Abby’s POV Hindi ako makapagsalita. Nakatitig lamang ako sa mga mata niya na para bang sa mga mata niya makikita kung nagsasabi siya ng totoo o hindi, ngunit wala akong nakikitang mali… All I could see was how sincere he was… and how much he admired me… Ngunit narito pa rin ang takot sa puso ko… “What's on your mind? Tell me...I'm losing my mind now trying to figure out what's going inside your head.” “Natatakot ako. Ayokong isugal ang puso ko sa taong alam kung parausan lang ang tingin sa mga babae.” Nakita ko ang pagdaan ng sakit sa mga mata niya. Biglang nawala ‘yung sigla sa mga mata niya. “Paano ako makakasigurong hindi mo ‘ko sasaktan? Paano ako makakasigurong hindi mo gagawin sa ‘kin ang ginawa mo sa kanila? Ang hirap sumugal sa isang katulad mo, Caleb… Gusto kita pero natatak

