Abby’s POV
“Goodnight, Caleb.”
Pagkapindot ko ng send button ay nilapag ko sa table sa gilid ng kama ko ang phone. Tinaas ko ang mga paa sa kama at pumailalim sa comforter. Humiga ako at tumagilid. Pinikit ko ang mga mata ngunit ‘yung scene na nakasakay ako sa motor at nakayakap kay Caleb ang agad na nag-flash sa isip ko.
Muli’y naramdaman ko ‘yung pagliparan ng mga butterflies sa puson ko. Tandang-tanda ko pa rin ‘yung pakiramdam na nakayakap at nakadikit ang katawan ko sa kanya habang sumusunod ang katawan ko sa bawat kurbada niya.
Nagmulat ako ng mga mata at tumihaya. Napatitig ako sa kisame. Hirap na tuloy akong makatulog ngayong naalala ko ‘yung maikling sandaling iyon.
“D*mn you, Caleb!”
Pero isa rin sa tumatak sa ‘kin ay kung paano ko na enjoy ng sobra ‘yung maikling kalayaan kong ‘yun. Ang sarap sobra sa pakiramdam.
Kinabukasan.
Paggising ko pa lang messages na ni Caleb ang bumungad sa ‘kin. Napapansin ko naging madalas na ang palitan namin ng messages.
“Hi, Bee.”
“Hi, Caleb.”
“Labas tayo.”
“Paulit-ulit.” Sarkastiko kong reply.
“Don't you get bored staying at home the whole day?”
“Nope. I prefer reading books. I prefer peacefulness.”
“The place we're going to is quiet anyway. Just you and me.”
Napairap ulit ako sa message nito.
“Aga-aga, Caleb. Kalandian nasa isip mo.”
“Hirap mong landiin, Bee. Message kita later, may magpapatattoo sa shop.”
“Kahit ‘di na.”
He just replied with emoji.
Matapos kong maligo at kumain ay muling nagkulong ako sa kwarto. Katatatapos ko lang ng isang book nang i-open ko ang Instabook account ko.
Unang tumambad sa ‘kin ang pinost ni Caleb gamit ang page ng tattoo shop niyang Tinta. Litrato niyang naka-side view habang seryosong tinatatoan ‘yung dibdib ng babae. Ang daming views, ang daming likes. Hindi pa ‘ko nakuntento at binasa ko ‘yung mga komento. Habang ang raming pumapansin sa parteng tinatatoan ni Caleb ay isa ako sa mga babaeng naka-focus sa kung gaano siya kagwapo sa kuhang litrato. Ang astig lang niyang tingnan tapos ang hot.
Isa-isa kong binasa ang mga komento ng mga babae. Ang dami nila. Hindi ko mabilang. Lahat halos ibigay na lang ‘yung sarili kay Caleb. Nasa comsec pa lang itong mga nakikita ko, paano na lang ‘yung mga nag-pa-private message sa kanya? Kaya ayokong seryosohin ‘yung mga banat niya. Ayokong maging isa sa mga babae niya.
Muli kong tinignan ang picture ni Caleb. Hindi ko sinadyang i double tap ‘yung picture niya. Nanlaki ang mga mata ko dahil na heart ko. Ilang segundong nga’y nag-popped up ‘yung chathead ni Caleb.
“It’s just work. Nothing serious.”
Lumukot ang noo ko sa message niya. Anong pinagsasabi nito?
“Huh?”
“Baka kasi pagselosan mo.”
“Baliw!”
“Oo, sayo.”
“May tama ka na.”
“May tama sayo.”
“Ewan ko sayo. Eto bente hanap ka kausap mo.”
Bigla itong tumawag. Hindi ko sinagot nung una. Hinayaan ko lang na mawala siya sa linya ngunit tumawag lang din siya uilt. Sa ikatlong tawag niya sinagot ko na.
“What?”
“Balik ko lang ‘yung bente mo.”
“Ano?”
“Balik ko lang ‘yung bente mo para usap tayo.”
“Ang dami mong time no?”
“When it comes to you, oo.”
“Ano ba talaga gusto mo?”
“Ikaw.”
“Oh God! Pwede ka bang makausap ng maayos?”
“Ikaw lang naman itong ayaw maniwala sa mga sinasabi ko.”
“Katulad ng?”
“Gusto kita.”
“Yan ka na naman! Ba’t ba kasali ako sa mga gusto mong pagtripan!”
“Ang hirap mong papaniwalain, Bee.” Natahimik ako ng ilang segundo ng biglang sumeryoso ang boses niya. “Gusto nga kita. I wouldn't waste my time with you if I just wanted to play around.”
“There’s a lot of women out there—”
“‘Yun nga! Marami sila. I don’t need to make an effort to hook up. Kusa nilang binibigay sarili nila sa ‘kin. Sayo lang naman ako gan’to. Kasi gusto kita. At seryoso ako.”
Muli’y natahimik ako. Hindi ako makasagot. Natahimik kami pareho.
“Bye, Caleb.”
Tanging nasabi ko saka ko pinatay ang tawag niya. Kinukumbinsi ko ang sarili kong wag maniwala, na wag seryosohin ‘yung sinabi niya. Hindi ako bulag, lalo’t hindi ako tanga.
Sa sumunod na mga gabi laging laman ng chatbox ko mga messages ni Caleb. Naging habit na yata nito ang disturbuhin ako gabi-gabi.
“Are you coming to school tomorrow?” He texted. Oo nga pala, pasukan na ulit bukas.
“Ako pa talaga tinanong mo.” I replied.
“I just want to make sure.”
“Bakit ba?” I asked.
“I will be there too.” Sagot niya. Bahagya lumukot ang noo ko. Ano kayang trip nito.
“Malamang doon ka rin nag-aaral.” I replied instead.
“I don’t usually come to school on the first day of class.” He said. Muli’y lumikot ang noo ko sa reply niya.
“So nagbago ka na? Good for you.” I said.
“Hindi.” He replied.
Magta-type sana ako ng reply nang muling mag send siya ng message.
“Because I already miss you.”
Nahinto ako saglit. Inulit ko pa ngang basahin ang huling message niya. Ang hirap wag ngumiti, ang hirap wag kiligin. Bnura ko ang nauna kong na-type.
“Good night, Caleb.” And I replied.
Nakatihaya ako at nakatingi sa kisame. Nasa dibdib ko ang phone. Nakagat ko ang ibabang labi dahil ewan ‘di ko mapigilan ‘yung ngiti ko nguni kay bilis kong pinikit ang mga mata sabay iling.
“No, Abby! You're not going to fall for that asshole.” Saad ko sa sarili.
Ngunit nang tumunog ang phone ko sing bilis ng kidlat na inangat ko ‘to mula sa dibdib ko para basahin ‘yung message ngunit nadismaya lamang ako nang hindi galing kay Caleb ‘yung message kung hindi galing sa group chat naming magkakaibigan. Gayunpama’y binasa ko pa rin ‘yung message and it came from Thirdy na labis kong pinagsisihan kung bakit binasa ko pa.
“SOS. Tubol ‘yung tae ko guys, help!”
Everyone reacted angrily to Thirdy's message pero ‘yung loko-loko sunod-sunod yung messages na si-ne-nd.
“Uhgmm!”
“1, 2, 3, Uhgmmm!”
“Ang hirap ilabas parang feelings ni Ian.”
“F8Ck you!” Ian replied.
“1, 2, 3, Uhgmmm, Mami!”
“Now I get it, kung bakit ‘di pwede ipilit ‘yung love dahil masasaktan lang tayo. 1, 2, 3 Uhgmm!”
I exited the chat sabay iling. Puro lang talaga katarantaduhan itong si Thirdy.
Muli’y nag-popped up ang chat heads ni Caleb.
“See you, Bee. Good night.”