Chapter 13

1249 Words
Abby’s POV “It's not my fault if your girl likes me. Wala akong pakialam sa girlfriend mo; itali mo 'yung aso mo kung gusto mo, ’di ko nga kilala.” Inis na saad ni Rain. Habang patuloy sa pagkukuwento si Rain, panaka-nakang sinusulyapan ko si Caleb. Nanatili pa ring tahimik ito habang ang mga titig ay nasa sahig. May pasa siya sa gilid ng labi. Kay bilis kong nag-alis ng tingin nang bigla siyang nag-angat ng tingin sa direksyon ko. “Basi sa nakuha naming CCTV footage, kayo ang nauna,” saad ng police officer at tiningnan ‘yung nakaalitan nina Rain. Nilingon kami ng police officer. “Pwede kayong magsampa ng kaso—” “There’s no need,” putol ni Rain. “As long as they promise they won’t bother me again.” Gusto ko mang tumutol sa naging desisyon ni Rain ay nahiya na ‘kong magsalita. Simula umpisa ng kwento ni Rain at malamang wala naman talagang kasalanan si Caleb ay nanatili na lamang akong tahimik. ’Di ko magawang makinig nang mabuti sa salaysay ng bawat panig dahil hindi ako makapag-focus. Sobra ‘yung hiyang nararamdaman ko. In the end, the two sides were able to settle down. Palabas na kami ng presinto. Nauna si Rain at Caleb habang ako’y nahihirapang ihakbang ang mga paa at kay bigat sa pakiramdam. Gusto kong kausapin si Caleb at humingi ng sorry, ngunit nahihiya ako. Natatakot din ako sa magiging approach niya; baka singhalan na lang niya ‘ko bigla. Hanggang sa narating namin ang parking space ng police station kung saan nakaparada ang sasakyan namin ni Rain at big bike ni Caleb. Sinamahan ni Rain si Caleb papunta sa motor niya. Nang makalapit ay kinuha ni Caleb ang helmet. Bahagya pa ‘kong nabigla ng tumingin siya sa gawi ko. Nagkatitigan kaming dalawa, ngunit saglit lang, dahil agad siyang nag-alis ng tingin, halatang dismayado siya. Nag-fist bump ang dalawa bago sinuot ni Caleb ang hawak niyang helmet at sumakay sa big bike niya. Pinaandar ni Caleb ang motor habang patuloy na nag-uusap ang dalawa. Muli’y napatingin sa gawi ko si Caleb. Insaktong tumunog ang phone ko. Una akong nag-alis ng tingin upang sagutin ang tumatawag sa ‘kin. Kay dali kong napindot ang answer button ng makitang si Mommy ang tumatawag. “Hi, Mom?” Sagot ko. Pagtingin ko kay Caleb ay paalis na ‘to. Pinaharurot nito ang bigbike sa kalsada hanggang sa mawala siya sa paningin ko. “Where are you now? We’re getting late to the dinner,” saad ni mommy. Oh sh*t! Mura ko sa isipan ngunit ‘di ko isinatinig. Oo nga pala, may dinner mamaya sa mansion ng mga Arevalo. “We’re on our way home, mommy,” saad ko. “We’re? Are you with Rain?” “Yes, mommy.” “Good. Sige, hintayin namin kayo para sabay na tayong pupunta kina Ninong mo.” “Sige po, mommy.” Nilapitan ko si Rain. “Tayo na lang hinihintay ni Mommy para makapunta kina Tito Kevin.” “Yeah. Let’s go.” “Saglit lang. Ba’t ‘di mo naman agad sinabing nadamay lang si Caleb. “I tried, but you didn’t listen.” Oo nga pala. Kasi ‘yung utak ko naka-fix na sa kung anong klaseng tao si Caleb. Saglit akong napapikit. Napaka-judgmental ko, sobra! “Tayo na nga lang.” saad ko. Napatingin ako sa pasa ni Rain na katulad kay Caleb ay nasa gilid din ng labi. “Saglit lang.” Pigil ko sa kanya nang akmang sasakay na siya sa sasakyan niya. Tinaas ko ang kamay at ingat na hinawakan ang panga niya. “Do you have solutions for this