Abby's POV Napabalikwas ako ng bangon. Napatingin ako sa paligid. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang bahagyang liwanag mula sa labas. “Bee?” Tawag sa ‘kin ni Caleb. “Anak?” Sambit naman ni Daddy. “Anong oras na?” Nagpa-panic na ang tanong ko. “Quarter to eight—” “What? Ba’t ‘di mo ako ginising!” Saad ko sa malakas na boses kay Caleb. Agad kong hinarap ang laptop sa harapan ko sa ibabaw ng mini table kung saan ako gumawa kagabi. I pressed the power button to turn it on. Naiiyak na ako. “Hindi ko na matatapos ‘to,” naiiyak kong saad habang hinihintay kong mag-open ‘yung laptop. Nang bumungad sa ‘kin ang desktop, agad kong hinanap ang file ko kagabi at nang mahanap, I clicked the file to open it. I scrolled down hanggang sa dulo ngunit nahinto ako bigla at ganun na lamang

