Abby’s POV Sinamahan ko muna ang Mommy sa kwarto nila ni Daddy habang hindi pa umuuwi ang Daddy. Nag-aalala akong iwan si Mommy mag-isa lalo't alam kong mabigat ang dinadala niya ngayon. Dama ko ang pag-aalala niya para kay Shine at kay Daddy. Sa lahat alam kong si Mommy ang sobrang nahihirapan. Iba pa rin ang pag-aalala ng isang ina lalo't simula pagkabata namin siya 'yung nandyan lagi para subaybayan ang paglaki namin. Sinisuradong nabibigay niya lahat ng pag-aaruga at pag-aalaga. Pinupunan 'yung mga oras na wala ang daddy dahil minsan may mga business trip ito sa labas ng bansa. Sobrang hands on ni mommy sa 'min kahit meron kaming mga kasambahay. Hindi niya inaasa lahat sa mga ito lalo na ang pagbabantay sa 'min noong mga maliliit pa kami.Kaya sobrang naiintinidihan ko 'yung pag-aa