one?” Saa ni Rai. “Concealer,” saad ko. “I don’t want mom and dad to see this, mag-he-hysterical na naman si mommy at tiyak may mapapadeport na naman si Daddy ng wala sa oras.” At nahuli nga kaming dumating sa mansion ng mga Arevalo. Kami na lang ang hinihintay upang simulan ang dinner– ay hindi pala! Caleb isn’t around yet. “Si Caleb?” Rinig kong tanong ni Ninong Kevin kay Ninong Adrianne. “Hindi–” “Oh, nandiyan na pala!” Saad ni Tito Kevin. Paglingon ko nga sa may main door ng mansion ay papasok nga si Caleb. He went to his mom and kissed her cheeks. “Saan ka ba galing ba’t ang tagal mo—” Nahinto si Ninang Danny nang mapansin nito ang pasa sa mukha ni Caleb. “Wait! Ano ‘to?” “Sa basketball po, Mommy.” Pagsisinungaling niya bago humalik sa pisngi ng mga ninang. “Tsk!” Rinig ko kay Ninong Adrianne. “I’ve heard he shifted to another course again,” narinig kong tanong ni Daddy. “Reliable ‘yung source mo.” “Pang-ilang course na ‘yan?” Daddy asked again. “Fourth. Daig pang magdodocrate sa college.” Saad ni Tito Adrianne. “At hinahayaan mo lang?” “Oo, magtitino rin ’yan.” Sagot ni Tito Adrianne. “Oo, magtitino rin ‘yan. Tingnan mo si Adrianne,” singit ni Tito Miggy. “Gago!” Mura ni Tito Adrianne. “Ayaw mong kausapin?” Tanong ni Tito Nathan. “We’ve already talked. Ayoko ring pilitin siya. Hangga’t may pera ako, kahit pumuti na lahat ng bolbol ni Miggy, papagaralin ko.” “Wala akong bolbol, pinawax ko.” Sagot naman ni Tito Miggy. “Siraulo!” “Hayop!” Nagtawanan silang lahat. Hindi nagtagal, nag-umpisa na kaming kumain. Napuno ng halakhak ang long table hanggang sa mapunta sa mga achievements ng mga anak ang usapan. Hindi ko alam kung bakit napapatingin ako kay Caleb. Biglang nakaramdam ako ng awa sa kanya. Tahimik lamang siya at piniling huwag sumabat. Nang matapos kumain ay nagtipon ang lahat sa pool area. Hinanap ng mga mata ko si Caleb. Inuusig kasi ako ng konsensya ko, kaya gusto kong makausap siya sa personal para makahingi ng sorry sa kanya. Sinuyod ko ang mansion. Sa parking area ko siya nakita. Nakaupo sa motor niya habang humihithit sa hawak niyang vape. “Do you know that vaping can harm your lungs and breathing?” Napalingon siya sa gawi ko. Huminto siya sa paghithit nang makitang palapit ako. “Anong ginagawa mo rito?” He asked instead. “Hinahanap ka?” Kumunot ang noo nito. Hindi inaasahan ang naging tugon ko. “Bakit?” Saglit na natahimik ako. Ang hirap pa lang umpisahan, lalo’t natatakot ako sa magiging reaksyon niya. “To say sorry.” Kay hina ng pagkakasabi ko, ngunit alam kong narinig niya. “What?” Halatang ‘di niya inasahan ang sasabihin ko. Seryosong tiningnan ko siya sa mga mata. Gusto kong nakatitig siya sa ‘kin nang makita niyang sincere ako. “I want to apologize for my words. I shouldn't have judged so fast, and I truly regret it, Caleb.” Napatitig siya sa ‘kin. Tila sinusuri kung seryoso ba ‘ko. “I thought I could get used to those words…” Kapagkuway, saad niya. “But honestly, the words you threw at me... they were pretty sharp.” Mas lalo akong nakaramdam ng guilt sa sinabi niya. “I’m really sorry, Caleb.” “Hirap tanggapin ‘yung sorry lang. Sobrang bigat sa loob ‘yung mga binato mong salita.” “What do you want me to do then?” “How about making it up to me with a date?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD