Abby's POV
“Tara na, hatid na kiita. Baka ma late ka pa.”
“Ayoko! Ano ako, bata?” Reklamo ko nang ipagpilitang ihahatid niya ako sa classroom.
“Not a child but a baby,” sumilay ang pilyong ngiti sa mga labi niya.
“Baby?”
“Baby ko.”
“Shut up!” Anas ko. I rolled my eyes in disgust habang siya’y aliw na aliw habang pinagmamasdan ang nagiging reaksyon ko. Inis na tinaasan ko siya ng kilay.
“Ang cute mo pag naiinis, Bee ko.”
Sobra ‘yung paglukot ng noo ko nang marinig ang huling dalawang salita.
“Oh! Help me, God! Naubos mo na ba lahat ng babae dito sa campus? Ako na lang ba ang natitirang hindi mo nauuto? Iba rin trip mo, no?” Inis na saad ko.
Saglit siyang napatitig sa ‘kin.
“Here you go again. Hindi ka talaga naniniwalang seryoso ako sa’yo?”
“Take a look at yourself. Sinong matinong maniniwala sayo?” I fired back.
“Ouch! Grabe. Kya nga liligawan kita to prove to you that I’m serious.”
“Ligaw?” Tanong ko.
“Yup, ligaw,” tugon niya sabay ngiti.
“Ligaw pa la, ha. Well, basted ka!” Agad naglaho ang ngiti sa mga labi niya.
“Wait! What?”
“Bahala ka diyan!” Pagkasabi’y nagmamadaling naglakad ako ulit at iniwan siya.
“Hey! Bee! But I haven't started yet,” reklamo niya.
“Basted ka nga! Kaya huwag ka nang mag-effort,” saad kong hindi lumilingon sa kanya.
Pagkarating ko sa classroom, wala pa ang prof namin sa unang subject. Agad na naghanap ako ng mauupuan. Napili ko ‘yung pangatlong bakante sa pinakagitnang mga chairs. Napalingon ako sa dalawang lalaking katabi ko nang sabay silang tumayo. Sinundan ko sila ng tingin. Napaisip ako dahil lumipat lang sila ng puwesto.
Wala sa oras na napaamoy ako sa sarili ko. Baka lang kasi nababahuan sila sa ‘kin kaya lumipat sila ng mauupuan, pero imposible namang mangangamoy ako. I always made sure I smelled good. Malinis din ako sa katawan.
Nagkibit-balikat na lamang ako kahit nawi-wierdohan ako sa inasta ng dalawa kong kaklase.
Tumunog ang phone ko. Agad kong tiningnan ang screen upang basahin ang notification. Agad kong nabasa ang pangalan ni Caleb. He sent me a message.
“Ba’t mo ko binasted?”
Agad namang tumaas ang isang kilay ko sa tanong niya. Hindi pa nga naka-move on sa sinabi ko.
Seryoso ba siya sa tanong niya o baka nan-ti-trip ulit?
Still nagtipa ako ng reply sa phone ko.
“Seryoso ka sa tanong mo?”
“Bee, hindi lang sa tanong, pati sayo,” he replied. Napangiwi ako sa sagot niya at napailing. Muli’y nagtipa ako ng tugon ko sa kanya.
“To answer your question kung seryoso ka nga sa tanong mong ‘yan, ayoko sa manloloko, okay! Lalo akong ayoko sa babaero! Enough na ‘yung acads na nagpapasakit sa ulo ko. Ayoko nang dagdagan pa. You’re a walking red flag, Caleb. And I just can’t ignore it,” mahabang saad ko.
“Hindi ako babaero, habulin lang. Hindi rin ako nagloloko, pero sa mga manloloko, oo, magkaiba 'yun. Lumalabas lang ang pagiging red flag ko to those I hate, pero matino ako sa mga taong matino, lalo na sa taong gusto ko, gaya mo. Gusto kita.”
Muli’y tumaas ang isang kilay ko sa naging tugon niya. Matino? Maniwala! Saad ko sa isipan.
“I forgot to mention. Ayoko sa f8ckboy. Period."
Nag-reply pa siya, ngunit dumating na ‘yung prof ko kaya ‘di ko na nabasa.
Just like that, natapos ulit ang isang araw.
Nagmamadaling tinungo ko ang gate. Kailangan kong umuwi agad dahil sa birthday ni Tito Kevin. May dinner ang buong pamilya.
Palabas na ‘ko ng gate nang makuha ang atensyon ng mga estudyante sa labas ng University.
Napakunot ang noo ko at napatingin. Bahagya pa ‘kong nagulat at gumilit nang marinig ang malakas na pag-whistle ng dalawang security guards ng eskwelahan habang tumatakbo patungo sa nagkakagulo.
Naging mabilis naman ang kilos ng bodyguard ko sa pagbaba mula sa sasakyan upang lapitan ako nang makita ang paglabas ko sa gate.
“Anong meron, Kuya Mond?” I asked.
