Abby’s POV “I'm not rushing you. All I ask is that you think about it. Natahimik ako at hindi makapagsalita. Nagtatalo 'yung isip at puso ko. Oo, inaamin ko, gusto ko na siya ngunit narito pa rin 'yung takot ko na malaman ni Daddy.... Oh God... Nakagat ko ang ibabang labi habang nakatitig sa mga mata niyang umaasa habang hinihintay ang sagot ko. Ramdam ko rin ang kaba sa mga mata niya. rin. Huminga ako nang malalim at ngumiti. “I will.” Ilang saglit ay saad ko. Napangiti rin siya. Yung kabang nakikita ko kanina sa mga mata niya'y napalitan ng saya. Marahan nyang iniangat ang kamay ko at hinalikan ang likod ng palad ko na hindi inaalis ang tingin sa ‘kin. “Thank you.” Bakas din sa boses niya ang saya. “Hindi pa kita sinasagot,” pagkaklaro ko. Baka lang kasi iba ‘yung pagkakaintind

