Abby’s POV Lumipas ang mga araw ngunit ‘di pa rin ako sanay na wala si Shine. Araw-araw, dama ko ‘yung bigat. Dama ko pa rin ‘yung lungkot ng mga magulang ko. Gustuhin ko mang puntahan si Shine, ngunit mahigpit na pinagbabawal ni Daddy na puntahan siya. Nagbabakasakaling isang araw, mangungulila si Shine sa amin at uuwi nang kusa. Kakasimula ulit ng semester. Nasa loob na ako ng classroom. Nagbabasa ng libro habang hinihintay ang pagdating ng prof. Napaangat ako ng tingin sa pagpasok ng isang babaeng estudyante. Ngayon ko lang siya nakita. Marahil ay transferee. Maganda siya ngunit mukhang istrikta na mas lalong na-emphasize dahil sa suot nitong blouse na pinatungan ng blazer at itim na slacks, naka-high heels at eyeglasses. Sinundan ko siya ng tingin, ngunit ganun na lamang a

