Abby's POV Agad ko ring pinilig ang ulo sa naisip. No! Hanggang doon lang 'yun! Wag kang mag-expect ng higit pa Abegail, masasaktan ka lang! Si Caleb 'yan. What do you expect to a man like him? Binuksan niya ang pinto ng driver seat. Pumasok siya sa loob at umupo habang ako'y pinirmi ko ang tingin sa harapan. Bahagya pa ‘kong nagulat nang lumapit siya sa ‘kin . May inabot siya sa bandang balikat ko. Muli'y agad nanuot sa ilong ko ang pabango niya. Hindi ko maikakaila, sobrang nakadagdag sa dating niya 'yung pagiging mabango niya. Siya ang nagkabit ng seatbelt sa ‘kin at habang ginagawa niya ’yon, nakatitig lamang ako sa kanya. Hindi ko alam kung ilang segundo akong nakatitig sa kanya nang pukawin niya ‘ko ng halik sa labi. Napapikit ako, ngunit bago pa ako tumugon, huminto siya at

