Abby’s POV Nagpatuloy ang tagong relasyon namin ni Caleb. Nang makabalik ako sa penthouse niya, sobrang namangha ako dahil lahat ng gamit ko sa pagligo, mula sa shampoo, conditioner, sabon, body scrub hanggang sa moisturizer, lotion at mga skincare ay naroon na sa bathroom ng room niya. Kuhang-kuha niya pati 'yung brand ng mga ginagamit ko sa katawan. What truly amazes me is how attentive he is to me. "D*mn, it feels like I'm in my own room," nakangiting saad 'ko. Lumapit siya sa likuran ko at niyakap ako mula sa likod. "It is... This is your place, our place..." Pagkasabi'y hinalikan niya ang gilid ng ulo ko. I tilted my head on the side, napapikit at napangiti habang dinadama ang masuyong halik niya sa sintido ko. "Pakiramdam ko ayaw mo na akong pauwiin sa amin. Nandito na l

