Abby's POV Basta ko na lang sinilid sa loob ng bag ko ang mga gamit. Walang pakialam kung may naiwan man ako. May mga nalaglag, ngunit ‘di na ako nag-abalang pulutin ang mga ito. Wala na ‘kong pakialam kung ‘di ko man mahahabol ang mga deadline, kung ibabagsak man ako, ang tanging importante sa ‘kin ngayon ay ang kondisyon ni Daddy. Lakad-takbo ang ginawa ko. Marating ko lang agad ang pinagparadahan ng sasakyan. Halos liparin ko na nga. Agad na binuksan ni Kuya Mond ang backseat nang makita niya ako. Nagmamadaling sumakay ako sa loob ng sasakyan. “Sa hospital tayo, Kuya, bilisan mo!” Utos ko. Agad namang tumalima si Kuya Mond. Kay bilis ng takbo namin, ngunit ramdam ko pa rin ang pag-iingat ni Kuya Mond. Mabilis na, ngunit nababagalan pa rin ako. Ang mga mata ko'y nasa harapan n

