Chapter 14.1

739 Words
Abby’s POV  “Ha?” Hindi ko maiwasang mabigla sa hinihingi niyang pabor. “You heard me right, Bee.” Saad niya. “Ayoko.” Mabilis na tugon ko. Siguro alam niya kung bakit ayokong makipag-date sa kanya. “Just what I thought.” Tumayo siya. Muli’y humithit sa hawak niyang vape at napabuga ng usok pataas. “Pasok muna ako.” Saad niya at nilagpasan ako. Napasunod ako ng tingin sa kanya. Papasok siya sa loob ng mansion. I already apologized to him. Okay na ‘yun siguro. Kung ayaw niyang tanggapin, bahala siya, basta ang importante, nakahingi ako ng pasensya. Ngunit ewan, ang bigat pa rin sa pakiramdam. Double pa ‘yung guilt na nararamdaman ko. Ba’t kay dali lang para sa ‘kin ang magbitaw ng masasakit na salita sa kanya, ngunit kay hirap gawan siya ng pabor. I should have also thanked him for saving my brother’s life. Paano na lang kung hindi siya dumating, baka na pa’no na si Rain. Tapos lahat dismayado sa kanya dahil ang akala nila nakipagbasag-ulo na naman siya, tapos hindi namin siya maipagtanggol ni Rain dahil baka kung anong maging reaksyon nina Mommy at Daddy. Nanatiling nakatingin ako sa kanya hanggang sa tuluyang mawala siya sa paningin ko. Should I go with him? After all, he wasn't the one asking for a favor. I was the one who asked him to forgive me, and the date was what he wanted in return. Napabuga ako ng hangin sa dibdib bago ako sumunod sa kanya sa loob ng mansion. Nakailang baling na ‘ko ng higa ngunit nanatiling mailap sa ‘kin ang antok. Ayaw ako patulugin ng guilt ko pati bigat ng nararamdaman ko. Napapikit ako ng mga mata. Fine. Saad ko sa isipan. Bumangon ako at umupo sa kama. Kinuha ko ang phone ko at hinanap ang pangalan ni Caleb. Hindi siya online, but still I sent him a message. “Hey, still up?” Naghintay ako ng ilang minuto nang hindi pa rin nito na-send. Akmang ibabalik ko sa mesa ‘yung phone nang tumunog ito. Dali-dali kong tinignan kung sino ang nagchat, and it was him. I read his message. “Why?” He asked. “About the date,” I reply. “You’ve changed your mind?” “Sa school lang naman ‘di ba?” “Then, it’s not a date.” Oo nga naman. At saan naman kami puwedeng mag-date sa library? Tanga mo Abby. “Bakit? Saan mo ba gusto?” I asked. “Basta ako ang bahala. Just trust me. And I promise I won’t do any harm to you.” Ilang ulit kong binasa ang reply niya at ilang saglit din bago ako nag-type ng i-rerply ko. “Magko-convoy ba tayo?” Wala talaga akong idea. “Of course not! Date ba ‘yun? You're gonna ride on my big bike.” Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng excitement sa sinabi niya. I bit my lower lip. Ewan, napapangiti ako—No! Hindi ako kinikilig! Pero napaisip ako paano si Kuya Mond? Nakasunod ba s’ya sa ‘min? “Paano nga pala ‘yung set up? Sa likod lang natin si Kuya Mond nakasunod?” “Hindi.” “Hindi ‘yun papayag. Magre-report ‘yun kay Daddy.” “I'll ask your dad permission first, just so everything's clear, and we can go out comfortably.” “Hindi ‘yun papayag.” “Why?” “Para namang hindi mo kilala si Dad.” “I'm sure he won't mind if we just ask properly.” “Trust me hindi ‘yun papayag baka nga mas higpitan pa niya security niya.” “Let’s try.” “Huwag na, ayokong malaman niya. I don’t want to disappoint my dad.” “We're just going on a date. Hindi kita itatanan. Why would your dad be disappointed?” Paano ko ba sasabihin sa kanyang bad image kay Daddy, at hindi man diretsahan ang pagkakasabi sa akin, ayaw ni Daddy na napapalapit ako sa kanya. “Basta.” Saad ko. “I already agreed to have a date with you, basta wag lang malaman ni Daddy, period.” “If that’s the case. Tatakas tayo.” “What? As if matatakasan mo bantay ni Daddy.” “Hindi naman niya malalaman na tumakas ka.” “Paanong hindi malaman?” “It’s on me. Ako ang bahala. Trust me.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD