Abby’s POV Inis na, sunod-sunod kong pinindot ang screen ng phone hanggang sa bumalik sa home screen ko. Kay bigat ng pagkakalapag ko ng phone pabalik sa kung saan ko ‘to kinuha at padabog na humiga. Tumagalid ako at inis na hinila ang comforter hanggang sa balikat ko. Napatingin ako sa kawalan. Nagpupuyos ang loob ko sa inis lalo na nang muling binalikan ng utak ko ang eksenang nakita sa video. Napapikit ako ng mga mata. “F*ck!” Hindi ko napigilan muli ang sarili kong magmura. Hindi ko alam kung bakit naiinis ako. Hindi ko alam kung bakit ganito ang reaksyon ko sa video. “Apakalandi!” “They deserve each other!” “‘Di na nahiya! Proud pa nga at pinost talaga like seriously?” Parang tangang kausap ko sa sarili. “I work decently here,” panggagaya ko sa sinabi niya. “If I know, g

