Abby’s POV
Balik eskwela na ulit. A week of semester break ended just like that. 'Di ko man lang naramdaman
parang ang bilis ng pagdaan ng bawat araw.
Kakababa ko lang ng sasakyan nang makuha ang atensyon ko sa malakas na tunog ng motor. Agad napasunod ako ng tingin sa kung saan nanggagaling ang tunog na iyon, and my eyes landed on those broad shoulders.
I recognized him quickly kahit nakatalikod siya sa gawi ko. It was Caleb. Ewan, ngunit ‘di ko maalis-alis ang tingin ko sa kanya. Mula sa dahan-dahang pag-park niya ng motor, pagtanggal ng suot niyang helmet, pag-ayos sa buhok niyang nagulo, simpleng galawan ngunit walang babaeng hindi mapapatingin, hindi hahanga, hindi kikiligin– so kinikilig ka, Abby? No! Of course not! Parang sirang saad ko sa isipan at inis na pinilig ang ulo ko.
Akmang hahakbang na ‘ko nang ‘di sinasadyang marinig ko ang usapan ng kapwa ko mga estudyante.
“Hoy, FuBu mo, oh,” saad ng isang babaeng estudyante sa katabi niya at ang tinutukoy nila ay walang iba kundi si Caleb. Of course, I know what FuBu means. Naririnig ko ‘yun sa mga kinakapatid kong lalaki. Hindi naman lingid sa 'kin na gawain talaga 'yun ni Caleb, sa dami ba namang babae niya.
“Shut up.”
“‘Di ka ba proud? Montefalco ‘yan!”
“Ditch me on the same day we had s*x? Sa tingin mo?”
“FuBu nga ‘di ba? At least ikaw, natikman mo na," hindi ako nagpahalata pero literal na nalaglag ang panga ko sa narinig, like seriously? At mula pa talaga sa isang babae? Sana'y akong makarinig sa mga lalaki pero sa babae? Really?
“Well, it was the best kaya okay na ‘ko.”
‘Di ko na pinakinggan ang ibang usapan nila at nagpatuloy sa paglalakad. ‘Di ko kinaya ‘yung mga naririnig ko. Hindi ko akalain na may mga babae pa lang game sa ganoong setup. Napailing na lamang ako.
I was holding my phone with both hands. Seryosong nagbabasa ako ng mga messages sa group chats nang mag-popped up ang chat head ni Caleb. Nahinto ako sa upang basahin ang message niya.
“Nasa school ka na?” He asked. Napalingon ako sa kung saan ko siya nakita kanina ngunit wala na siya parking area. I typed my reply.
“Why?” I replied. Ilang segundo langa y nakapagreply siya agad.
“Where are you at?” Tanong niya.
“Bakit ba?”
“Grumpy at this early? Really, Bee?” Napakunot ang noo ko. As if nakikita niya 'yung mukha ko ngayon. Muli'y nilingon ko ang parking lot, wala siya.
I didn’t reply at nagpatuloy ako sa pagbabasa sa mga messages sa group chat, ngunit muli’y naputol ang pagbabasa ko nang mag-chat ulit si Caleb. He sent me a picture. Picture ko na kuha niya ngayon. Naglalakad habang nakatingin sa phone.
“Saw you.” He captioned.
Napalingon ako sa direksyon kung saan, sa tantya ko'y, kumukuha siya ng picture, at agad na nagsalubong ang tingin naming dalawa. He winked at me. Inis na nag-alis ako ng tingin sa kanya at muling binalik sa screen ng phone ko ang atensyon. Sunod-sunod ang mga messages niya. Isa-isa kong binasa ang mga ito.
“Gorgeous.”
“May kamukha ka.”
“My future daughter.”
“And my future wife.”
Magkasalubong ang mga kilay ko habang binabasa ang mga messages niya. Akala siguro niya natutuwa ako sa mga pinagsasabi niya. Naubos na kaya niyang utuin lahat ng babae dito sa University at ayaw niya ‘kong tantanan? Baka ako na lang ‘yung hindi kumagat sa diskarte niya,o kaya'y hindi niya pa nauuto, kaya ayaw akong tigilan. Binaba ko ang phone at tinigil na lamang ang pagbabasa ng mga messages at nilagay iyon sa bulsa ko.
Muli’y nagpatuloy ako sa paglalakad. Sunod-sunod ang pag-beep sa phone ko ngunit 'di ko na ito pinapansin dahil tiyak galing lang rin lahat kay Caleb na kulang sa pansin.
“Hi, Abby.” Napalingon ako sa kaklase kong si Tom.
“Hi, Tam.” I greeted him back. Lumapit siya sa ‘kin at sumabay sa 'king maglakad.
“Bilis ng semestral break, no?” Saad niya.
“Oo nga, e—”
Nahinto ako sa pagsasalita nang lamang sumingit sa gitna namin si Caleb.
“What the f* —” Hindi natuloy ni Tam ang pagmumura ng mapatingin siya kay Caleb. Ako nama'y inis na tinignan si Caleb. Itong kumag na 'to masyado talagang papansin!
“Alis.” Mahina, ngunit ‘yung tono niya ay nagbabanta habang seryosong nakipagtitigan kay Tam na akala mo'y kakainin niya 'to ng buhay.
“Caleb!” Sita ko sa kanya ngunit ‘di niya ‘ko pinansin. Napaatras si Tam. Dama ko ang kaba niya habang nakatitig kay Caleb. Hindi makapagsalita. Unang nag-alis ng tingin si Tam. Tiningnan niya 'ko.
"I'll go ahead, Abby," paalam niya at nagpatuloy sa paglalakad habang ako'y naiwan dito sa kumag. Nang tingnan ko si Caleb, sinusundan nito ng tingin si Tam palayo. Magkasalubong ang kilay.
“Hey! What’s wrong with you!” Inis na saad ko sa kanya. Bahagyang napaatras ang isa kong paa nang ibaling niya ang tingin sa 'kin at tiningnan ako nang mariin. Sa mga tingin pa lang niya, halatang bad trip. Ano naman bang tupak ang meron ang taong ‘to? Kanila lang, pangiti-giti lang ngayon, parang manununtok na.
“I'm just guarding what's mine.” Kalmado lamang ang pagkakasabi niya, ngunit nang-aangkin. Hindi agad ako nakasagot. Nagulat ako sa kung anong lumabas sa bibig niya. Since when did he get so… possessive? Guarding what's mine? At kailan pa 'ko naging pagmamay-ari niya?
“Mine? Anong trip mo?” Inis kong saad.
Bahagya kong iniwas ang mukha nang hawiin niya ang ilang hibla ng buhok kong nakatakas.
"Get your hand off me, Caleb!" Inis na saad ko sa kanya, sabay iwas sa mukha ko.
“I really do like you, Bee," seryosong saad niya.
Ibubuka ko pa lang ‘yung bibig ko nang muling magsalita siya.
“Pero 'yun nga, hindi ko alam kung paano manligaw,” dagdag niya pa. At habang nagsasalita siya, nakatitig lamang ako sa mga mata niya, walang bakas ng pagbibiro, dama ko ‘yung sinceridad ng sinasabi niya at kita ko ‘yun sa mga mata niya. Might he be serious? No! He must prove it!
“You really like me, huh?” Paghahamon ko.
“A lot!” Mabilis niyang tugon na para bang siguradong-sigurado na siya sa sarili niya. Tiningnan ko siya muli sa mga mata, mariin.
“If you want me, then work hard for it," saad kong hindi inaalis ang mga tingin sa mga mata niya. Pagkasabi’y akmang aalis na ako nang hulihin niya ang braso ko. Nahinto ako at muli'y napatingin ako sa kanya.
“What?” Inis na tanong ko, sabay hila sa braso kong hawak niya ngunit ang kumag ayaw ba naman akong bitawan. "Caleb--"
“You mean, you’re allowing me to court you now?” Paninigurado niya. At 'yung seryosong mga tingin niya ay napalitan ng kislap na para bang may magic sa sinabi ko. Akala mo talaga'y marunong manligaw.
“‘’Yun kung marunong ka," hamon ko muli sa kanya.
“Let’s see.” Sa pagkakasabi niya, tila’y may naglalaro sa utak niya, parang ngayon pa lang gusto ko ng bawiin ‘yung sinabi ko. 'Yung pagtaas pa lang ng isang gilid ng labi niya parang gusto ko na lang umatras, kinabahan ako bigla.
“Bitaw na. Male-late na ‘ko.”
“Hatid na kita.”
“Ano? Hindi!”
“Ligaw, ‘di ba? Ligaw.”