bigat. Sobrang bigat sa pakiramdam. Ayoko mang isipin ngunit ‘di ko maiwasang baka… na baka nangyayari na ‘yung kinatatakutan ko… Ang mambabae siya… Ba

