Chapter 33

1117 Words

Abby’s POV Pumasok ako sa library para mag-review dahil may pa-long quiz ang prof namin sa susunod na subject. Agad na tinungo ko ang paborito kong spot. Nilagay ko sa mesa ang dala kong bag. Kinuha ko ang phone sa loob nito. Nag-set ako ng alarm kung anong oras ako hihinto sa pagre-review at aalis. Na-late kasi ako isang beses dahil nakaligtaan ko ‘yung oras, kaya nasanay na akong mag-set ng alarm. Matapos makapag-set ng alarm, binaba ko ang phone sa table. Isa-isa kong nilabas ang mga gamit sa pagre-review. Umupo ako at binuklat ko ang libro. Hawak ko sa isang kamay ang isang retractable highlighter at nagsimulang magbasa. Maya-maya’y hindi ako naging kontento sa binabasa kong libro, kaya naisipan kong maghanap ng ibang source. Tumayo ako, iniwan kong nakabuklat lang ang librong

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD