Abby’s POV Napatitig muna siya sa ‘kin saglit bago niya muling binuksan ang drawer at kinuha mula roon ang gamot. I looked at it as he slid it on the table patungo sa ‘kin. Agad kong kinuha ang gamot upang tingnan ‘yung label. Kinakabahan pa ‘ko noong una ngunit agad din akong nakahinga nang mabasa ko ang nakasulat: pain reliever lang nga ‘yung ininom niya. Matapos basahin, agad kong ibinalik kay Daddy ‘yung gamot. “Do you need something, Abby?” Ngumiti ako at umiling. “I ran out of fresh milk sa fridge ko sa itaas. Kukuha sana ako sa kitchen, then I noticed bukas pa ‘yung ilaw dito sa office mo, so I came to check kung nandito ka pa,” pagsisinungaling ko. “Ikaw? Why are you still awake, Dad? It's already late." I asked him. Napasandal siya sa sandalan ng kanyang swivel chair, sa

