Abby's POV
Mas lalo tuloy akong ‘di nakatulog. Magkahalong excitement at kaba ‘yung nararamdaman ko.
Maaga pa rin akong nagising kinabukasan kahit sobrang late ko na nakatulog. At pagkagising ko pa lang, may excitement na ‘kong nararamdaman. Hindi ako mapakali. I felt something running in my belly. Ewan, but I looked forward to that date, d*mn!
Pagkababa ko pa lang ng sasakyan, palihim na siyang hinanap ng mga mata ko, nguni’t ‘di ko siya mahanap. Baka lang hindi pa dumating. Wala rin ‘yung bigbik niya.
Natapos ‘yung araw na ‘yung isip ko nasa kanya at sa date namin. Panay ang tingin ko sa oras. Parang nais kong madaliin ‘yung bawat segundo. Nahihirapan akong makinig, pero mabuti na lang nag-aral ako nang advance at nakasagot pa rin sa exam at oral recitation. Pero ang pinagtatakhan ko lang, matatapos na ‘yung araw ay hindi kami nagkita. Ni hind nga nagparamdam.
“Matutuloy pa kaya kami?” Tanong ko sa isipan. Panay na ang silip ko sa phone ko, ngunit ni isang chat wala man lang akong na-receive mula sa kanya. ‘Di kaya pinagtripan lang niya ako? At ako naman itong tanga naniiwala naman agad.
Uwian na. Habang naglalakad palabas ng gate, panay ang linga ko. Nagbabakasakaling makita ko siya. Ewan, parang ayokong umuwi. Kay bigat ng bawat hakbang ko. Kay bagal ng paglalakad ko. Malapit na ‘ko sa gate. I felt very disappointed. I was still hoping for that date. Sh8t! Nagpuyat ako kakaisip, tapos trip-trip lang pala.
Tumunog yung phone ko, so I took it out from my pocket. My heart jumped nang makita ’yung pangalan niya, ngunit nahinto ako upang kastiguhin ang sarili.
“Hindi na ‘yan normal, Abby!” Saad ko sa isipan.
Binasa ko ang message niya. I was expecting him to tell me na ‘di na matutuloy ‘yung date.
“I already have a plan kung paano ka itatakas. Punta ka sa mall. Pumasok ka sa Designer’s. There’s a lady there na kakausap sayo. Siya mag-iinstruct sayo ng gagawin. But first, wear a mask. Go now, Bee. Make me proud.”
Napakunot ang noo ko sa messages niya. Kaya ba hindi ko siya nakikita at wala siyang messages dahil abala siya sa pagpaplano kung paano ako makakatakas?‘Yung inis ko kanina, napalitan ulit ng excitement, hindi dahil sa date kundi dahil sa thrill ng pagtakas. Kaya nagmamadaling lumabas ako ng gate at sumakay ng sasakyan.
“Kuya Mond, pakiabot naman ng box ng mask po.” Gamit ang iisang kamay ay inabot niya sa ‘kin ang isang box ng mask. Kumuha ako ng isa at sinuot ko.
“Kuya, sa MS Mall po tayo; may bibilhin po akong requirements sa school.” Pagsisinungaling ko.
“Sige po, ma’am.”
Parang gusto kong palitan si Kuya Mond sa pagmamaneho para makarating agad kami. Mabagal lang kasi ito magmaneho; may speed limit na sinet si Daddy sa kanila para iwas disgrasya. Oo, ganoon ka-OA daddy ko. Hindi ko naman masisi si Daddy kung bakit super ka-protective niya. Muntikan ba naman akong mawala ‘nung baby pa ‘ko. Yes! I was kidn*pped by my own uncle, daddy’s stepbrother.
Nang makarating sa mall ay kampante lang akong naglakad. Hindi ako nagpahalatang may gagawing krimen. Una kong pinuntahan ‘yung school supplies. Bumili lang ako ng pen at highlighters.
Pagkatapos ay sinunod ko na agad ‘yung plano.
“May titignan lang ako saglit na dress, kuya,” saad ko.
“Sige po, ma’am.” Muli’y nakasunod sa ‘kin si Kuya Mond. Pumasok ako sa Designer’s. Nasa labas siya ng store ngunit nakamasid sa ‘kin. Nagsimula na ‘kong pumili. Mayamaya nga’y may lumapit sa ‘king babae. Singtangkad ko at singkatawan. Nakahoodie jacket at nakamask.
“Fitting room in two minutes.” Pagkasabi’y umalis na agad siya dala-dala ang isang dress.
Tinignan ko ang wristwatch upang tantiyahin ‘yung two minutes.
Pagkalipas ng dalawang minuto ay bitbit ang isang dress ay pumunta akong dressing room. Saglit ko pang nilingon si Kuya Mond; hindi talaga nito inaalis ang tingin sa ‘kin.
Pagkapasok ko sa dressing room ay nagulat ako nang bigla akong hilahin ng babaeng lumapit sa akin.
“Wear this,” saad niya, sabay abot sa sinuot niyang hoodie jacket kanina. Nagulat ako nang makitang pareho kami ng damit na suot nang hubarin niya ang jacket. Napatingin din ako sa suot niyang jeans at rubber shoes, katulad ng sa akin, lahat. Maging ang suot niyang bag.
Nagtataka, sinunod ko pa rin ang sinabi niya. Sinuot ko ang jacket. Mukhang alam ko na kung ano ‘yung plano.
Switch Identity! D*mn!
Lihim akong napangiti. ‘Yung excitement ko abot langit. Kinakabahan ako, but f8Ck I’m willing to take risk!
Palabas na sana kami nang may naalala ako.
“Wait! Where are you heading after this? You can't go home yet. Makikilala ka ng pamilya ko.”
“Will meet a friend sa isang restaurant, bayad din sila ni Sir Caleb, and will be spending two hours hanggang sa bumalik ka.” Hindi mapigilan ang sariling mapabilib kay Caleb. Lihim akong napailing at napangiti.
“You go first, ma’am. Nag-aabang na sa labas ng mall si Sir Caleb.
“Okay, thank you.”
Pagkalabas ko ng dressing room ay ‘di ako nagpahalat kay Kuya Mond.
Nakayuko ako habang palabas ng store. Yung kaba ko sobra. Saka lang ako nakahinga nang maluwang nang malagpasan ko siya at ‘di niya ako nakilala. Nang makalayo na ‘ko, nilingon ko siya; sya namang paglabas ng babae na ‘di ko man lang nakuha ang pangalan. Agad na sinundan siya ni Kuya Mond habang ako’y nagmamadaling tinungo ang exit ng mall.
Paglabas ko sa main door ay napalinga-linga ako. Hindi ko siya makita. Tumunog ang phone ko. It was him again. Binasa ko ang message niya.
“On your left. Sa may puno.” Paglingon ko nga sa kaliwa, agad ko siyang nakita. And D*mn, tila may kung ano sa puson ko ‘yung nagambala nang makita ko siya. Nakatayo sa gilid ng bigbike, nakaleather jacket. Ang gwapo lang—no! Ang hot, t*ngina! Agad na lumapit ako.
“Are you ready?”
“Oo naman!”
He gently placed the helmet on me. He carefully adjusted the helmet on me, and for a moment, it felt like I saw another version of him.
Then he wore his.
He got on the bike first, and I followed, settling in behind him.
Nasa gilid lang ang mga kamay ko. Naiilang akong yumakap sa kanya, but then again, he took my hands and placed them around him.
“Let’s go, then.”
I held tight.
As we cruised along the road on his big bike with the wind crashing against us, I felt the happiness I had missed wash over me again.