“May nagsusuntukan, ma’am. Pasok ka na po sa loob,” alertong saad niya, sabay giya sa ‘kin pagtungo sa nakaparadang sasakyan. Hindi ko maiwasang mapalingon sa mga nagkakagulo habang palapit ako sa sasakyan. Hindi ko makita ‘yung sinasabi ni Kuya Mond na nagsusuntukan dahil sa dami ng mga estudyanteng nagkumpulan at nakiusyoso. Hanggang sa napatakbo na lamang ang mga ito bigla dahil napunta sa gawi ng mga nanonood ‘yung mga nagsusuntukan.
Nahinto ako sa paglalakad nang mahagip ng tingin ko ang kapatid kong si Rain.
“Kuya Mond, saglit lang,” saad ko at napatitig kay Rain. Baka kasi nagmamalikmata lamang ako, kaya tinitigan ko nang mabuti. Sinisigurado kung tama ang nakikita ko. Tinitigan ko nang mabuti at nang tuluyang makumbinsi ang sariling si Rain nga’y agad na nag-alala.
“Rain!” Napasigaw ako nang matamaan siya sa mukha. Patakbo na ‘ko para lapitan si Rain ngunit pinigilan ako ni Kuya Mond.
“Ma’am, ‘di pwede, delikado, po!”
“Kuya, si Rain, ‘yan! Kapatid ko ‘yan! Nasaan ba kasi bodyguard niya?”
“Ma’am, pumasok na lang po kayo sa sasakyan. Ako na po ang pupunta kay Sir Rain. Baka po kasi mapano, kayo. Malalagot ako kay President po,” saad niya, sabay bukas ng pinto sa backseat. Muli’y nag-aalalang napatingin ako sa gawi ni Rain at ganun na lamang ang inis at galit ko nang mahagip ng mga mata ko ‘yung isang kasama ni Rain, si Caleb lang naman!
Dumoble ‘yung inis at galit na nararamdaman ko sa isiping tiyak siya ang pasimuno ng gulo, damay pa pati kapatid ko! Baka may sinira na namang relasyon itong hayop na ‘to kaya nasangkot na naman sa gulo. Magtitino, ha? Inis na saad ko sa isipan. Ang tino nga! Napakatino!
“Caleb!” Sigaw ko sa pangalan niya. Bigla siyang napahinto; nasa ere na ang hawak na plastic chair at balak ihampas sa nakaalitan.
“Tigilan mo ‘yan!” Para akong nanay na pinapagalitan ang anak.
Galit na nag-alis ako ng tingin sa kanya at binaling ko kay Rain.
“Rain! Ikaw rin, tumigil ka!” Nang marinig ni Rain ang boses ko’y agad din itong tumigil at mabilis na napatayo.
Insaktong dumating ang mga patrol car ng mga pulis. Kay bilis na nagsitakbuhan ‘yung iba habang ‘yung mga hindi na makagalaw at makatayo’y hindi na sumubok na tumakas pa.
“Kailangan talagang makipagbasagan ng ulo, ha? Rain?” Galit kong sita sa kapatid ko.
“They were the ones who started it,” he tried to explain.
“At sumasagot ka pa?”
“Sila naman talaga ang nauna—”
“Isa ka pa!” Galit na binalingan ko si Caleb. Nahinto siya. Nabigla sa paglakas ng boses ko. “Nadadamay ‘yung mga matitino sa kalokohan mo!” He froze.
“Ate, hindi si Kuya Caleb,” inis na binalingan ko muli si Rain.
“Ipagtatanggol mo pa ‘to?” Duro ko kay Caleb habang nakatingin kay Rain. “When the whole campus knows his bullshits!” Pagkasabi ko’y tiningnan ko si Caleb.
Nanatili siyang tahimik ngunit kay riin ng mga titig niya sa ‘kin. Alam kong nasaktan ko siya, ngunit totoo naman ang mga sinasabi ko. Paano na lang kung napuruhan ang kapatid ko? Mananagot ba siya sa mga magulang ko.
“Excuse me, iha,” nahinto ako nang magsalita ang isa sa mga pulis na rumesponde.
“Yes, Sir?”
“Pwede ba kayong maimbita sa presinto?”
“Bakit po, Sir?”
“Kukunan lang po namin kayong tatlo ng statement tungkol sa gulo.
Nakita ko na lang ang sariling nasa loob ng isang presinto kasama sina Rain at Caleb at tatlo sa naging kaaway nila. Napatitig ako kay Caleb. Nanatili itong tahimik, halata sa mukhang malilim ang iniisip habang ako’y nagpupuyos ang loob ko sa inis ko sa kanya.
Naunang nagpaliwanag si Rain.
“Lumabas po ako ng gate dahil may bibilhin lang po ako. Papasok na ‘ko sa may eskinita. Hinarang nila akong lima.” Kay bilis kong napalingon kay Rain. Was he telling the truth o baka tinatakpan nag ang nito si Caleb?
“Kuya Caleb saw us. Wala siyang kasalanan. At first, sinubukan niyang awatin ‘yung limang gagong ‘to, pero sinutok siya sa isa sa kanila, kaya napilitang manlaban si Kuya Caleb.”
Sa sandaling narinig ko ang paliwanag ni Rain, parang gusto ko na lang maglaho bigla. Hindi ako makalingon pabalik kay Caleb dahil damang-dama ko ang maririin niyang mga titig sa ‘kin.
Sh*t, kakahiya, leche! Nakakaguilty. D*mn!