Abby’s POV “As much as I want to keep kissing you, I need to stop before I completely forget that we're still at school. ” Bulong niya sa ‘kin. Oo nga pala muntikan ko na rin makalimutan na nasa SSG Office pa kami at baka may biglang pumasok at makita kaming naghahalikan. Baka kung anong sabihin pa sa ‘kin ng mga estudyante o mga personnel ng University. Hinila niya ‘ko at niyakap. Nang isandal ko ang sarili sa dibdib niya narinig ko ang malakas na pintig ng puso niya. Naramdaman ko rin ang sunod-sunod na pagpakawala niya ng malalim na paghinga na para bang may dinadalang bigat ‘yung puso niya ngunit naisip ko na lang na baka nakaramdam siya ng relief dahil okay na ulit kaming dalawa. At pinapangako ko sa sarili kong hindi na kailanman pagdudahan ‘yung pagmamahal niya sa ‘kin at pang

