Abby’s POV “I’ll go up now, dad.” Lihis ko sa usapan at umalis. Nagtagpo kami ni Mommy sa stairs. “Hello anak,” bati sa ‘kin ni mommy. “Hi, Mom,” saad ko. I stopped for a while and kissed her cheek. Saglit lang dahil baka mahalata rin niya ang amoy ng jacket. “After you get dressed, bumaba ka kaagad so we can have dinner,” saad nito. “Yes, mommy.” Pumasok ako sa loob ng kwarto ko. Kakababa ko lang ng bag ko sa ibabaw ng bed nang tumunog ang phone ko. Ewan, pero biglang nakaramdam ako ng excitement na baka si Caleb ‘yung tumatawag. Nagmamadaling kinuha ko sa loob ng bag ko ang phone. Tiningnan ko ang screen. Hindi nga ako nagkakamali. It was Caleb. Sasagutin ko na sana, ngunit bigla akong nahinto at pinigilan ko ang sariling pindutin ang answer button. “What’s happening to you,

