Abby’s POV Sa kotse nga ni Caleb ako sumakay. Nakasunod naman si Kuya Mond sa likuran. Sobrang saya ko dahil 'di na pala namin kailangang magtagong dalawa. Unti-unti na nga kaming nagpapakita sa mga tao. Nakangiti ako habang hawak ni Caleb ang kamay ko. Napapatingin ako sa kanya sa tuwing dinadala niya sa labi niya ang kamay ko upang halikan. Nang dumating kami sa hospital at magkasunod na pumasok sa loob ng suite ng daddy ay doon ko lang napagtanto na wala ngang reaksyon ang daddy. Sobrang busy ko siguro nitong mga nagdaang araw kaya ‘di ko napansin na okay na ang daddy na magkasama kami ni Caleb. "Hi, Dad!" "Hi, sweetheart." Napansin ko kaagad na tinanggalan na ng mga nakakabit na apparatus ang daddy at ang tanging naiwan ay ang nakaturok na IV sa kaliwang kamay ni Daddy.

