Abby’s POV Paglabas ko ng classroom, hindi ko inaasahang hinihintay pala ako ni Caleb sa hallway. Kumunot ang noo ko nang makita ko siya. Ngumiti siya sa ‘kin habang hinihintay ang paglapit ko. “Why are you here?” Saad ko. Naglalakad ako patungo sa direksyon niya. “Obviously, hinihintay ang paglabas mo.” Sinalubong niya ‘ko at sabay na naglakad kami sa hallway patungo sa elevator. “Ba’t mo ‘ko hinihintay?” I asked. “I missed you?” Saad niyang tila ‘di sigurado sa sagot niya. Sabay na nilingon namin ang isa’t isa, parehong hindi makapaniwala sa sinabi niya. Kaya lakas ng tawa niya nang ismiran ko siya. “Shut up,” bara ko sa kanya. “Honestly, I just suddenly wanted to see you,” seryosong saad niya na para bang hindi kami sabay nag-lunch kanina. “Sabay tayong nag-lunch kanina. H

