Abby’s POV Nang makita ko ‘yung questionnaire, napangiti ako dahil alam kong kayang-kaya ko itong sagutin at kapag magawa kong ipasa ito tiyak mapapatunayang kong hindi ako nanloko. Magawa kong isalba ‘yung pangalan ko. Dali-daling umupo ako sa silya sa tapat ng table na tinuro ni Doc Madriaga. Kumuha ako ng ballpen at muling binasa ‘yung questionnaire. Hindi ako nagsayang ng oras at agad kong sinimulang sagutan ‘yung questionnaire. Minsan napapahinto ako para mag-isip ng tamang term. Hindi ko sinadyang mapalingon sa gawi ni Doc Madriaga at nahuli ko siyang mariing nakatititg sa ‘kin. Kay bilis niyang nag-iwas ng tingin at yumuko sa ginagawa niya sa ibabaw ng kanyang desk. Ewan ngunit may napansin ako sa mga titig niya ngunit ‘di ko na inisip pa ito dahil nagmamadali akong matapos.

