Abby's POV Kararatiing ko lang sa University nang salubungin ako ni Caleb ng bouquet. Malayo pa lang siya, nakangiti na ‘ko. Hindi ko alam kung para saan ‘yung flowers. Hindi naman namin monthsary. “Congratulations, BeeLove,” sinadya niyang hinaan ang boses nang tawagin niya ‘ko ng BeeLove nang ‘di marinig sa mga estudyanteng naroon. “Para sa’n ‘yan?” “For nailing it again to Top 1," masiglang saad niya. Dama ko 'yung saya. It was so genuine. Namilog ang mga mata ko nang marinig ang sinabi niya. Nasupresa pa rin ako kahit na every semester naman akong nasa top 1. Inaamin ko, hindi madali ang semester na 'to. Sobrang challenging sa 'kin ang mga nagdaang buwan, but still here I am, nailed it to the top 1. “Really?” “Why are you even surprised? You're smart, and you're hardworking

